RE: Mahika
Posted at 11/12/2009 5:35 PM | Updated as of 11/12/2009 5:35 PM
Noong ako ay musmos masaya akong lubos
Sa pagkain sa laruan ako ay puspos
Kami'y dinadala sa perya kapag fiesta
Nanood ng nakabibilib na iba't-ibang mahika
Mahika noon isip ko'y pambihira
Ulti mong pusa sa sumbrero'y nawawala
Laging naiisip paano ito ginagawa
Mga mahika ay talaga namang nakamamangha
Ngayong ako'y lumaki't nagkaisip na
Kahit sino pala ay marunong ng mahika
Ordinaryong tao rin ito'y kayang-kaya
Basta't sanay kang tao'y imaniubra
Ikaw ay lumingon mahika'y kahit saan matatagpuan
Kahit sa simpleng pagkakataoon ito ay masisilayan
Mamaya ito ay aking ituturan upang sinasabi ay mapatunayan
Bibigyan kita ng matibay at makatotohanang katibayan
Doon sa botohan mahika'y puspusan
Mga naka-upo sila ay pagmasdan
Di ba nga't kahit talo sila nasa luklukan
Yan ay malinaw na mahikahan
Nakapwestong peke ay may masamang mahika
Kanilang paglilingkod kapalit ay ating pera
Noong bago sila tulad din natin sila
Mahirap din ngunit ngayon ay milyonaryo na
Nakabibilib ang kanilang talento
Magmagic ng pera at di maalis sa pwesto
Kahit mga ibedensya ay todo-todo
Salapi ang sekreto ng mga magikero
Kung ako ay may magic ito ay aking gagamitin
Gagawin ko silang puno may pakinabang pa sa atin
Di gagawing peste dahil salot din ito sa atin
Ngunit ang mahika ay kathang tao lang din
Multiply user Tungkol sa
Boto Mo, iPatrol Mo Multiply page