Hunger in RP hits new record-high
Eto na nga ang nagiging resulta ng pagkagutom ng ating less fortunate fellowmen, CORRUPTION. Citizens are being victimized dahil sa iilang magnanakaw na opisyales ng gobyerno, sana mawalan na kayo ng dangal.
As I opened TFC this morning I tuned immediately to ANC and found out na "live" na iniimbestigahan ng blue ribbon committee sina Llarena, Aytona and one of the suppliers of this fertilizer scam. I thought I saw a replay of Erap's impeachment case, hahaha kasi there was a question raised by Enrile regarding sa pagdadala ng cash payment dun sa supplier, kung nasa kahon, bayong or package nakalagay. Most of us in the house don't know the real story and I hope the case will be finished as soon as possible para maka move on sa ibang corruption cases, umagang umaga e kumulo lahat ng dugo namin sa bahay dahil sa hirap na dinadanas ng mga magsasaka at ng kani-kanilang pamilya at nasasakupan tapos patong patong na corruption na naman ang dahilan? E paano pa ang sinusulong na CARP at future projects sa Pinas, will they have the same fate? Over and over again?
Hindi na naming nagawang tapusin ang panonood dahil kailangan pa naming pumasok sa kanya kanya naming trabaho pero sa aming nasaksihan na naman its really disturbing for all of us. Kailangan talagang paigtingin ang anti-corruption campaign ng gobyerno at ng mapangalanan at maparusahan ang mga involved at ma-blacklisted nang patuluyan ang mga government officials na nakaka access or gumagawa ng sariling access nila sa pondo ng ibat ibang projects ng gobyerno. Marami ng nagiging lapses ang mga officials na nagrerelease ng pondo at sad to say paulit ulit na lang na nangyayari over the years, it so happen na sobrang matatalino ang mga taong ito pagdating sa kalokohan at di natatakot gumawa ng corruption at the expense of Philippines progress and people. Walang kinikilalang batas ang mga ganitong mga tao so dapat hindi rin sila lubayan ng full force of the law sa pagbibigay sa kanila ng maximum penalty as consequence to their action.
I'm really wondering now if revising economic provisions of the law will really be the answer and will finally counter graft and corruption in the Philippines. From now on im considering these changes and challenges to be done and I am willing to grab the opportunity for the sake of my people.
I'm hopeful it will work, It must work because no one is above the law.
Anna Marie Andal
Ajman, U.A.E
anna[at]becon.ae