|
Silang
mga 'dayo' sa Maynila
"Dayo"
Itinanghal
ng The CORRESPONDENTS, Mayo 1, 2006
Bernadette
Sembrano
Sabi
ng tanyag na manunulat na si Nick Joaquin sa kanyang librong "Manila,
My Manila" -- ang Maynila daw ay isa nang Visayan City.
Pagkatapos
kasi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, marami sa mga imprastraktura
sa mga probinsya ang nasira at ang Maynila ang nakitaan ng
mga Bisaya ng oportunidad.
Itoy
nagpapatuloy hanggang sa ngayon.
Ilan
sa mga "dayo" ng kasalukuyang panahon ang naninirahan
ngayon sa daungan ng Maynila.
*
* *
Walang
tigil ang dating ng container vans. Ito ang karaniwang matatagpuan
sa pier.
Kargamento
mula sa ibat ibang lugar ang kadalasang laman nito.
Kasabay
na dumadaong ng container vans na ito ay mga tao na mula sa ibat
ibang probinsya sa Pilipinas.
Kung
tawagin sila ay mg dayo sa Maynila. Pero mabuti pa raw ang laman
ng container vans dahil mayroon silang patutunguhan, di tulad
daw nilang mga dayo, di alam kung saan at ano ang kanilang
kahihinatnan.
Subalit
hindi daw nagkakalayo ang kanilang tadhana, kapwa pier ang balik
nila. Ang containers sa oras na mawalan na ng laman ibinabalik sila
dito, samantalang silang mga dayo na nagbabakasakali, sa oras na
walang matirhan ang mga container vans na ito ang nagsisilbi nilang
tahanan.
*
* *
Mula
matanggal sa trabaho, humina na. Hindi na rin naming kayang umupa
naku may nakatira pa nga dito e. nung umalis siya nakiusap kami
na kami na ang titira dito, ani Teresita Padua.
Dito
sa Pier 16 matatagpuan ang isang komunidad ng mga tao na nakatira
sa container vans.
Sa
isang container naroroon ang tirahan ng pamilya ni Teresita, tubong-Cebu.
Sa pag-aakalang maganda ang buhay sa Maynila, sumugal silang mag-asawa.
Hindi nila inaasahan na ganito pala kahirap ang buhay dito.
Mahirap,
katulad kapag wala kang pera, wala kang mautangan dito dahil lahat
mahirap, ani Teresita.
Dati
silang nagnupahan sa Bulacan noong pahinante pa ang kanyang asawa,
pero nang mawalan ng trabahao ang lalaki, kundi pa raw sa container
na ito wala daw silang ibang mapupuntahan.
Naku
ang init kaya pag ganitong hindi umuulan. Para kaming nililitson,
ngayong tnaghali hindi kami makatulog sahil sa sobrang init. Pag
umuulan, basa ka rin dito, kelangan doble ang plastic mo,
sabi ni Teresita.
Wala
silang sariling banyo at kanya-kanyang diskarte daw kung saan at
paano maliligo at dudumi.
Paano
po dito walang banyo? tanong ng The CORRESPONDENTS.
Sagot
ni Teresita: Wala.
Tanong
muli ng The CORRESPONDENTS: Saan kayo dumudumi?
Sagot
muli ni Teresita: Sa papel tapos ihahagis sa basurahan sa
may itaas dyan.
Hinggil
sa paliligo, sinabi ni Teresita na mayroong lugar sa labas ng container
van na pinagpapaliguan nila.
Labindalawa
silang nakatira sa container van. Mayroon din siyang mga anak na
nakikitira rito.
Masikip,
pero dahil sa butas-butas na ito nagagawa nilang magkasya.
Nagkakabit
kami ng duyan para makahiga ang mga barako. Isusuot sa mga butas
ang mga tali. Yung mga bata nagsisiksikan para magkasya,
aniya.
Kaya
daw tiisin ni Teresita ang hirap ng buhay sa container van pero
ang hindi niya makayanan ay sa tuwing naaapektuhan ang kanyang mga
anak.
Lahat
ng bata dito nagtatae, nagsusuka, buti nga naagapan itong babae
ko. Marami rin sigurong umuubo dito kasi sobrang init ba, yung
tae nila parang sipon. Hawa-hawa. Kung gumaling ang isa sunod naman
ang isa, kwento niya.
Walang
kasiguraduhan kung hanggang kailang pwedng tumira ang mga squatters
sa container van. Anumang oras maari silang idemolish.
Ayon
kay Eudie Rosal, bisor ng Pier 16, kawanggawa na lang daw kung bakit
hindi sila pinaaalis.
Pero
wala rin sa kanyang mga kamay ang desisyon kung hanggang kailan
sila maaring mananatili.
Aniya,
"Pero yung sabi nung may-ari yung taga-Negros pansamantala
lang ito. Inumpisahan na ngang ide-demolish. Sinimulan na nga i-demolish.
***
Sa
kaso ng pamilya Rosel, dinudungaw na lang nila ngayon ang dati nilang
tirahan.
Noong
nakaraang linggo lang ay giniba ng fork lift ang container van na
kanilang tinirhan.
Walang
magawa ang mag-asawang Nene at Ronnie kundi ihanap ng masisilungan
ang kanilang limang mga anak. Habang walang nakikitang bakanteng
container van, sa ilalim ng chassis ng trak ang nakita nilang pansamantalang
tinirahan.
Nahihirapan
kami kasi dahil hindi kami makakilos ng maganda. Napakahirap. Nung
nandun kami sa container van, maganda-ganda ang ano naming dahil
nakakakilos kami ng maluwag, ani Ronnie.
Kapwa
taga-Leyte ang mag-asawang Rosel. Pahinante rin noon si Ronnie.
Bunga
ng madalas na pagbagyo sa kanilang probinsya, naisipang iluwas ng
Maynila ni Ronnie ang noon ay maliit pa niyang pamilya.
Maganda
pa ang kanyang trabaho noon pero naranasan din nilang mangupahan.
Subalit sa paglipas ng panahon, mas masahol pa daw sa bagyo ang
dinanas nila sa Maynila.
Malaking
pagsisisi ngayong nandito kami. Ngayon lang naman naranasan ang
ganito kahirap na wala kaming matirhan, ani Ronnie.
Dagdag
pa niya: Ang akala namin magaan, nakaluwang na kami pagdating
dito sa Maynila. Parang pakiramdam ko mas giginhawa. Mas masahol
pa pala sa pinanggalingan namin.
Halos
dalawang talampakan lang ang taas ng espasyo sa ilalim ng trak pero
nagagawa pa ng mag bata ang maglaro at linisin ang kanilang sahig
na yari sa linoleum at plywood na pinatong sa kalsada.
Ba't
punggok? Winawalis na ang ilalim ng trak! ang sabi ng mga
bata.
Sanay
na ngang lumusot-lusot sa ilalim ng trak ang pamilya, pero sumasabit
pa rin.
Ito
ngang akin. May bukol nga. Sumabit sa bakal, ayon sa isang
bata.
Sa
ilalim ng chassis, naroon at nakaayos ang ilang laruan ng mga bata
na parang nakahilera sa cabinet. May radyo rin kahit na walang kuryente.
Samantala,
extension naman ng kanilang bahay ang kusina.
Ito
po ang nakakatakot dito. Pwedeng yung mga bata natutulog o
kaya naglalaro, baka biglang bumagsak ang chassis sa kanila kasi
walang gulong. Sumusuporta lang kahoy at hollow blocks, ani
Ronnie.
Hindi
daw alam ng magulang nila ang naging kapalaran nila dito sa Maynila.
Nahihiya daw sila na malaman ng mga ito ang dinaranas nila ngayon.
Nahihiya
ako sa mga magulang ko, kamag-anak ko. Kasi nga naman nagpunta kami
dito ika nga giginhawa ang buhay. Pagdating dito mas masahol pa,
ang sabi ni Ronnie.
Pag-iigib
ng tubig ang tanging pinagkakakitaan ngayon ni Ronnie. Pinakamalaki
na ang kumita ng P300 kada isang araw.
Pero
kulang na kulang pa rin daw ito para sa kanilang pagkain.
Kaya
naman kung minsan tubig na may asukal na lang ang pinadede nila
sa bunsong anak.
Kung
tutuusin, hirap na hirap na ako pero minsan tumatawa. Pero umiiral
sa akin yung iniisip ko ang kinabukasan ng anak ko kung paano
ko sila paaaralin dahil ang pera namin hanggang pagkain lang talaga,
ani Ronnie.
Walang
mga birth certificate ang kanilang mga anak, isa rin daw ito sa
mga dahilan kung bakit hindi makapag-aral ang mga bata.
Sa
mga anak nina Nene at Ronnie, iisa lang ang nakapasok sa eskwelahan.
Pinaaaral
lang siya ng teacher niya, dapat pag-Grade 2
inaano pa rin
dahil walang tatak, ang sabi ni Ronnie.
Pero
higit sa ano pa man, ang mas iniisip ngayon ng mag-asawa ay ang
magiging kalagayan nila sa pagdating ng tag-ulan.
Walang
problema pag-mainit, yung ulan. Yun lang pong ulan ang
problema, pero wala kaming magagawa eh. Mula nga nung dito kami
natutulog nagkaroon na ng ubo at sipon dahil nalalamigan,
ani Ronnie.
May
dahilan para mangamba sina Nene at Ronnie. Ilang araw pa lang ang
nakalilipas nang mamatay ang isa sa kanilang mga anak dahil sa dengue.
Dengue
ang kanyang sakit. Sa lamok po yun. Yun nga ang ikinakatakot
namin dito dahil dati, walang masyadong makapasok na lamok. Langaw,
gamit namin puro alikabok. Walang gaanong nakaharang, ani
Ronnie.
Sa
hirap daw na dinaranas nila ngayon, may mga pagkakataon na daw na
minsan gusto na nilang sumuko.
Hindi
ko alam kung paano kami makaka-alis ito. Wala kasi kaming kamag-anak
na pwedeng lapitan. Magtitiis muna hanggang kailan kami makahanap
ng trabahong maganda, ani Ronnie.
Ayon
naman kay Nene, Ang nagpapalakas sa akin mga anak ko lang
talaga. Dahil kung ako walang anak, hindi siguro malakas ang loob
ko.
|