RE: Is the position of Vice President important?
Posted at 11/18/2009 6:49 PM | Updated as of 11/18/2009 6:49 PM
Marami sa atin ay parang di masyado binibigyang pansin ang pagboto sa ating pngalawang pangulo... Kung meron man, kadalasan ay ito'y hindi kasing importante ng ating pagpili sa ating magiging Presidente. Ngunit ito ay aking napagtanto na ang pagpili ng bise presidente ay lubhang dapat natin bigyan ng pansin... Balikan natin ang mga nakaraan...
Si Erap ay natanggal sa pwesto dahil sa Edsa 2.. Ayon sa batas, ang pangalawang pangulo ang dapat na pumalit sa pwesto, at ito ay si Gloria Arroyo. Ano ngayon ang nangyari sa bansa?
Ngayon pagkatapos uli ng election nung 2004, nagkaroon ng maliwanag na dayaan at nanatili ang kapangyarihan sa isang gahaman na si Ate Glo... Ang kanyang bise na si Noli de Castro ay nananatiling tahimik at walang paninindigan sa mga issue na ibinabato sa kanyang pangulo.. Pano ngayon kung napatalsik si Gloria at siya nag kapalit?
Ito siguro marahil ang pangamba ng karamihan na ituloy ang pagpapatalsik kay Gloria... Wala tayong magandang dahilan at tiwala sa magiging kapalit... Baka ito lang ay magiging extension ng kapangyarihan o proteksyon ni Gloria...
Sa mga dahilan na ito, ako'y nakapag isip na dapat pala natin piliin ang tamang bise presidente dahil kung anuman ang mangyari sa presidente, siya ang papalit....
Ang tamang bise ay yung dapat magbantay o di kaya tumatapik sa panguluhang kung ito ba ay nagmamalabis na o ito ay nakakalimut sa mga pangako sa bayan... Dapat siya ang taga masid sa panguluhan... Hindi yung kayang patahimikin na lamang... May paninindigan at prensipyo.. yung di kayang bulagin ng kapangyarihan at kayamanan, yung hindi kayang suhulan....
Kaya kapwa ko Boto Patrolers... suriin mabuti ang inyong mga napupusuang kandidato.. hindi lamang ang inyong pangulo lalo na ng inyong pangalawang pangulo...
Multiply user Pat Demaclid
Boto Mo, iPatrol Mo Multiply site