Gising Bayan ko!
Posted at 12/17/2008 5:39 PM | Updated as of 12/17/2008 5:40 PM
Gising Bayan ko!
Hi. I’m a US citizen here in long beach, ca. Kamusta po sa lahat ng TV viewers! I’m just living a simple life here abroad. I’m on worker's compensation right now because, I hurt myself at work. Very hard working po ang ginagawa ko dito para lang mabuhay at may pangtustos sa aking pangangailangan at sa aking pamilya. Lubos akong nagpapasalamat sa Diyos!
I’m writing this email to all and its up to them whether they like it or not but I’m only telling the truth as my opinion, suggestion and concern being a fellow Filipino (who lived there in the Philippines before for a long time) to help our own country resolve our problems financially most of all...hoping for the people's kind understanding and respect that this will give them great ideas and hope for a better living as an individual and to our country's development too!
Heto po ang aking payo sa lahat ng tao at sa ating pamahalaan:
1) Sa mga taong naghihirap nating mga kababayan, huwag na po tayong magpumilit manganak ng marami kung hindi natin matutustusan ang lahat ng pangangailangan ng inyong magiging anak. Isipin na lang po natin ito sa tamang panahon bagkus ay magsumikap sa pagtatrabaho at mag-ipon.
Balang araw ay gaganda rin ang ating buhay. Huwag padalos-dalos sa mga desisyon sa pagkakaroon ng isang pamilya. Maraming paraan ang daan sa kaunlaran at matupad ang ating mga pangarap. Marami na ang na-mamatay ng mga bata sa mundo dahil na rin sa ating maling desisyon sa pagpaplano ng pamilya at ito ang nagiging sanhi ng malnutrisyon, pagkamatay ng maagang edad ng mga bata walang perang pangpagamot kung minsan at mga batang lansangan sa kalye na pilit nagtatrabaho para mag-aral at may makain lang.
Kaawa-awa po sila! Mag-family planning po tayo mga kababayan.
2) Sikapin po nating mag-aral at huwag itong pabayaan. ito ay para din sa ating ikabubuti lalot doon sa mga batang halos ginagawa ang lahat para lang makatapos. Balang araw ay makikita rin natin ang ating pinaghirapan sa takdang panahon.
Marami sa mga magulang natin ang naghihirap sa pagtatrabaho para lang sa kanilang mga anak na buhayin sila at igapang sa kahirapan. Kayong mga bata, parang awa na ninyo sa inyong mga magulang at sa inyong mga sarili na pagbutihin ninyo hanggat sa abot ng inyong makakaya ang inyong pag-aaral...
3) Nasa Diyos ang awa at nasa tao ang gawa. iwasan na po natin ang umasa sa ibang tao, sa pamahalaan at sa mga papremyo sa TV. Tayo ang gumagawa minsan ng ating ikahihirap sa ating buhay. tama na ang "magningas kugon o bahala na bukas"! kung walang kikilos, wala rin tayong kakanin sa araw-araw.
Tayo'y magdasal at manampalataya sa Poong Maykapal at tayo'y Kanyang tutulungan kung taos sa ating mga puso ang pagmamahal, mapagkumbaba, matulungin sa kapwa at higit sa lahat ay may pag-ibig sa Kanya! huwag ng gumastos pa nitong kapaskuhan kundi ninyo kaya bagkus ay ipunin na lang ang inyong pera dahil kayo ang mawawalan sa bandang huli. silang mayayaman dito sa mundo ang dapat lang na magbigay ng mga regalo sa kanyang mahal sa buhay at sa kanyang kapwa lalot sa mga kapos palad.
Hindi po ba tama?
Mag-isip tayo ng tama, huwag magwaldas ng pera kung kinakailangan lamang. hindi natin kailangan ang xmas tree o lights kung ito naman ang magiging sanhi ng sunog sa ating bahay kagaya ng ibang biktima. lalaki pa ang gastos at bayad sa kuryente. huwag ng mangutang para lang may ibigay na regalo. hindi ito ang ibig sabihin ng pasko at ito ay ang pasasalamat sa Amang Banal na nasa itaas ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak na si Kristo! hindi materyal na bagay ang gusto Niyang mangyari kundi'y alamin natin ang kahalagahan Niya sa ating buhay dito sa daigdig at sumunod sa Kanyang mga utos...
4) Sa mga taong mayayaman na ating kababayan, malaki ang respeto ko sa inyong lahat na sa inyong pagsusumikap ay natamo ang magandang katayuan sa buhay bagkus ay sana marunong din po tayong tumulong sa mga taong naghihirap hindi lang isang taon kapag Pasko.
Ibahagi po natin ang ating makakaya at ang swerteng ating nakamit sa buhay sa mga nangangailangan ng tulong at magpasalamat sa Diyos.
5) Sa ating pamahalaan, gawin na po ninyo ang lahat ng paraan upang umunlad ang ating bayan at tama na ang korapsyon, kayabangan, pagiging mataas ang ulo at kapabayaan sa mga pangangailang ng mga pilipino nating kababayan.
Iwasan na lang po ninyo ang magbigay ng pangako sa bayan bagkus ay gawin na lamang! huwag ng gumastos pa ng marami sa walang katuturan na bagay kung ito'y hindi rin makakatulong.
Tigilan na lang ang pagdedecorate ng mga Christmas decors sa kung saan-saan. Bakit hindi na lang ang lahat ng mayors ng isang siyudad ay bigyan ng pera ang mga mahihirap kesa sa paggastos ng mga palamuti sa daan? Hindi ito makakain ng tao! Bakit hindi gawin ninyong useful ang inyong mga bulsa at pag-iisip sa para sa bayan dahil maraming tao ang walang tirahan, trabaho at nagugutom sa lansangan?
Tigilan na ninyo ang pasosyal-sosyal at walang maidudulot ito sa ating pamahalaan kundi'y, kahihiyan! ayusin na lang po ninyo ang dapat asikasuhin sa ating bansa...itoy paunlarin!
I hope and pray that everyone of us will learn and think about what is really good in this life. be patient, strive hard and be happy all the times as we all know God is always there for us to answer our prayers...have a healthy and blessed day to all!
Maraming salamat po!
Marivelle Darlucio