Feedback: Bakit kailangan nating bumoto ng tama?
Posted at 11/12/2009 5:32 PM | Updated as of 11/12/2009 5:32 PM
Ang realidad sa politikang Pinoy ay madali lang ilarawan... isang bagay lamang ang pumapasok sa isipan ko, kundi kaswapangan.
Sa totoo lang, kung sino man sa inyo na makabasa nito ay itukoy ang isang taong tumatakbo sa isang posisyon sa gobyerno na ang nasa isipan ay tunay napagmamahal sa bayan at di ang personal na interes sa kayamanan at kapangyarihan? Sa hanay ng ating mga kandidato sa ngayon, merun ba sa kanila ang may hangaring itama ang mga mali sa politika? O baguhin at unlarin ang buhay ni Juan dela Cruz?
Ito ang mga tanung na dapat nating pagtuunan ng pansin bago tayo pumunta sa mga presinto upang bumuto. Pag isipan mabuti ang mga pangalan isusulat sa ating mga balota.
Hindi porke siya ay nagpagawa ng ating mga kalsada, o nagpadala ng mga relief goods sa mga evacuations, o nagpalibing ng ating mga patay, nagpaaral ng ating anak, ninong o ninang ng ating mga apo, magaling magsalita, gwapo, artista at sikat, ay ating na iboboto.
Ang pagboto ay katumbas ng ating kinabukasan. Gusto pa ba nating magdusa ng anim na taon? Gusto pa ba nating magtiis na mangibang bansa para lamang may maipakain sa ating pamilya? Gusto pa ba nating na walang mananagot sa mga anomalyang ng nagdaan rehimen? Gusto pa ba natin na apak apakan ang karapatang pantao ng mga maliliit na mamamayan? Gusto pa natin ang mataas na bilihin na halos lahat tayo ay magdildil na lang ng asin? Gusto pa ba natin na ang ating mga anak ay makapag aral man, ay di mabigyan ng tamang kaalaman at kalinga ng lipunan?
Ang lahat ng sakit ng lipunan ay kagagawan ng isang lider na mali ang patakaran, pamantayan at prioridad. Kung ang isang lider ay tiwali, wala siyang karapatang magsugpo nito, subalit ito ay kanyang kinukunsinti upang ang sariling katiwalian ay magpatuloy. Kung ang isang lider ay nasusuhulan, siya din ay manunuhol kung kinakailangan para sa kanyang sariling survival. Di nga ba ito ang kalakaran ng kasalukuyang gobyerno?
Ang aking alam sa aking munting karunungan, ang ating mga hinalal ay sumumpa ng serbisyong bayan di lamang sa tao na kanyang kinsasakupan subalit pati na rin sa Diyos. Pero bakit pag sila ay may nagawang kabutihan tulad ng kalye, infrastructura, nagpabahay ng mga eskwater, nagpakain ng mahihirap, ay dapat pa nating itanaw na utang na loob ito sa kanila? Bakit kailangan natin sila papurihan? Di nga ba't ito ay kanilang sinumpaan na gagawin sa diyos at bayan?
Pera nang bayan ang kanilang ginagamit sa mga ito, saan ngayon ang utang na loob dun? Hindi ko lubos maunawaan.
Ako'y naiingit sa ibang bansa na ang kanilang mga lider ay nagreresign at ang iba ay nagpapatiwakal pa dahil lamang sa mga pagkakasangkot sa katiwalian. Pero dito sa aking bayan, huli na, ayaw pang bumitiw sa pwesto ng kapangyarihan. At yung iba ay tumaas pa ang kinalalagyan! Parati nilang sinasabi, "kung may katibayan, idulog sa tamang venue". Ngunit anung venue ba ang dapat nating dulugan?
Di nga ba't ito ay atin nang sinubukan? At anu ba ang nangyari? Di nga ba't sila sila din ang ating sinusumbungan? Sila-sila din ang magdesisyon kung ito ay may katutuhanan? Di nga ba't ang kanila ring mga alipores ang buboto kung sila ay dapat managot sa bayan? Di nga ba't ang ating Ombudsman ay nagtutulog-tulugan? Di nga ba't ang ating kapulisan ay may pinapaburan? Di nga ba't si Imelda ay nakakalaya pa at mukhang wala ng patutunguhan ang ninakaw sa taong bayan? Di nga ba't si Erap ay kinulong sa isang mansyon at ngayo'y pinawalang sala na at tatakbo pa nga bilang pangulo ulit kahit ito'y napatunayan na ng korte siya ay may kasalanan? Hay naku juan! may magagawa ka pa kaya?
Ito ngayon ang hamon sa ating mga kababayan. Itama ang pulitika sa bayan. Pumili ng tamang taong mamumuno. Alisin na ang dynasty sa inyong bayan. Tumakbo at labanan ang mga tiwaling lider ng inyon kumunidad. Papahingain na natin sila baka di na nila mabilang ang kayamanan kanilang ninakaw sa kaban ng bayan.
Gamitin ang inyong karapatang bumuto na panlaban sa katiwalian. Palitan ang takbo ng politika ng inyong lalawigan upang ang buong bansa ay tuluiyan na umusad tungo sa pagbabago at kaunlaran.
Harinawa tayo ay patnubayan ng nasa itaas sa ating laban sa susunod na eleksyon.
Multiply user Pat Demaclid
Boto Mo, iPatrol Mo Multiply page