Feedback: State of emergency useless

Posted at 11/25/2009 8:01 PM | Updated as of 11/25/2009 8:01 PM
What? State of emergency? Paano yung mga namatay na ? Mabubuhay ba sila sa state of emergency ??
 
Actually, it is POLITICS and not the present gov't who make this monsters!
 
Ano bang meron sa Maguindanao specifically Sharif Aguak? Damo, konting mais.
ah of course yung napakagandang mansion ni Ampatuan at ang Kapitolyo na walang
tao? kambing at kalabaw meron!
 
Kasi everytime na dumadaan ako on my way to Cotabato ang nakikita ko sa Kapitolyo eh kambing at kalabaw, umaakyat sa malamansyong Kapitolyo ! Sa harap at sorroundings, gula-gulanit nga mga bahay !
 
Now bakit ang dami-daming pera ni Ampatuan - one thing for sure, dahil sa ELEKSYON!
 
Saan ka ba nakakita sa buong mundo na ZERO ang oposisyon ! Sa Maguindanao lang!
 
Kung ang General Santos ay kilala sa buong mundo dahil kay Pacquiao, gano’n din ang Maguindanao dahil kay Ampatuan. Ngayon gumawaga na naman sila ng isang munisipyp sa Maguindanao, para mag-mayor ang anak ni Ampatuan! 
 
Saan kumukuha ang gobyerno ng Pilipinas para pangsuhol sa mga Ampatuan, eh di ba sa tax, saan galling ang tax , eh di kay Juan delaCruz. Ang mga empleyado na kakarampot ang sweldo eh kinakaltasan ng tax para kay Ampatuan ! Manood ka ng sine, kumain ka ng Jolibee, hanggang magpalibing ka, eh may tax para sa mga katulad ni Ampatuan.
 
These Ampatuans are even bringing their arrogance even to Davao City! May sariling police mobile car na may na palaging nakabuntot kahit saan magpunta sa Davao aside sa mga body guards.
 
No wonder yung mga kapitabahay sa subdivision, humahanap ng ibang malilipatan kasi okupado ni Ampatuan halos isang buong kalye ng subdivision, not to mention the display of firearms. Mga abusado talaga, pag nag-park halos kanila na lahat, pag nagpatakbo ng sasakyan kesehoda ka diyan!
 
Marami akong alam na mga Muslim na mayayaman na lumilipat sa Davao kasi safe ang
Davao but they're not abusive. Hindi tulad ni Ampatuan! marami na ang mga properties si Ampatuan sa Davao. Ang tinatarget siguro ng halimaw eh ang Davao para mas malaking pera pagka eleksyon.
 
Pag pinabayaan ni Mayor Duterte o nga mga taga Davao na mag stay si Ampatuan sa Davao walang pagsalang maghahari-harian yan sa Davao.
 
Bakit hindi na lang kaya sila magkasya sa Cotabato City? Sabagay, hindi na sila magkasya doon, kaya kahit sila nagpapatayan. In Cotabato City, never mess with any one of them if you want to live for another day! Try it if you want to prove it!
Kahit wala ka pang kang kasalanan. Look at what had happened with DOTC-TELOF
director! Dedo, kasi ayaw nila na hindi sila ang umupo sa silya !
 
Kaya ngayon tinatarget ni Ampatuan ang Davao, using his ill-gotten, full of blood money!
 
Tinatawagan ko ang mga patriots ng Davao, oust ampatuan by all means before its too late! Halos lahat ng taga Davao- alam na kung gaano kaabusado ang Ampatuan na ito na matapang lang dahil sa kanyang private army pero DUWAG naman talaga pag siya lang!
 
Mga taga-Davao, be watchful before this Beast (Ampatuan) will gain ground in Davao City.
 
Concerned citizen 
Email withheld 

Bookmark and Share

Links