Angelica Panganiban back to school in January
Matagal ding nahinto sa pag aaral si Angelica Panganiban. At sa January 2009 ay balik schooling ang dalaga.
"Excited ako kasi puro trabaho ang ginawa ko mula pa sa pagkabata ko. (Noong) 2003 ako nag graduate ng high school then [noong] 2004 up to 2005 ay nag aral naman ako ng [college] sa [THAMES]. Nagma-mascom [noong] first year collage ako. Sobrang imvolve ako. Sobrang gustong gusto ko ang mga ginagawa ko so, talagang ang ganda noong performance ko sa school until kailangan kong mag-[shift] ng course kasi 'yung masscom, international course siya kailangan kong tapusin 'yung next modules ko sa ibang bansa kailangan kong mamili. Dapat mag aral ako sa Australia, London or Singapore.
"So hindi siya feasible kaya kailangan kong mag palit ng local course [which] is puwede kong pagpilian yung management at mga [entrepreneurship] ganoon.Hindi ako naging excited sa napili kong enterp. Kasi dati kahit pagod na pagod ako takbo agad ako sa school. Kahit bumabagyo sige pa rin ako sa pagpasok but since hindi ko nga hilig yung course na nakuha ko parang nawalan ako nang ganang mag-aral. Kasi parang hindi ko gusto yung pinag-aaralan ko unlike before na sobrang [attached] ako sa mga ginagawa ko kaya hayun na focus ang attention ko sa work unlike dito sa culinary talagang ngayon pa lang ay marami na akong planong lutuin kaya exciting talaga gustong gusto kong mag-business dahil after this course balak kong magkaroon ng sariling restaurant " tuloy tuloy na pagkukuwento iyon ni Angelica sa abs-cbn.com
Nagustuhan ni Angelica ang culinary dahil ang pamilya daw nila ay mahilig magluto, Bukod sa mga kamag anak sa Pilipinas na [eksperto] sa cooking ay may mga kamag anak din daw ang aktres sa amerika na ang business ay restaurant at catering at iyon daw ang isa sa mga dahilan kung bakit naisipan ng dalaga na mag aral ng culinary.
"Yung mama ko, yung lola ko lahat sila magagaling magluto. Lahat sila pagluluto ang talent tapos ako feeling ko nun wala akong namana sa kanila. Ang alam ko lang kumain but since nagsolo ako at napuwersa akong magluto luto or else wala akong kakainin hayun natuklasan ko na kahit paano may alam din pala ako. Tapos yung mga friend ko na nakakatikim ng mga niluluto ko sinasabi nila sa akin na masarap na ewan ko kung loko lang iyon, e, naisipan kong seryosohin ang culinary kasi mahilig talaga akong mag experiment sa pagluluto.Then, kinalaunan parang nagiging therapy sa akin yung pagluluto na kapag pagod ako galing sa work ay tuloy pa rin ako sa kusina at nagluluto ako ng mga bagay na gusto kong kainin at ipakain sa aking mga kaibigan." At adobong manok ang specialty ng aktres.
November 4 ang mismong kaarawan ni Angelica.
"Paano ko cenelabrate ang birthday ko? Wala, ang gusto ko lang that time ay ang makatulog. Kasi galing ako ng Rome then dumating ako dito sa atin November 4 eksaktong 10 a.m. Sinundo naman ako ni Derek tapos nag ikot kami, nag mall tapos nag dinner kami. Hayun ganun lang talaga ang gusto ko plus isang maliit na party na kasama ko ang mga friends ko tapos ginawa naman nila at sinurprise nila ako kaya masayang masaya ako noong birthday ko. Kahit maliit lang yung party sa bahay ko,sa Eastwood e, nandun namang lahat yung mga kaibigan ko."
Ayon pa rin kay Angelica nagpunta siya sa Rome kasama sina Gabby Concepcion si John Loyd at Dennis Padilla para sa isang Filipino community show na kung saan ay naging mainit daw ang ginawang pagtanggap sa kanilang grupo. November 29 daw sila umalis ng bansa at bumalik sila sa mismong araw nang kanyang pagsilang.
First time daw nangyari kay Angelica na sa mismong araw ng kanyang birthday ay nasa eroplano "Nakakatuwa naman dahil for the first time ako lang ang nag-greet sa sarili ko ng happy birthday."
Isang pares ng hikaw, sapatos at bag na Chanel ang iniregalo ni Angelica sa sarili para sa kanyang kaarawan.
"Kung ano ang regalo sa akin ni Derek? Sapatos na pang mayaman! Ssusyal! Dolce & Gabbana at kulay orange siya. Gandang ganda ako talaga sa gift niya sa akin."
At age of 22 ay wala na raw si Angelica mahihiling pa sa Itaas dahil maganda ang takbo ng kanyang showbiz career at pati na ang lovelife.
Sa kabilang banda ay sinangayunan ni Angelica ang unang naging pahayag ni Derek na nabawasan na ngayon ang sobrang pagiging selosa ng aktres.
Sa isang interbyu kasing ginawa namin kay Derek ay sinabi nitong hindi na sila parang aso at pusa ng katipan.
"Mas tahimik kami ngayon at sa ganitong sitwasyon mas naramdaman namin yung privacy ng aming relasyon. Mas magaang naso- solve ngayon ang maliliit na problema unlike before na noong mga time na nagsi share kami sa mga tao kung ano ang nangyayari sa amin na lagi na lang [mayroon] kaming pinagtatalunan. Now saktong sakto na ang relationship namin ni Derek. Mas gusto ko yung ganitong intimante na relasyon. Mahirap pala kasi yung masyado nyong ikinukuwento sa publiko kung ano yung mga bagay na nangyayari sa iyo."
Tungkol naman daw sa pagiging selosa sinabi ni Angelica na selosa pa rin siya pero lesser na ngayon.
"Hindi naman ako selosa kumbaga lambingan lang namin iyon. Kumbaga ngayon hindi na effective iyon," pagwawakas ni Angelica habang panay ang halakhak.