RE: Ruffa vs Kris

Posted at 03/08/2010 6:16 PM | Updated as of 03/08/2010 6:16 PM
Para ito kay Ruffa at Annabelle Rama: ipinakita ni Annabelle na wala siyang pinag-aralan pati na ang anak niya na si Ruffa. Hindi tama ang ginawa ni Ruffa na mag walk out sa show. Sana hinarap si kris after the show at sinabi sa kanya na matagal na siyang inis sa kanya. 
 
Iyon ang professional act as a host at si Annabelle talagang walang siyang moralidad sa mga pinalalabas niya sa bibig niya. Pinapakita sa mga tao kung anong klaseng showbiz manager siya anak pa naman niya iyon. Ewan ko ba kung bakit siya naging talent manager. Sana mag-aral siya kahit isang semester lang ng management.
 
Siguro ang anak niya ay walang talent kaya nasasapawan ni Kris. Pumunpunta sa the buzz para mag model hindi para mag talk show. Maling mali ang ginawa nilang mag-ina, para hindi nila alam ang buhay ng nasa showbiz. At si Annabelle wala siyang magandang ipapangaral sa mga anak niya kundi ang magtaray. That’s not good as a mother hindi dapat iyon. 
 
Kung iboboto si Villar siya na lang at hwag nang magtawag at gawing puhunan ang pag-aaway nila ni Kris sa showbiz. It’s not fair kay NoyNoy na palagi siyang nadadamay laging hinahanapan ng butas para masira siya. Mababait ang mga Aquino they are trying very hard not to hurt anyone.   
 
Prescy Castillo
The University of Sydney
Australia
prescy.castillo[at]sydney.edu.au
 
Palagi kong napapanood sa The Buzz ang palaging pambabara ni Kris sa mga co-host niya. Feeling niya ang galing galing niya at feeling niya siya ang may-ari ng ABS-CBN. Napapansin ko magmula noong pumasok si Ruffa sa programa parang VERY INSECURE si Kris kay Ruffa. Napapansin ko rin na ayaw padadaig ni Kris sa damit lahat na yata ng alahas niya ay isinuot niya na.
 
Ang resulta parang naging trying hard siya. Dapat hindi siya kamipagkompetensiya kay Ruffa kasi maganda ito kaysa kanya, kahit anong isusuot na damit ni Ruffa babagay sa kanya. Si Kris kong walang makeup para siyang gusgusin. Kawawa naman siya. Dapat lang na umalis na si Ruffa sa programa para mawala na ang insecurity ni Kris sa kanya.
 
Looy
EDignaran[at]se.com.sa
 
Ruffa,
Sana pag-usapan nyo na lang ito ni Kris w/ Boy Abunda in the middle. Sayang naman ang pagkakaibigan nyo.at saka sabihan mo ang nanay mo huwag ng makialam sa gusot, kasi lalo lang lumalala ang sitwasyon.
 
Manager mo nga siya pero hindi tama ang guidance niya sa iyo.she is very unprofessional.3 years kayong magkasama ni kris very strong ang personality niya,nature niya yon eh.dapat mas alam mo yon.nakakahinayang ang inyong pinagsamahan.sana maayos nyo ito ng tahimik ng wala sa eksena ang iyong ermat.
 
Concerned reader
Baltimore
jacelax87[at]gmail.com

Bookmark and Share

Links