Teehankee and Executive Clemency

Posted at 10/13/2008 4:57 PM | Updated as of 10/13/2008 5:07 PM
How ironic: 'Special treatment for rich inmates is HR violation'
 
If I may quote:
 
" Prison officials are violating human rights by giving rich jailbirds special treatment, Commission on Human Rights (CHR) Chairwoman Leila de Lima said Saturday.
 
“That is questionable. That is a violation of the human rights standards and principles of equality and non-discrimination,” De Lima told radio dzMM when asked to react on the special treatment provided by the National Bilibid Prisons to its rich inmates, including convicted murderer Claudio Teehankee Jr."
 (abs-cbnNEWS.com/10/11/08)
 
Again from Bamboo's "Tatsulok":
 
...."hangga't marami and lugmok sa kahirapan
at ang hustisya ay para lang sa mayaman..."
 
Funny how that song hits the target...
 
First, there was Erap, now Teehankee...who's next?
 
And we wonder why this country needs a good governance, when the
government itself relies on criminals to save its face...
 
And the president wonders why we doubt everything she says... she's a joke...
 
Zion ann
 
Magandang Hapon po!
 
Ako po si Macqui. Ako po yung na-feature nung October 9, 2008 sa front page ng Phil. Daily Inquirer, entitled : What about us? Asks wife of poor inmate.
 
Nung nabalitaan ko po ang tungkol kay Teehankee Jr., sobrang umaapaw ang damdamin ko sa halo halong emosyon. Ang isip ko ay punong-puno ng katanungan, "bakit ganun?
 
Dalawang taon na akong pabalik-balik ng Malacañang, DOJ, BPP, NBP, PAO at nung kelan lang ay napadpad naman ako ng IBP. Nagbabakasakaling makasama ang asawa ko sa mga mabibigyan ng pardon ng Pangulo.
 
Eighteen years old pa lang po s’ya ng makulong, 36 years old na sya ngayon. Magkababata po kami, 10 taon pa lang kami ay magkakilala na kami.
 
Ang kaso n’ya ay theft, robbery at 2 sticks of marijuana. Na puro lahat bintang lang, sapilitang pinaamin sa pamamagitan ng bugbog na tinamo nya sa mga pulis.
 
Nung sya ay 20 years old, kasalukuyang mapusok pa, nagkaroon s’ya ng pagkakataong makatakas mula sa Sablayan Prison and Penal Farm, kasama ng iba pang mga may edad na sa kanya. Pagkaraan ng 3 years at 6 mos. muli syang naibalik sa SPPF. 
 
Mula noon, ay nagdesisyon na s’yang ayusin ang buhay n’ya sa pamamagitan ng pagpapakita ng magandang behaviour sa loob ng kolonya. Pinagkatiwalaan at nagkaroon ng tungkulin, mula sa pinakamababang tungkulin hanggang sa maging "mayor" sya sa loob ng anim na taon. Pinagkatiwala sa kanya ang pagdidisiplina ng mahigit na 1 libo katao sa brigadang hawak nya. Katulong s’ya ng Bureau sa pagpapanatili ng kalinisan, pagpapaganda ng kapaligiran. 
 
Taon taon ay nakakatanggap s’ya ng award at recommendations mula sa Superintendent ng Bureau. Bukod tanging s’ya lang ang "puganteng" pinagkatiwalaang maging "Mayor". Halos lahat ng inmate sa buong compound ay mataas ang paghanga sa kanya, maging ng mga empleyado. 1/4 ng mga preso sa SPPF ay ipina tattoo ang pangalan na asawa ko sa ibat ibang bahagi na katawan nila. One way to show how they respected and idolized my husband.
 
Eighteen years na s’yang nakakulong kasama ang GCTA. Siguro naman ay sapat na ang panahong iyon upang pagdusahan n’ya ang mga kasalanang puro naman "ipinatong" lang sa kanya. 
 
Lumalaki na ang dalawa naming anak, si Jhacqui 14 at Marc 8.
 
Sana kung nabigyan ng pagkakataon si Teehankee na makalaya, na mayrong karumal dumal na krimeng ginawa, bakit hindi mabigyan ng pagkakataon ang asawa ko na wala namang pinantay o ni-rape?
 
Sapat na bang dahilan na dahil sa may evasion ang asawa ko, ay wala na syang pagkakataong ma-review at mairekomenda sa pangulo? Evasion na nangyari sa panahong 16 years ago pa? Kailangan pa bang mag hintay kami hanggang 2015?
 
Tulungan nyo naman akong maiparating sa mga kinauukulan ang aking suliranin. Kung nahihirapan man ako, mas higit ang hirap ng kalooban na dinaranas ng asawa ko at ng dalawa naming anak. We also deserve to be happy at maging buo ang pamilya.
 
Kaya lang papano? Please help.
 
Macqui

Bookmark and Share

Links