RE: Congress Assures Clean Election
Posted at 11/24/2009 4:00 PM | Updated as of 11/24/2009 4:00 PM
Ang Congreso ay nagpasa ng batas na magsisigurado sa malinis na halalan sa 2010... Ito daw ay maglilinis ng mga dayaan at pananakot sa botante sa darating na election... Sa klase ng election natin, sa aking maalala, ni hindi tayo nagkaruon ng eleksyong walang mga reklamo at malinaw na malinis.
Siguro nga kailangan nating pagtibayin ang batas na magsisigurado sa isang malinis at mapayapang eleksyon..
But on the other hand, ang taning: Sino ba ang nanadadaya, nanakot, namimili ng boto, pumapatay, nang-aagaw ng balota tuwing eleksyon? Di ba sila din? mga politiko? Ngayon, sila din ang gagawa ng batas para masugpo ito? Talaga lang ha? Bongga!
Nakakatawa man isipin, ito ang realidad ng ating klase ng gobyerno... Yung mga gumagawa ng batas, ay sila din kadalasan ang unang lumalabag dito! Onli in the Pinas!
Multiply user Pat Demaclid
Boto Mo, iPatrol Mo Multiply site
http://botomoipatrolmo.multiply.com