Boy Abunda on Marian Rivera: ‘I don’t believe you are the biggest star’


By BERNIE FRANCO, ABS-CBN.com | 12/29/2008 2:45 PM

"First I didn't expect naman Marian (Rivera) to say, 'I love you, Tito Boy,'" simula ng reaksyon ni Boy Abunda hinggil sa interview ni Marian na tumangging magbigay ng mensahe sa King of Talk. Sa halip ay sumagot ang aktres na, "Si Ate Kris (Aquino) na lang. I love you, Ate Kris."

Nagsimula ang intriga noong nakaraang episode ng The Buzz (December 21) nang sabihin ni Kris na si Marian ang "biggest star today" na hindi sinang-ayunan ni Boy, at sinabing siya ay "one of the biggest stars" lamang. "I standby what I said," paninindigan ni Boy.

"And Marian, I didn't call you names, I simply said, and I paid tribute to you, sinabi ko, you're one of the biggest stars. I standby my statement na I don't believe you are the biggest star."

Dagdag pa ni Boy, marami ang dapat ikonsidera upang tanghalin ang isang tao na pinakamalaking artista ngayon. "Kapag pinag-uusapan ang biggest star, marami 'yan, eh. Longevity, body of work, ikaw ba ay maraming pelikula, ikaw ba ay may concert."

Malawak at malaki ang pamantayan ng titulong biggest star, paliwanag ni Boy. Depende na raw ito sa dami ng proyekto ng isang artista at kung gaano kalaki ang kinikita ng mga pelikula.

"I don't think you can be the biggest star with two (television) hits," tukoy ni Boy sa dalawang sumikat na teleserye ni Marian sa kabilang istasyon.

Gayunpaman, kinilala ni Tito Boy ang tagumpay ng aktres sa napasikat niyang mga teleserye sa GMA-7. "Back-to-back hits are hard to achieve and Marian achieved a lot."

Pero bawi ng host, bukod kay Marian ay marami rin ibang artistang babae ang malaki ring tagumpay ang nakamit kagaya nina KC Concepcion, Sarah Geronimo Bea Alonzo, Claudine Barretto, Judy Ann Santos at marami pang iba.

Naging patas din si Tito Boy nang sabihin niyang hindi naman hiningi ni Marian na tawagin siyang biggest star today. Dito ay ilang beses na humingi ng paumanhin si Kris Aquino dahil siya ang nagsabing biggest star si Marian ngayon, at inaming mali ang kanyang tinuran.

"I didn't' say anything derogatory. I didn't say anything to disparage your name. To a certain point, being a big star in our industry is relative," mensahe ni Boy kay Marian. "Marian if you love Kris Aquino, I love her more," huling banat ng host.

as of 12/30/2008 11:51 AM



Video


More Videos


Tower 1


Tower 2


Storypage Ad zedo