I can’t seem to comprehend how the SC could decide on the fate of Res. 1109. Sabi nung spokesman nila, wala pa naman daw grounds para di ituloy ito. Isn't the Senate's non-approval of it enough for them not to approve it? I still have high regards for our justices and I still trust them.
But with the way everything is being ignored by the powers in the palace and its countrywide machinery to make it to CON ASS, where is DEMOCRACY now. If we go back to the simple meaning of democracy, my Civics teacher taught us that democracy is FOR THE PEOPLE, BY THE PEOPLE AND OF THE PEOPLE.
If we, the Filipino people, are not given the chance to be heard, do you think we still have democracy in our country today?
Isn't the Philippine Constitution the sole basis of our Justices to decide whether things are Constitutional or Not? Bakit ngayon parang di ko maramdaman na iyun pa rin ang basehan nila sa pag desisyon lalo na sa usapin ng Con Ass ngayon.
Sa totoo lang, litong-lito na ako sa nangyayarin sa ating bayan ngayon. Mali ba ang mga itinuro sa atin sa eskwela? Bakit lahat ng dapat gawin na tama, di na natin nakikita sa ating pamahalaan ngayon? Magsabi ka ng totoo tulad ni Jun Lozada, naku, lagot ka, demanda ka!
Kung ang Panginoong Diyos na lang ang pag-asa natin, siguro dapat mas lakasan pa natin ang ating dasal para sa pagbabago ng kalagayan ng ating bansa at ng ating mga buhay. Bago pa maging huli ang lahat.
Rizal, kung nasan ka man, sana dalawin mo naman sa panaginip ang aming mga lider para manumbalik sa puso at isipan nila ang mga dapat at tamang gawin sa paglilingkod sa bayan.
BOTO KO SA 2010 TALAGANG BABANTAYAN KO! Wag niyo nakawin sa kin ang karapatan kong bumoto ng PRESIDENTE. Filipino ako. Isang boto ako. Wag nawa nakawin ng CON ASS ang nag iisang boto kong ito!
Rhoda
Iloilo City, Iloilo
Hindi kailangan ng Pilipinas ang bagong saligang batas, walang mali sa anumang nakasulat dito. Ang kailangan natin ay ang mga matitinong magpapalakad ng gobyerno ng walang bahid na korapsyon at pagiging ganid sa kapangyarihan.
'Wag nating payagan ang isang mamumuno na hahawak muli sa dating kapangyarihan kung ang paiiralin lang na patakaran ay ang katulad din na puro at puno ng kasinungalingan.
Ipaglaban natin ang ating boses, mahina man ang nag-iisa pero kung ito ay pinagsama-sama ito ay magiging malakas at puno ng pag-asa.
Paolo
Muntinlupa, Metro Manila
Nakapagtataka nga. Para bang ipinagsabayan ang CONASS na ito sa napipintong halalan sa 2010. Ano ba talaga ang hangad dito? Hindi rin yata alintana ang malaking gastosin sa pamahalaan kung ang dalawang malaking 'activities'na ito ay magkasabay na harapin? At ang pinakamahalaga, ano ba talaga ang hantungan sa pagpapa-iral sa CONASS na ito? Sana ang mga kuro kuro sa masamang epekto nitong maidulot ay hindi totoo. Sana nga.
Bonifacio
Davao, Davao