Flunking MCC corruption test imperils $700-M for RP's poor
I read this article this morning but finding hard time to post a reaction kasi sa dami ng tambak ng trabaho ko buong maghapon, pero eto pa rin ang aking reaction, nakita ko sa pinaka ibaba ng article eto ""This is not for the government or anyone else. Our people, especially the poor, need this," he stressed.
"That is Mr. Gaa pledging to the government to fight corruption para makuha ng Pilipinas ang $700 million na aid (meaning pautang sa bansa natin). The Philippines now is being monitored closely. Paano kaya tayo papasa? Katumbas na naman ba nito ay kaguluhan pag na expose ang mga government officials, businessmen, politician businessmen and corrupt LGU's sa Luzon, Visayas and Mindanao?
I'm just hoping na bago palabasin ang mga pangalan ng mga corrupt kahit sino pa sila on media and on print e hindi na bunga ng mga haka haka gaya ng dating nababalita hanggang napapagpyiestahan na lang at wala namang na co-convict sa huli or kung gaya man ng nangyari kay Erap e gumawa pa ng malawakang pag aalsa bago mapatanggal ang convict, media exposure is overwhelming.
Sana thorough investigation at matindi ang ebidensya para walang tanggi. Sana gawin ang paglilitis ng mabilis at direcho na agad sa kulungan ang mga nagkasala para hindi maging hadlang sa progress ng ating bansa alam mo naman ang ilan sa ating mga kababayan e humihinto ang mundo dahil sobrang chismoso at chismosa kaya lahat bumabagal na pag me mga kaguluhan sa paligid.
Tutal kung sila ay napatunayang corrupt e they have the right to remain silent if proven guilty or if not yet proven guilty e they have to bring their lawyer and still remain silent o di ba? Low key dapat ang media exposure at wag bibigyan ng opportunity sa microphone ng mga reporter ang accused, dapat court agad, para tapos na agad ang kaso.
Ewan ko lang kung ang immunity ng isang nakapwesto sa gobyerno e sapat ng dahilan para hindi sya makasuhan? We are always eyeing on the president, how about the oppositions members? By the way I'm pro-progress and a fighter against poverty.
Anna Marie Andal
Ajman, U.A.E
anna[at]becon.ae