RE: Pinulot ka lang sa lupa Gibo
Posted at 03/15/2010 6:43 PM | Updated as of 03/15/2010 6:43 PM
Hindi rin ako sangayon sa patronage politics. Pero Gibo, respeto man lang sa taong nagtaguyod sa yo, wag na ang utang na loob. Respeto na lang bilang kamag-anak.
May karapatang manumbat ang pamilya ni Danding Cojuangco sa iyo. Kasalanan mo iyon kung sumbatan ka dahil pinulot ka lang sa lupa, dinamitan, tinuruan, ipinakilala sa lipunan tapos simpleng "hoy, Uncle Danding, lalayasan na kita".
Hindi ganyang klaseng pangulo ang nais kong mamuno sa bayan. Hindi pa rin dapat mawala ang good Filipino values ng isang pangulo: ang paggalang sa matatanda at sa mga taong nakasalubong mo at tumulong sa iyo sa pagpanhik. Dahil sisiguraduhin ko sa iyo, sila din ang masasalubong mo at sasalo sa iyo sa iyong pagbagsak.
Ikaw Gibo ang unang nagsalita ng hindi maganda, iningles mo lang para mukhang kulturado at may ethics, pero pag tinagalog mo hindi kulturado at walang ethics ang dating ng mga binitawan mong salita sa iyong mga press releases at kampanya. Alam mo naman na ang Pilipino, pag ingles maganda pakinggan, pag tagalog ang sagwa.
Tandaan mo ito, ayaw ng Pilipino ang isang ingrato! Marami nang bumagsak sa pagiging ingrato nila hindi ko na iisa-isahin dahil kilala mo sila at patuloy na bumabagsak. Bumalik ka sa uncle mo at magpakumbaba at humingi ng kapatawaran. Pero walang press release kundi totoo lang!
Carlos Jesus Torralba Flores
Jubail Industrial City
Kingdom of Saudi Arabia
rudyard39[at]hotmail.com