Jan 10
2009

PDA scholar RJ Jimenez joins nutrition campaign in Dumaguete


BOY VILLASANTA, abs-cbnNEWS.com | 11/17/2008 8:55 AM

Printer-friendly versionPrinter-friendly version | Send to friendSend to friend

Dumaguete City, Negros Oriental -- Puspusan ang pakikilahok ng “Pinoy Dream Academy” scholar na na si RJ Jimenez sa kampanya ng nutrisyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng pakikibahagi sa pagpapalaganap ng “Wastong Nutrisyon: Alamin, Gawin at Palaganapin” sa lunsod na ito.

Dumating kaninang alas otso pasado sa Dumaguete National Airport dito ang mang-aawit upang hatdan ng musika ang mga ina, ama, anak, lolo at lola sa siyudad na ito kaugnay ng kampanya ng National Nutrition Council sa tamang pagkain tungo sa pagkakaroon ng tamang kalusugan.

Pagkalapag sa paliparan ay dumiretso si RJ sa motorcade upang ipaalam sa buong lunsod ang kampanya ng tamang nutrisyon sa pamamagitan ng pagkaway sa mga residente rito.

Dumiretso si Jimenez sa Quezon Park sa puso at pusod ng lunsod upang magbigay ng kasiyahan sa mga Barangay Nutrition Scholars at Barangay Health Workers kaugnay sa wasto at balanseng pagkain.

Maging ang singer ay naniniwala sa kahalagahan ng tamang pagkain upang mas maging malusog at mas humaba ang buhay.

Ayon sa kanyang panayam sa lokal na istasyon ng radio sa bayang ito, kailangang malusog tayong lahat upang mapakinabangan ang talento na ipinagkaloob sa atin ng Panginoon.

Aminado si RJ na malaki ang naitulong sa kanya ng “PDA” upang matupad ang kanyang mga pangarap lalo na ang pagpapalaganap ng musika sa buong bansa.

Kasama ni RJ sa kanyang paglibot sa buong bansa si Inday Garutay na nagpapahalaga rin sa tamang kalusugan.
Nagkatugma ang pananaw sa wastonng nutrisyon nina RJ at Inday lalo na sa wastong pahinga at pagkain na kailangan n gating katawan.

Nagkagulo ang mga residente sa siyudad na ito sa matikas na pag-awit ni Jimenez.

Kasabay ng pagpapalaganap sa wastong nutrisyon ay nakasama ng singer ng ABS-CBN sina Malou Enteria, ang Nutrition Officer ng
National Nutrition Council, Dra. Maria Sarah Talla, ang City Health Officer na nangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayan sa lugar na ito at iba pang gumuguhit sa malusog na buhay ng mga Pinoy sa panig na ito ng mundo.

Sa pagitan ng pagkanta ni RJ ay may mga lokal na talents na nag-ambag ng kanilang talino sa programa ng wastong nutrisyon.
           

as of 11/17/2008 1:34 PM



Multimedia


Chat Rules

Please follow our chat rules
Report abuse to feedback@abs-cbnnews.com

Storypage Ad zedo