Winner, 2005 UNICEF Child Rights Award

"Bringing you an in-depth look at the lives of people as they are living it, as they are going through hardships, as they are celebrating their joys. It's journalism with a heart."

 

 
Mondays 11:30 pm
 

Mukha ng isang ina
"Sa Piling ni Nanay "
Itinanghal ng The CORRESPONDENTS, Mayo 15, 2006

Ulat ni Karen Davila

Ano nga ba ang mukha ng isang ina?

Isa siyang ilaw ng tahanan.

May kanya-kanyang liwanag na ibinibigay.

Pero sa puso ng bawat isa sa atin, iisa lang ang pagkakakilala natin sa tunay na ina: mapag-aruga, dakila, mapagmahal.

* * *

Si Maricar Santos ay isang pangkaraniwang ina na may hindi pangkaraniwang anak.

Hindi biro ang responsibilidad ni Marissa sa apat niyang anak. Dalawa sa kanila ang ipinanganak na may kapansanan na cerebral palsy.

“You would ask the Lord, bakit ako may abnormal [na anak]? Why of all people, ako? But then and again, you will have to accept na ganun na 'yan eh. Binigay na ‘yan. So I’m sure in God’s perspective siguro binigyan niya ako ng anak na ganyan because kaya ko. That’s how I look at it,” ani Maricar.

Tubong-Cebu si Maricar. Pero dahil sa trabaho ng kanyang mister, lumipat sila sa Maynila at dito sila nanirahan.

Ayon kay Maricar, noong ipinanganak si Popong, hindi niya alam na cerebral palsy pala ang sakit ng bata.

“Ang sabi ng doctor iba na ito na bata. Abnormal. After that as time goes on ‘yung body niya is so fragile na he cannot, he is just dependent on holding, he even hold his head. So parang iba talaga ito,” ani Maricar.

Labing-anim na taon na ngayon si Popong at pangatlo sa magkakapatid. Pero hindi siya nag-iisa sa ganitong kalagayan. Ang sumunod at bunsong kapatid na si JR ay may cerebral palsy rin.

Si JR ay 11 taong gulang na ngayon.

“So we tried to have another baby expecting to have it a normal child. So still the same. Ganun pa rin. I found out in JR later part, a year after pa. Parang may abnormality din siya, not the normal child the way a baby grows,” kwento ni Maricar.

Matagal bago natuklasan ni Maricar na cerebral palsy pala ang kapansanan ng dalawa niyang anak.

Katunayan, walong taon gulang na raw si Popong nang makumpirma niyang mula sa duktor kung ano talaga ang kalagayan nito kaya hindi daw agad nabigyan ng therapy at tulong si Popong. Pero si JR ay naagapan raw kahit papaano at mas maagang nabigyan gn therapy.

“It’s difficult for having two. We cannot even have a helper to help us here because ‘yung mga helper ngayon maarte. They always look for a better amo na mas libre sila sa trabaho, well compared to having the two,” ayon kay Maricar.

Sa lahat ng bagay, nakadepende sina popong at JR sa kanilang ina. Ganito ang buhay ni Maricar araw-araw. Pinapaliguan niya ang mga anak na parang sanggol.

Higit na maselan ang kalagayan ni Popong kaysa kay JR. Hanggang ngayon kinakailangan pa rin siyang lagyan ng diaper dahil hindi naturuang umihi at dumumi sa banyo tulad ni JR.

Pero kung may sikreto si Maricar sa hamon na bigay sa kanya. Ito ay ang kayang disposisyon: sa halip na malungkot at magalit, buong puso niyang tinanggap ang bigay sa kanya ng Panginoon at inaaruga ang mga anak niya.

Masaya sila sa bahay. Tuwing may gawaing bahay raw siya, naglalaro at ginagaya siya ng mga anak niya.

“If you treat one, it’s the same with one, two or three. They would enjoy together. Having one child na cerebral palsy siya lang, he will not enjoy. But silang dalawa they are just like normal children. Dalawa silang naglalaro. Dalawa silang nag-aaway,” kwento ni Maricar.

Pero hindi lang ang dalawa niyang anak na may cerebral palsy ang nangangailangan ng espesyal na atensyon sa kanya, maging ang pangalawa niyang nak na babae ay “special child” rin daw.

Maagang huminto sa pag-aaral ang kanyang 18-taong gulang na anak na si Tina.

First year sa high school dapat noon si Tina. Pero nang kumuha ng pagsusulit ay ibinalik siya sa Grade 3.

“I was alarmed already at the time because I was trying to tell her she will be accelerated and from the start I told them that she will be entering first year. It will be a negative reaction for her to be bringing her to Grade 3 being a big girl with small children,” sabi ni Maricar.

Sa magkakapatid, ang kuya na si Chris ang katuwang ng ina sa mga kapatid na may espesyal na pangangailangan. Alam niyang pagdating ng panahon, responsibilidad niya sina Popong at JR.

“He’s really a fighter ‘ika ng ang mga tao. [My mom] always keeps a smiling face. Parang positive ano talaga lagi. Parang ganun. Parang lets look at everything in a positive way. Tapos ‘yun OK naman, we accept everything we have, tapos we will be successful naman in time siguro,” ayon kay Chris.

Kailanman hindi dumaing at natakot si Maricar sa mga paghihirap na kanyang haharapin.

Isang bagay lang ang kanyang kinatatakutan: ang maiwanan niya ang mga anak.

“Tears just fall, wala akong magawa. Bahala na si Lord. That’s the fear tha I have now, ‘yun lang,” ayon kay Maricar.

Para sa isang ina, malaking hamon na ang harapin at tanggapin ang pagkakaroon ng isang anak na may cerebral palsy.

Ano pa kung dalawa?

Sina Popong at JR. ang buong buhay ni Maricar.

Naniniwala siyang sila ang dahilan kung bakit siya nasa mundong ito at kung bakit siya natutong magmahal rin ng lubusan at walang kondisyon.

Kung siya’y maituturing raw na isang mabuting ina ito ay dahil na rin sa kanyang mga anak.

“The only thing that you can do is to accept them mapa-abnormal, mapa-special child, mapa-other cases. You have to accept your child because he is your child, they are not toys that you can just throw away. You will have to value the life that God has given to you,” ani Maricar.

   
>>> Previous Episodes