Reader's message to all running for President for 2010
Posted at 11/16/2009 4:22 PM | Updated as of 11/16/2009 4:22 PM
Kung sino man ang maging Presidente sa 2010, sana maging maayos ang inyong pagpapatakbo at malinis ang inyong hangarin. Huwag niyo na pong isipin na mangurakot. Kasi ang mga mahihirap ang nagdudusa.
Kung ang mga ordinaryong manggagawa ay kumikita lamang ng 382 per day, sapat na yun para s kanila. Kasi wala naman silang magagawa kundi tanggapin yun, kesa sa wala.
Saka ang dami niyo masyadong tumatakbong Presidente,nalilito lamang ang mga taong bayan kung sino ang iboboto!
Paano magkakasundo ang mga tao kung kayong mga nasa politika ay hindi magkasundo..hahaha..nakakalito na..Saka buksan niyo ang mga mata ninyo,wag po kayong magbulagbulagan.
Sana kung sino man ang mananalo bilang Presidente,nawa'y mabigyan niyo ng matutuluyan ang mga mahihirap na nasa kalsada, lalo na yung mga matatanda!!! wala akong magawa kundi ipagdasal sila,na sana maging maayos sila at patnubayan sila ng Diyos.
Nawa'y makarating po sa knila ang aking munting mensahe.
patrick dfdsfdsfdsf
counter_strike0002[at]yahoo.com