RE: Advise to Noynoy Aquino
Posted at 08/27/2009 6:44 PM | Updated as of 08/27/2009 6:44 PM
A piece of advise to Noynoy, Do not let yourself to be used by other people for their own personal interest. Remember, yung mga taong gumamit sa namayapa mong ina na si Cory. Maraming mga tao sa likuran ng nanay mo naghangad ng mataas na puwesto na tulad ni Doy Laurel na siyang bise presidente ni Cory. Nang hindi pagbitiwin si Cory ng mga taong nasa likuran niya para bumaba sa puwesto sa pagka pangulo laking dismaya ni Laurel dahil ang personal interest niya na papalit kay Cory ay nabigo. Dahil dito tumabang ang pakikisama ni Doy sa Cory Administration.
Sa tingin ko ganito rin ang gagawin kay Noynoy dahil nga sa wala pa siyang katangian para maging pangulo ng Pilipinas ang maipapayo ko, wag padala sa mga sulsol na ang ginawang dahilan na meron big chance na manalo si Noynoy ay sa pagpanaw ng kanyang ina. Aminin man or hindi ng sambayanang Pilipino, maraming sumakay at nagdoble kara ng mamatay si Cory. Nandoon na kung ano-anong magagandang pananalita ang mga sinabi during the necro of Cory. Ika nga bakit ang magagandang mga bagay na sinabi ng mga manggagamit ng mga taong ito ay hindi nila sinabi nationwide at hindi yong sasabihin nila ito ng wala na si Cory. Ano ang silbi ng mga magagandang sinasabi nila, madidinig pa ito ng isang taong namayapa na. Maraming naging mga OA during Cory’s wake sa totoo lang.
At kung yong nasa likuran ni Noynoy nagsasabing malilipat sa kanya ang Cory magic ay isang malaking ilusyon at kabaliwan. Sa aking pananaw wala nang gaanong bisa ang Cory magic at kahit ng buhay pa siya kung saan sumama si Cory sa mga taong gustong pababain si GMA sa puwesto at manawagan sa mga taongbayan na makisali sa kanilang rally ay nabigo sila. Kung baga iba ang People Power noon kaysa ngayon. Pagod na ang mga tao sa ganitong people’s power ek ek na ito.
Kaya Noynoy kung gusto mo nang tahimik na buhay, wag kang pagagamit sa mga taong nasa likuran mo. Hindi lahat ng nasa likuran mo ay mga kaibigan na nagmamahal sa iyo. Kung meron man nagmamahal sa iyo ay para sa sarili nilang interest.
Hayaan mo na lang si Mar Roxas ang tumakbo sa pagka pangulo dahil kung tutuusin wala rin tsansa na mananalo si Mar Roxas. Ang dahilan. Sobra siyang madakdak at kahit na walang kuwentang bagay ay pinupukol kay GMA. Paano mo iboboto si Mar Roxas na walang galang sa ating pangulo at sa kanyang sarili.
Filomeno Ritual
Magpakita muna ng resulta si Noynoy
Jose Rizal or whatever your real name is,
Sa pagsasalita mo, mukhang galit na galit ka kay Arroyo. Siguro naman yung galit mong yan ay dahil hindi ka kuntento sa pamamalakad ni Arroyo kaya't naghahanap ka ng resulta di ba? Halos buong oposisyon ngayon hinahanapan ng resulta ang presidente.
Fine. Pero bakit hindi mo rin hanapan ng resulta si Noynoy? May naisulong na bang bill si Noynoy? Matagal na siyang senador at tumatanggap pa ng pork barrel na milyon-milyon ang halaga. Pero hanggang ngayon, WALA PA RING NAISUSULONG NA BATAS SI NOYNOY. Ano ang silbi niya sa senado? Ano ang magiging silbi niya kung magiging presidente siya ng bansa? Wala. Kasi, unlike ng mga magulang niya na talagang nagtrabaho at naging bayani, si Noynoy ay isang TRAPO.
Kung hinahanapan natin si Presidente Arroyo ng resulta, dapat lang na hanapan din natin ng resulta ang mga kakandidatong papalit sa kanya. Bago ka magmura, mag-isip ka muna! Matunog ba ang pangalan ni Noynoy bago mamatay si Cory? Isinasama ba siya ng partido niya sa pagka-presidente? Hinde! Kasi wala silang nakikitang alas kay Noynoy nuon. Hindi marketable kasi WALA NAMANG ACCOMPLISHMENTS. Ito ang tipo ng kandidatong ipinaglalaban mo. ISANG TRAPO.
to jose rizal
Sino po kaya ang walang utak?.Di ba ang mga nag-oover-react at nagmumura? Wala naman sanang ganyanan. We are just here sharing comments and opinions, let's all be civilized. Tama lang naman ang sinabi ni Filomeno di ba? In the first place, how did Cory Aquino get to be the President? Meron ba siyang political background? Wasn't she just a plain housewife, no offense ha, hindi kasalanan ni Gng Aquino yon, mga tao lang naman na wala ngang utak ang bumoto sa kaniya, kagagawan na nga lang ng mga taong may mga pansariling interest nong panahon na yon. Alam nila na mainit ang issue dahil sa pagkamatay ng asawa niyang si Benigno, kaya ginawa siyang pain, ang mga tao naman kumagat. Alam nila na pag si Cory na ang nakaupo, lahat ng mga gagawin nilang corruption ay tatahimik lang ang Gng dahil nga sila ang nag-lagay sa kaniya sa puwesto, kung kaya nong natapos ang term niya, bumaba agad, sabi nila eh, tapos na kasi angplano nila. Nakapuwesto na lahat at nakapagpayaman na sila lahat, kaya nga namatay siya na pagka-bait-bait. Siyempre, mabait nga naman di ba? Tama, sana mag-isip si Noynoy, at sana huwag na namang gamitin ang pagpanaw ng kaniyang ina. Di ba nga parang tumanggi na si Noy? Yon ay dahil matalino siya, hindi niya gagamitin ang pangalan at pagkamatay ng ina, maka-upo lang sa puwesto. Mga kababayan, sana mag-vote wisely na kayo,magduda na kayo sa mga sobrang ganid, maka-upo lang, wala ng ginawa kundi manira ng kapuwa, samantalang sila mas grabe pa, gaya ni Roxas, Escudero, Cayetano Estrada. Kawawa na naman ang bansa natin. Lahat sila pare-pareho, so pumili na lang ng at least me ginagawa kahit na nag-co-corrupt, kesa namn corrupt na lang ng corrupt at kalabanin ang gobyerno.
mag-asawa ka muna
para kay senator noy2, wag na siyang makikgulo sa mga tatakbo wala siyang ka-amor2 ano, iba yung charisma ni cory sa kanya. at iba c cory kay noy2 hindi sila parehas, kaya di siya dpat mag-ambition at wag niyang gamitin ang cory mgic dahil kasama ng inilibing ng dating pangulo at wala ng epeto yon sa tao. payo ko lang mag-asawa ka muna pra maragdaragan ang bilang ng mga boboto sayo, nag-aambition kng maging pinuno ng isang bansa smantala sarili mong pamilya ay di ka makapg-establish. paano mo masasabing mgging isa kang mabuti lider someday kung sarili mong pamilya ay wala ka????
jimuel_98
riyadh, ksa
Filemeno Ritual - tuta ni Arroyo
Gago, binabayaran ka rin ba ni Arroyo. Kaya nakakalungkot maging pilipino kapag nakakakita ako ng taong kagaya mo na walang utak. Puros mali ang ibinibigay mong inpormasyon. Ang alam ko lang pagdating ng araw kasama mo si Arroyo at Marcos na sinusunog sa impiyerno kasama ang mga demonyong nagsusulsol sa inyo araw gabi.