Ryan Agoncillo transferring to GMA 7?

Posted at 11/22/2009 7:47 PM | Updated as of 11/22/2009 7:47 PM

MANILA - Itinanggi ni Judy Ann “Judai” Santos na lilipat na sa bakuran ng GMA-7 ang asawa niyang si Ryan Agoncillo dahil nakikita na ang actor-host sa noontime variety show na Eat Bulaga.

Paliwanag ni Judai, hindi porke’t nakikitang nagko-co-host ang kanyang kabiyak sa programa ng kabilang bakuran ay lilipat na ito.

“It does not mean anything,” simula ni Judai. “He’s not naman an exclusive star of ABS-CBN. Matagal na talaga siya dapat pumasok sa Eat Bulaga.”

Say pa ng aktres, sobrang happy niya na napayagang maging co-host ng programa ang kanyang asawa na una naman talagang nakilala bilang host.

“Ako, natutuwa ako for him kasi masuwerte siya na maging host… ako proud ako,” pagbibida ng aktres.

Samantala, isa si Santos sa mga naging host ng ABS-CBN Trade Launch sa Subic Bay, Olongapo City recently. Kabilang kasi ang teleserye ni Judai na “Habang May Buhay” na overdue na dahil nakailang revision na sila sa nasabing teleserye upang mapaganda ito nang husto. Makakatambal ni Santos si Derek Ramsay sa nasabing teleserye na nauna niyang naging leading man sa “Ysabella.”

Kasalukuyan ngayong napapanood si Judai sa Sunday romantic-comedy na “George and Cecil” with Agoncillo. Sinabi rin ng aktres na umaasa siyang matutuloy ang pelikula nila ni Sarah Geronimo next year.


Bookmark and Share

Links