|
Banta
ng rebolusyon, krisis sa kampo
"State of emergency"
Itinanghal ng The CORRESPONDENTS, Lunes, Pebrero 27, 2006
Ulat
ni Rose Eclarinal
Pasado
3 p.m. noong Pebrero 26, 2006, nagsimula ang tensyon sa Fort Bonifacio
matapos ianunsyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagsibak
kay Maj. Gen. Renato Miranda, ang komandante ng Philippine Marines.
Kapalit
ni Miranda, itinalaga ng AFP sa pwesto si Brig. Gen. Nelson Allaga
bilang bagong hepe ng Marines.
Sa
pagdating ni Col. Ariel Querubin ng Marines sa kampo pasado 5 p.m.,
ibinulalas niya ang pagkadismaya sa pagkakasibak kay Miranda at
humingi ng suporta sa taumbayan. Si Querubin ang hepe ng 1st Marine
Brigade at kilalang malapit na tauhan ni Miranda.
"Nananawagan
lang kami para suportahan ang aming commandant at 'yung organization
kasi after this 'pag watak-watak kami, the Marines would no longer
be relevant," aniya.
Umugong
agad ang mga ulat na mayroong mga pwersa ng Marines na kumikilos
para suportahan si Querubin at ang nasibak na si Miranda.
Itinanggi
agad ni Allaga na mayroong pagkilos sa mga tropa ng AFP. Aniya,
nananatiling tapat ang Marines sa pamunuan ng militar.
Sabi
ni Allaga: "I am in control."
Kumakagat
na ang dilim noong 6 p.m. nang dumating ang tinatayang tatlong batalyon
ng Marines para magbigay ng suporta kay Miranda. Higit pang nadagdag
ang tensyon sa kampo.
Pagpasok
ng The CORRESPONDENTS sa kampo, latag na ang dilim. Pinatay din
ng mga awtoridad ang serbisyo ng kuryente sa loob ng kampo at hindi
na rin nagpapapasok ng sibilyan.
Samantala,
sa labas ng bakuran ng kampo ay nagtipon na ang mga sibilyan, aktibista
at pulitikong tumugon sa panawawagan ni Querubin.
Kabilang
sa kanila ang abogandang si Liwayway Vinzons-Chato na kilalang abogado
ng oposisyon at ang aktres na si Melissa Mendez.
Sabi
ni Vinzons-Chato, nakatanggap lang siya ng text sa cellular phone
kaya siya nagtungo sa kampo. Tumanggi siyang ihayag kung sino ang
nagpadala ng text.
Sa
panig ni Mendez, sinabi ng aktres na "naaawa" siya sa
Marines.
Naroon
din si Ronald Lumbao, ang aktibista na pinuno ng isang pangkat na
kaalyado ng dating pangulong Joseph Estrada. Anang aktibista, malinaw
sa pagtitipon na iyon na ayaw ng taumbayan kay Pangulong Gloria
Arroyo.
Nakisabit
sa isyu?
Sa loob ng kampo, ilang kasunduan ang pinag-uusapan sa pagitan ng
mga opisyal ng Marines.
Sa
labas ng tanggapan ng Marines, pinagbawalan nang maglabas-masok
sa kampo ang mga sibilyan at iba pang tao na walang kinalaman sa
pangyayari.
Sa
bakuran ng kampo, nagsimula nang magkairingan ang mga awtoridad
at aktibistang itataboy nila.
Isang
babae ang nakita ng The CORRESPONDENTS. May suot siyang ID ng media
at nakikiusap sa mga awtoridad na huwag itaboy ang mga tao na nagtipon
doon.
Pero
nabatid ng The CORRESPONDENTS na wala nang kinalaman sa pagiging
media ang babae at kasapi na lang siya ng Partido ng Masang Pilipino
ni Estrada.
Samantala,
nakalusot ang ilang pari at madre sa lugar malapit sa Marine Barracks
at nagsimula na silang magdasal.
Namataan
din doon ang ilang personalidad mula sa panig ng oposisyon. Kabilang
sa kanila si Amina Rasul na matagal na ring nananawagan sa pagpapaalis
sa Pangulo.
Makailang
ulit na
Ang pangyayari sa kampo ay hindi ang unang pagkakataon na nagtawag
ng suporta ang militar.
Militar
din ang nasa likod ng pagbagsak ni dating pangulong Ferdinand Marcos
noong 1986 nang bumaliktad ang dating heneral na si Fidel Ramos.
Isa si Ramos sa pinakatapat na heneral ni Marcos.
Kasabay
ng pagbaliktad ni Ramos, nanawagan din ng suporta si Jaime Cardinal
Sin na magtungo ang mga tao sa EDSA para sa People Power.
Noong
panahong iyon, ang magiging pangulong si Corazon Aquino ay namamalagi
sa Cebu. Nanawagan din siya na suportahan ng mga tao ang mga sundalong
nagrebelde kay Marcos.
Tanghaling
tapat ng Pebrero 24, 2006, bumuhos ang mga tao sa EDSA. Hindi na
sila nakayanang itaboy ng pulisya at militar.
Sa
pagtataya ni Prof. Clarita Carlos, dating pangulo ng National Defense
College of the Philippines, "In the case of Marcos, all the
conditions for the continuing grievances of the people [were there]."
"It
only took Juan Ponce Enrile and Fidel Ramos ot take the final position
but even then, by themselves alone, they won't be able to do it."
"Kung
hindi sinuportahan ng civilian, humarang sa tangke ['yung mga madre],
hindi matatapos 'yun," dagdag niya.
Sabi
ni Carlos, nakasalalay ang tagumpay ng isang rebolusyon kapwa sa
sibilyan at militar.
Magugunitang
nang mag-aklas ang mga sundalo noong 2003 sa Oakwood sa Makati,
hiningi ng grupo ni Lt. Senior Grade Antonio Trillanes ang suporta
ng taumbayan. Hindi dumating ang hinihinging suporta ni Trillanes.
Pero
sabi ni Carlos, nakikita niyang iba na ang sitwasyon ngayon.
'Yung
kay Trillanes, iba ang stake doon. Ito, iba 'yung situation kasi
nakababa yung [Presidential Proclamation No. 1017], may Garcillano
[issue]."
Katiwalian,
ugat ng lahat
Samantala, sa gitna ng tensyon noong Pebrero 26 ay nakiusap ang
Malacañan na itigil na muna ang pag-eere ng mga pangyayari
sa kampo ng Marines.
Habang
nananawagan ang Palasyo, hindi pinalampas ng mga gwardya ng kampo
si Gng. Aquino at iba pang pangkat na sususporta sa Marines.
Sa
labas ng bakuran ng kampo, nagkairingan ang grupo nina Lumbao at
ng mga sundalong bantay.
Dakong
10:30 p.m., pinaurong na ang mga tangke ng marines at sinabi ni
Allaga na tapos na ang mahigit pitong oras na standoff sa kampo.
Ayon
kay sa mga ulat, nadaan sa botohan ang aksyon ng Marines upang itayo
ang kanilang bandila bilang isang sangay ng AFP na may sariling
paninindigan.
Ayon
sa Marines, ang tropa ay iisang samahan na walang bahid ng kulay
mula sa labas ng kanilang kapatiran.
Si
Querubin na nagpatawag ng suporta ng taumbayan, tahimik na humarap
sa mga mamamahayag sa pagtatapos ng sigalot.
Pero
kahit nagtapos ang krisis sa Marines, mahirap pa ring sabihin kung
huminto na ang problema sa militar at administrasyong Arroyo.
Sabi
ni Carlos, isa lang ang malinaw ngayon. Ang nangyari sa kampo ng
Marines ay larawan lang ng malalim at matagal nang problema sa AFP.
"Dapat
resolbahin 'yung pinanggagalingan ng grievance [which is] corruption."
|