Lloydie, Luis 'in bed' together

Posted at 11/14/2008 8:46 AM | Updated as of 11/14/2008 4:45 PM

Ngayon pa lang ay gusto na raw hatakin ni John Loyd Cruz ang panahon para masimulan na nila ni Governor Vilma Santos ang pelikulang pagsasamahan nila under Star Cinema.

Ayon sa aktor doble [dobleng] excitement ang kanyang [nararamdaman] lalo na ngayong tinanggap na ni Luis Manzano ang gay role sa nasabing pelikula nila ng Star For All Season.

"Of course [I'm] very happy kasi finally nabuo na 'yung matagal ng binubuong cast and [I'am] very glad na tinanggap na ni Luis yung role. Di ba ang sabi ko dati sa inyo medyo critical kung sino ang gaganap na partner ko  kasi it has someone na dapat maging kumportable ako at siyempre secured ka kasi magkakaroon talaga kami ng mga maseselang eksena"

At ang isa sa matinding eksenang magaganap ay kissing scene at bed scene.

"Yeah, [mayroon] talaga. May ganung eksena nga yata kaming gagawin, ha!ha!ha! kaya kailangang mag-rehease kami. ha! ha! ha! ire rehease namin ang eksenang iyon and it might na magsama muna kami ng ilang night kaya medyo hiwalay muna sila ni Angel (Locsin)," [biro] ng [binata] sa amin na binawi naman agad.

"Seriously mahirap itong gagawin namin ni Luis. Ako sa side ko napakahirap nito dahil first time ko itong gagawin kahit anong sabi ko na sobra akong excited dito, buo ang aloob ko in doing this film and doing this kind of scenes,e, takot pa rin ako. Kinakabahan ako at nininerbiyos ako kasi [lalaki sa lalaki] ito. First kong gagawin. Siguro gagawin lang namin ito ni Luis nang quicky, mabilisan talaga para matapos agad kahit sabihin pa nating movie lang,e, nandun pa rin yung maiilang ka dahil alam mong [lalaki] ka tapos makikipag love scene ka sa kapwa mo [lalaki] parang [weird] 'di ba? pero dahil malaki ang paniniwala ko kay Inang, e, alam kong maganda ang movie na ito na maipagmamali ko."
 
Makulit si Luis at makulit din si John Loyd. Hindi kaya mauwi sa kulitan ang ang bed scene at kissing scene nila ni John Loyd?

"Huwag naman sana. I mean  of course gusto ko naman siyang maging maganda. kailangan naman namin sigurong seryosohin ang bawat eksena na aming gagawin dahil trabaho ito.[Portrayal] kasi ito ng totoong nangyayari sa buhay. So ayaw naming maka [offend]. You know it something na nangyayari talaga. Ginagawa ng mga human beings at ayaw naming makasakit ng damdamin ng aming kapwa kaya siguro nararapat lang na pagbutihin namin ang aming gagawin. Hindi ito laro kasi any love making is [sacred]. Mahal ko ang mga tao (na kabilang sa) third sex kaya ayokong maging ang attact namin ay parang biro biro lang nakakahiya sa marami nating kaibigan na homosexual," tuloy tuloy pang sabi ng aktor sa [abs-cbn.com].

Sa pagkukuwento pa rin ni John ay aming nalaman na hindi lang si Luis ang bading sa nasabing pelikulang pagsasamahan nila ni ate Vi kundi maging siya ay may puso ring babae.

"Ang character namin dito nina Luis at ate Vi ay hindi typical na bading kaya gustong gusto ko. [I'm] sure marami na ang nakagawa ng mga pelikulang may tema nang kabadingan na alam mong bading sila at this film iba ito.So basta ang importante yung makikita nila dito at mararamdaman, e, yung damdamin talaga ng isang babae na ang nasa labas na [kaanyuan ay lalaki]. Malalim ito kaya  tuwang tuwa talaga ako nang tanggapin ni Luis ang offer."

Alam na ni John ang itatakbo ng kuwentong ng pelikulang pagsasamahan nila nina Luis at ate Vi kaya lang ay baka magkaroon daw ng pagbabago sa script.

"Huwag muna baka magkaroon ng pagbabago."

Sinabi pa rin ni John na kung si ate Vi ay excited sa magiging pelikula nila ay natatakot naman daw ang aktor sa unang paghaharap nila ng Star For All Season

"Kung excited si ate Vi ako sobrang natatakot. I mean excited akong matuto kasi siyempre Miss Vilma Santos iyan. Governor iyan. Hindi siya basta basta."

Alam ni John na marami siyang matutunan kay ate Vi.

"Yung learning na matutuklasan mo mula sa kanya Yung [experience] at yung mapi feel mo na para kang artista na rin kumbaga." Masayang pagwawakas ni John Loyd sa abs-cbn.com


Bookmark and Share

Links