RE: Vatican sanction
Posted at 11/20/2009 5:11 PM | Updated as of 11/20/2009 5:12 PM
Sana nagkamali ako ng intindi sa deklarasyon ni Archbishop Arguelles. Dapat magtanong kayo sa CBCP kung tama ba itong sinasabi niya na aprobado man o hindi ng Vatican ang milagro sa Lipa ay walang mali kung naniniwala ng milagro ang isang tao! Kasi sa pagkaka-alam ko, dapat manggagaling sa Vatican ano dapat nating paniwalaan at kung ang pinaniwalaan natin ay talagang totoong galing ng Dios o hindi.
Dapat itanong nyo din sa CBCP kung meron ba talagang kapangyarihan si Arch. Arguelles na ipawalang bisa ang deklarasyon ng Lipa Commission na ginawa noong 1950 kung kailan musmos pa siya, at ang pag-lift niya ng ban ng debosyon sa Birhen ng Lipa, na napatunayang hindi totoong aparisyon o milagro ayon sa ginawang imbestigasyon.
Armando Adlawan
jurisdicere96[at]yahoo.com