RE: Noynoy, Mar, Loren, Ralph and Vilma

Posted at 11/18/2009 6:31 PM | Updated as of 11/18/2009 6:31 PM

Gusto kung iparating ito sa aking sasabihin sa apat na kandidato sa mataas na position at position pang local.

1.   NoyNoy – Bakit tameme ka sa mga issues na itinatanong sa iyo tungkol sa pagkamatay ng 7 nag rally sa hacienda luisita nyo at bakit si Mar Roax ang sumasagot na dapat dahil ikaw ay isang Aquino, ikaw and dapat sumagot. Tama ang nasa isipan namin mga OFWs, kung suwertehin kang manalo, wag naman sana, pupusta kami, si Mar Roxas ang magiging black shadow mo. Kung ano ang gusto ni Mar tiyak na susundin mo dahil nga sa pagtanaw ng utang na loob. Kung ano ang nangyari sa namayapang si Cory ganito rin ang mangyayari sa iyo NoyNoy, sakaling mahalal kang Pangulo, wag naman sana ulit. Sana isinama na rin nina NoyNoy at Mar si Kris A. sa pagsagot sa mga issue sa Hacienda Luisita para at complete na ang cast sa indie film na “Kami-Kami – Tayo-Tayo”.
 
2. Mar Roxas/Loren – Kahit na kayo ay halos laman ng mga pahayagan lalo na pag meron big case sa Senada, wag na wag kayong makakasiguro na mis match si Edu Manzano sa inyo. Tulad ng laban ni Pacman kay Cotto, nagkatotoo ang kasabihan “maliit man ang kalaban,nakakapuwing din”.
 
3. Ralph – Dahil sa pagiging segurista mo na dahil nasa top lagi si NoyNoy sa survey, sasabihin ko na agad ito sa iyo. Lalasap ka ng pangalawa mong pagkatalo.
 
4. Vilma – Isa kang balimbing at dahil sa ginawa mo, kung dati rati ikaw ay inilagay namin sa mataas na pedestal, hindi na ngayon. Sa hindi mo pagtanaw ng utang na loob sa partido na pinangalingan mo, wag kang umasa na muli kang mahahalal sa pagka Governor ng Batangas. Ngayon palang magisip ka na kung anong pelikula ang gusto mong gawin. Nang dahil sa pagiging segurista ng asawang mo si Ralph, sya nag humatak sa iyo paibaba. Hindi mo binigyan halaga ang lahat ng mga blessings na ibinigay sa iyo ng sambayanan Pilipino. Wa epek na sa amin ang mga drama mo. Tama si Gibo hindi inspiration ang sandata para makatulong ang mamayan sa bayan Pilpinas. Dapat matutunan muna nila ang dapat matutunan. Inspiration akma ito sa mga artista na tulad mo at hindi inspiration si NoyNoy.
 
Filomeno Ritual
fritual[at]stc.com.sa

Bookmark and Share

Links