|
Noon
at ngayon sa Leyte
"Southern Leyte landslide"
Itinanghal ng The CORRESPONDENTS, Lunes, Pebrero 20, 2006
Ulat
ni Rose Eclarinal
Walang
sinuman ang makalilimot sa eksena ng trahedya ng pagbaha sa Ormoc
City sa Leyte noong Nobyembre 5, 1991.
Sa
dami ng namatay, dinadampot na lang ng mga "payloader"
ang mga bangkay para ilibing sa mga hukay.
Walang
pinaligtas ang kalikasan.
Umaga
noon nang gulantangin ng rumaragasang tubig at putik anbg mga taga-Ormoc.
Kasagsagan noon ng pananalasa ng bagyong Thelma at magdamag nang
inuulan ang lalawigan.
Umabot
ng hanggang 30 talampakan nag baha. Kasunod nito, naging mabilis
ang mga pangyayari at maraming tao ang hindi nakaligtas.
Natapos
ang delubyo at tumambad sa kalsada ang nagkalat na mga bangkay.
Sa
dami ng mga nasawi, nagmistulang "ghost town" ang Ormoc.
Ayon
sa mga awtoridad, nasa pagitan ng 3,000 at 5,000 katao ang nasawi.
Ang ibang nasawi, hindi na nakita dahil nalibing sila nang buhay
sa putik.
Napinsala
rin ng baha ang 50,000 bahay sa Ormoc at milyon-milyong pisong halaga
ng mga pananim at iba pang kabuhayan ang nasira.
Matapos
iutos ng gobyerno ang malawakang imbestigasyon sa trahedya, isinisi
ang pagbaha sa kalbong kabundukan dulot ng malawakang ilegal na
pagtotroso.
Kasunod
ng trahedya sa Ormoc, noong Disyembre 19, 2003, ang mga bayan ng
San Francisco, San Ricardo at Liloan sa Southern Leyte ay nakaranas
din ng pagguho ng lupa mula sa bundok. Marami sa mga residente ng
mga bayan na ito ang nabaon nang buhay sa putik.
Malungkot
ang naging Pasko ng mga residente dahil mahigit 200 sa kanilang
mga kababayan ang namatay.
Balik-tanaw
Nitong Pebrero 17, 2006, ang mga trahedya sa Ormoc, San Francisco,
San Ricardo at Liloan ay naulit muli sa bayan ng Saint Bernard sa
Southern Leyte.
Malapit
lang ang Liloan sa St. Bernard.
Bunga
nito, maraming tao ang naalarma kung bakit ganoon na lang ang pagkilos
ng lupa sa kabundukan ng lalawigang ito.
Ayon
kay Sandra Catane ng National Institute of Geological Sciences (NIGS)
ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, peligroso ang bahaging ito
ng Southern Leyte.
Aniya,
ang uri ng lupa sa Liloan ay tulad din ng matatagpuan sa St. Bernard
na karatig-lugar lang.
Sabi
ni Catane, makapal ang lupa sa bundok pero buhaghag ito at madaling
gumuho.
Bukod
sa malambot ang lupa, ilang bahagi ng St. Bernard ay nasa ibabaw
din ng "fault line" na pinagmumulan ng lindol.
Kaya
noong Pebrero 17, matapos ang isang lindol na hindi kalakasan ay
bumigay ang lupa dahil sa bigat nito.
Batay
sa pag-aaral ng NIGS, may iba't ibang klase ang pagguho ng lupa
o "landslide." Mayroong taon ang binibilang kung mangyari
pero ang dumating sa Barangay Guinsaugon sa St. Bernard ay isang
klase ng landslide na kung tawagin ay "flow."
Ibig
sabihin, agad-agad at mabilis ang pagbagsak.
Kinumpirma
ito ng National Disaster Coordinating Council (NDCC).
Ayon
kay Dr. Anthony Gonzales ng NDCC, kaya nahinto ang paghahanap sa
mga biktima noong Biyernes, Pebrero 17, ay dahil sa sobrang lambot
ng lupa. Mapanganib ito para sa "rescuers."
Kaya
ang rekomendasyon ng NIGS sa St. Bernard ay masusing pag-aaral at
palagiang pagbabago ng "landslide susceptibility map."
Ayon kay Catane, subok na ito sa mga bansang tulad ng Japan.
Dagdag
ng mga siyentpiko, bukod sa mga kagamitan at mapa ay kailangan din
nilang akyatin ang lugar na pinangyarihan ng landslide para magkaroon
ng higit na kongkretong sagot sa maraming tanong tungkol sa pangyayari.
Lindol,
kalbong kagubatan
Ang lindol at kalbong kagubatan ay ilan lang sa nagpapabilis sa
pagragasa ng lupa. Tulad ito ng nangyari sa Cherry Hills Subdivision
sa Antipolo, Rizal, noong 1999.
Ayon
sa pag-aaral ng mga experto, napatunayang malambot ang lupang kinatitirikan
ng subdibisyon.
Kaya
nahaharap sa malaking problema ang Department of Environment and
Natural Resources dahil sa kabi-kabilang mga pagguho.
Sa
kaso ng Guinsaugon, hindi nagkulang ang mga awtoridad sa paalala.
Nagsilikas nga ang mga residente pero bumabalik pa rin sila.
Sa
gitna ng trahedyang ito, malaki ang tiwala ng gobyerno na makababangon
ang mga Pilipino sa trahedyang tulad ng nangyari sa Guinsaugon,
higit pa dahil sa pagdagsa ng mga tulong mula sa iba't ibang bansa.
Sa
panig ng mga kamag-anak at kaibigan ng mga nabaon sa putik, gagawin
nila ang lahat kahit kamay ang gamit sa paghuhukay para lang maisalba
ang inaakala nilang buhay.
Dito
nga lumalabas ang kabayanihan ng mga Pilipino: sa gitna ng unos,
lalong nagbubuklod.
|