|
(Mula
sa salaysay ni Correspondent Jim Libiran na namalagi sa Iraq mula
Marso 13-20, 2003 bilang bahagi ng Asian Peace Mission.)
BAGHDAD
- Kasama ang The CORRESPONDENTS sa Asian Peace Mission na dumating
sa lugar na ito noong Marso 14 ng gabi.
Pagdating
ng grupo, mainit na ang ugong ng digmaan pero higit na mainit ang
pagkikina namin nina Correspondent Ed Lingao at Val Cuenca, cameraman
ng ABS-CBN, sa Baghdad International Airport.
Noong
magkita kami, 17 araw na silang nasa Iraq at hirap nang mag-cover
dahil sa higpit ng gobyerno ni Saddam. Higit pang pinahirap ang
kanilang sitwasyon ng pangamba na anumang oras ay sumiklab ang giyera.
Bukod
dito, iniinda rin ng mga mamamahayag na nakaistasyon sa lungsod
ang pagod, hirap at kawalang-katiyakan ng sitwasyon.
Habang
kami na bagong dating ay nagsisiyasat pa lang ng mga kalagayan,
sina Ed at Val ay marami nang kwento at karanasan.
Kahit
pagod at puyat, inimbita nila kami sa maliit na kwartong kanilang
inuupahan sa Al-Manzour Hotel upang makipagkwentuhan.
Sa
haba ng itinagal nina Ed at Val sa Baghdad, may mga araw na nabuburyong
na sila at kailangang aliwin ang mga sarili.
Nariyan
naman ang mga kakaibang pagkain ng Iraq pero siyempre, palaging
naroon ang pangamba na anumang oras ay maaaring pumutok ang digmaan.
Ipinakita
ng dalawa sa amin ang mga flak jacket at helmet na dala nila mula
Pilipinas. Si Ed, mayroon pang dalang mascot na agimat daw niya
sa mga Iraqi.
Kasiraang
maituturing
Marami ang nag-akalang nasisiraan na kami ng bait. Narito ang isang
grupo ng mga Pilipinong kongresista, aktibista at mamamahayag ang
pupunta sa Iraq sa gitna ng umiinit na sitwasyon at banta ng giyera.
Sa
Baghdad, makakasama namin ang isang kongresistang Pakistani at isa
pang lider-manggagawa mula Indonesia.
Ito
ang Asian Peace Mission na nagtungo sa Iraq hindi upang maging panangga
ni Saddam kundi para malaman ang katotohanan sa tunay na kalagayan
ng mamamayang Iraqi.
Nakaamba
na ang giyera sa Iraq nang dumating kami dito. Pero panatag at kalmado
pa rin ang Baghdad na dinatnan namin.
Para
sa isang bansa na nakatakdang paulanan ng mga bomba, nakagugulat
na palangiti at palabati angmga tao dito.
Pero
kung tutuusin, nakakatakot ang sitwasyong kakaharapin ng mga Iraqi.
Isang
grupo ng mga experto ang nagsabi noong Enero na sakaling matuloy
ang giyera, pinakamatinding tatamaan nito ang 12 milyong kabataang
Iraqi.
Sa
bilang na ito, 6 milyon ang "acutely malnourished" at
malamang na makaranas ng higit na matinding gutom, sakit o tiyak
na kamatayang dulot sa kanila ng giyera.
Ang
nakaimbak na pagkain ng Iraq ay para sa isang buwan lang.
Kapag
gumuho ang gobyerno, tiyak na magkukulang ang pagkain, lulubha ang
problema sa malnutrisyon, titindi ang taggutom at madaragdagan ang
maysakit.
Bagama't
si Saddam ang puntirya ng U.S., higit 16 milyong sibilyan ang makakaranas
ng matinding paghihirap.
Sa
lenggwahe ng militar, sila ang mga "collateral damage."
Matapos
ang giyera
Matapos ang giyera sa Iraq noong 1991, naging triple ang kaso ng
mga nagkasakit ng leukemia sa buong Iraq. Karamihan sa mga dinapuan
ng sakit ay mga bata.
Sa
Al-Manzour Children's Hospital, tatlong palapag nito ay nakalaan
sa mga bata na mayroong leukemia. Karamihan sa kanila ay naghihintay
ng mga gamot na hindi naman darating.
Bunga
ng economic sanction ng United Nations, karamihan sa mga pagkain,
gamot at kagamitang pang-ospital ay mabagal ang pasok o tuluyang
ipinagbabawal ng U.S.
Nangangamba
ang mga Amerikano na maaaring gamitin ni Saddam ang gamot sa paggawa
ng armas-kemikal.
Sa
halos 12 taon na parusa ng U.N., walang bombo cruise missile na
bumagsak sa Iraq. Pero marami ang namatay. Karamihan sa kanila ay
unti-unting nalalagutan ng hininga sa mga sakit na maaari namang
malunasan.
Nilibot namin ang palengke ng Baghdad at nakitng normal ang pamumuhay
ng mga Iraqi. Hindi sila nag-iimbak ng pagkain sa takot na datnan
ng giyera. Gayundin, wala kang takot na makikita sa kanilang mga
mukha.
Ang
sarap sanang maging turista sa matandang kabihasnan ng Baghdad.
Ngunit hindi ito ang panahon upang mamasyal.
Mayroong
digmaang nakaamba at kahit sa hotel namin, naghahanda na ang lahat
para sa pagbagsak ng bomba.
Elegante
ang siyudad ng Baghdad masdan mo man ito sa gabi o araw.
Laman
ito ng mga aklat-kasaysayan at pampanitikan at kuna ng sibilisasyon.
Napakarami
nang mandirigma ang sumalakay at sumira sa magagandang lugar dito
tulad ng Mesopotamia, Babylon, Nineveh at Kerabala.
Pero
ngayon, isa itong sibilisasyong antigo na inuumangan ng iba't ibang
uri ng armas.
Dinalaw
namin ang gusali ng Parliament at nakapanayam ang Speaker of the
House.
Ani
Dr. Sadoon Hammadi, handa na silang humarap sa giyera.
Noong
Marso 17, ang araw na itinakda ng embahada ng U.S. sa lahat ng mga
banyaga sa Baghdad. Anang mga Amerikano, dapat nang lumikas ang
mga dayuhan.
Sinabihan
na rin kami ng embahada ng Pilipinas, pati na ang mga residenteng
Pilipino, na hindi nila masasagot ang kaligtasan namin.
Kaya
kahit hindi pa tapos ang misyon namin, kinailangan na naming umalis.
Kapayapaan
ang misyon namin sa Baghdad pero kinailangan naming lumisan dahil
sa madilim na ulap na dulot ng nakaambang giyera.
|