RE: Call to the youth

Posted at 06/29/2009 5:14 PM
Maraming mag-aaral sa iba't ibang parte ng Pilipinas ang nagsusummer class o summer job, at karamihan sa kanila wala sa kani-kanilang mga pinanggalingan. Nagtitiis - para lang matapos na yung kaunting units na natitira o di kaya eh makahabol pa mula sa pagkadelay.
 
Ngunit. Kapag binuhusan ka nga naman ng malas. sa pagpatak ng unang araw ng eleksyon, maraming estudyante (legitimate voters) ang hindi makaboto.
 
Bakit? Dahil nakaregister nga sila sa kani-kanilang municipal/town/city Comelec precincts (sa malayo), pero wala naman sila sa mga oras na iyon.
 
Kung ipagpipilitan lang ng iba na magpaschedule ng flight (o kung anu-ano pa) pauwi nang probinsiya para lang makaboto. Magastos huwag na lang. (makapagmall na nga lang, magshopping, magparty, etc).
 
In both worlds, pareho lang ang salita: madadagdagan pa rin ang kaban ng di karamihan. Parang katumbas na din siguro ng bus fare o ticket ang isang boto - yung SIYANG maghahalal ng bagong pangulo at siya ding magpapatalsik dito (dahil lang sa ayaw o di vibes, o pagiging one-sided lang, o baka mali lang talaga ako).. a, ewan!!
 
Yes, there are solutions. at di na kailangan pa ng math dito! halimbawa, ang voter's choice to temporarily transfer to a more accessible (near) precinct. Pero sana naman itigil na ang red tape na yan, please lang.
 
Ano pa kaya?
 
Isang panawagan na nga lang.
 
Kabataan. maging aktibo tayo sa darating na halalan.
Dati, wala lang sa akin yang boto-boto na yan, kasi nga di pa ako 18. Ipaubaya na lang sa mga nakatatanda.
 
Sa lugar namin (at sa iba pang mga lugar dyan), uso ang suhulan.  Pero ang uso, uso lang talaga. Iniisip din naman ng mga tao kung sino nga talaga ang karapat-dapat na umupo sa "seat of corruption" este sa mga posisyon ng pamunuan. 
 
If we take a closer look, naiisip ng marami ang tumanggap ng suhol (coz it suffices for our one day of needs; pang-ice cream, pangbeer, pulutan, aaa!!!) at pumili ng kanilang manok - tandang in this case.. kapag ang tandang manuka (if politicians instill fear on the public).
 
Yan bumibilis yung heartbeat rate, tsaka makikisawsaw ang konsiyensiya.. at different results ang nakukuha.
 
Minsan panalo ang pananakot.. minsan naman sabaw.. minsan din naman, may bumuboto nang buo at may paninindigan.. minsan lang..) 
 
Michael Giles
Tacloban, Leyte
Boto Mo iPatrol Mo multiply site (http://botomoipatrolmo.multiply.com)