Espesyal
na itinanghal ng The CORRESPONDENTS mula sa Tripoli, Libya
Sa
imbitasyon ng pamahalaang Libya, nagtungo doon ang The CORRESPONDENTS
sa pangunguna ni Correspondent Abner Mercado upang masilayan ang
bansa na di karaniwang naitatampok sa ganitong uri ng programa.
Buntot
na lang ng taglamig ang inabutan ni Correspondent Abner Mercado
sa Libya at papasok na ang tagsibol. Doble ang lamig sa kabisera
nitong Tripoli kumpara sa Lungsod Baguio.
Ang
Libya ay nasa hilagang bahagi ng kontinente ng Africa. Mula Pilipinas,
mayroong higit na dalawang oras na biyahe at stop-over sa Bangkok,
Thailand. Mula dito ay mahigit 14 oras naman ang patungong Frankfurt,
Germany, at mahigit dalawang oras ang huling yugto ng flight papuntang
Tripoli.
Anim
na oras ang abante ng Pilipinas sa Libya. Ibig sabihin, katanghaliang
tapat na sa Maynila pero mag-uumaga pa lang sa Tripoli.
Ang
bansang ito ay nasa hangganan ng Dagat Mediterranean na humahati
sa kontinte ng Europa at Aprika.
Kahit saan may Pinoy
Sosyalismo na nakayakap sa Islam ang porma ng gobyerno. Sa kahit
saang panig ng Tripoli nakapaskel ang matikas na imahen ng kanilang
lider, si Col. Muammar Khaddafi.
Wikang
Arabo laganap na ginagamit at swerte na kung may makausap ditong
marunong ng wikang Ingles.
Kahit
sosyalistang bansa, masasabing walang ipinag-iba ang bayan na
ito sa isang demokrasya.
Malaya
ang bawat isa pero ang batas ay ang gobyerno at ang gobyerno ay
ang mga mamamayan.
Ang
pamilihan ay nakabatay pa din sa paggamit ng pananalapi. Dinar
ang umiiral ditong pera.
Sa
Tripoli nakilala ni Correspondent Abner Mercado si Joseph Mallonga,
tubong-Tuguegarao, Cagayan. Noon pang 1983 napadpad sa Libya si
Mallonga.
Sa
kompanyang Bilfinger siya nagtatrabaho, isang German construction
company na nakabase sa Libya.
Siya
rin ang pangulo ng komunidad ng mga Pilipino sa Tripoli.
Ayon
kay Mallonga, madali niyang naiangkop ang sarili sa mga Libyan
at sa kanyang mga among Aleman.
Ngunit
aminado siyang mahaba ang prosesong ito at kinailangang magsakripisyo
dahil bahagi ito ng kanyang naging sugal sa ibang bansa.
Pagtatapat
niya, kahit pa nakarating siya sa Tripoli, hindi niya kailanman
tinalikuran at, sa halip, taas-noong ipinagmamalaki ang bansang
pinagmulan.
Isa
lang si Mallonga sa mahigit 5,000 Pilipino na nagtatrabaho sa
mga kompanya sa Libya.
Dahil
na rin sa bilang na ito at sa patuloy pang paglago ng bilang ng
mga Pilipino, kinailangan na ding magtayo dito ng paaralan.
May
11 taon nang naitatatag ang Philippine Community School (PCS)
sa Tripoli.
Sa
PCS, mga anak ng mga mangagawang Pilipino ang mga mag-aaral. Ang
iba ay dito na ipinanganak.
Ang
mga guro ay karaniwang inaangkat -- mula Pilipinas.
May
anim na taon nang nagtuturo sa PCS si Rosalia de la Cruz na taga-Angono,
Rizal. Aniya, sa Tripoli niya natagpuan ang trabahong ipinagkait
ng Pilipinas.
Pahayag
ni de la Cruz, hindi lang pagiging praktikal ang natugunan ng
Libya dahil mas payapa ang buhay niya dito.
Sa
kabila naman ng kanyang paghanga sa Libya, hindi gaanong inuusig
ng kanyang damdamin si de la Cruz dahil nangibambayan man siya,
kapwa Pilipino pa rin ang kanyang pinaglilingkuran.
Dito
rin sa PCS kilala bilang guro ng wikang Arabo si Jamal Abdalla
al-Ghazal. Hindi siya Pilipino ngunit namamangha ang lahat ng
makakakilala sa kanya dahil natagpuan niya ang sarili kapiling
ang overseas Filipino workers (OFWs).
Ang
itinuturo niyang wika ay isang required subject sa mga paaralang
dayuhan tulad ng PCS.
Ugnayang Tripoli-Maynila
Sa Syrte, lungsod na may isang oras na biyahe mula Tripoli, idinaos
ang African Heads of State Summit na siyang nasaksihan ng The
CORRESPONDENTS.
Tulad
ng inaasahan, dumagsa ang mga mamamahayag mula sa ibat ibang
bansa na karamihan ay mula sa Africa. Dumalo din dito si Khaddafi.
Buong
pagmamalaking ipinakita ni Khaddafi sa mga mamamahayag pati sa
kanyang mga panauhing pinuno ng bansa ang mga ambisyosong proyekto
tuald ng proyektong ilog na gawa ng tao.
Layunin
ng proyektong ito na tugunan ang kakulangan sa tubig hindi lang
ng Libya kundi ng buong rehiyon. Dito sa Libya, higit na mahal
ang presyo ng tubig kumpara sa langis.
Ngunit
sino nga ba si Khaddafi at anong uri siya ng lider?
Taong
1969 nang maluklok sa kapangyarihan si Khaddafi sa pamamagitan
ng kudeta na nagpatalsik sa monarkiya.
Noong
una, tumangging kilalanin ng mga mamamayan ang bagong lider ngunit
sa paglipas ng panahon ang pamumuno ni Khaddafi ay sinang-ayunan
din ng mga Libyan.
Sa
labas ng Libya, sa ibang bahagi ng mundo ay iba ang imahen ni
Khaddafi bilang pinuno.
Bago
pa si Saddam Hussein ng Iraq at si Osama bin Laden ng al-Qaeda,
mayroon nang Khaddafi na terorista sa paningin ng Estados Unidos
at kaalyado nitong bansa.
Noon
pa man, konektado na ang pangalang Libya sa terminong terorista.
Taong 1992, pinatawan ng parusa ng United Nations ang Libya upang
pilayin nag ekonomiya nito dahil sa pagkanlong ng bansa sa mga
terorista.
Nito
lang 1999 ito binawi ng U.N. Sa kabila nito, nakapamuhay nang
masagana ang Libya at mistulang hindi lumatay ang parusa.
Naghudyat
ng ugnayan ng Pilipinas at Libya sa kasagsagan ng rebelyon as
Mindanao noong dekada 70.
Isa
si Munir Abdullah sa mga nagtungo sa Tripoli noong 1983 upang
maging Islamic scholar at, kalaunan, empleado sa embahada ng Pilipinas.
Aniya, madalas din siyang hagupitin ng pangungulila ng Mindanao
na pinagmulan.
Taong
1976 nang idaos sa Tripoli ang usapan sa pagitan ng Pilipinas
at Bangsa Moro na tinawag na Tripoli Agreement.
Sa
siyudad na ito sinikap makamit noon ang kapayapaan at ang pagsasarili
ng ilang bahagi ng Mindanao.
Ngunit
tunay na mailap ang kapayapaan dahil lalong lumubha ang sugat
ng Mindanao.
Nalagay
sa mapa ng kahihiyan ang Pilipinas sa paningin ng buong mundo
dahil sa Abu Sayyaf.
Pumasok
muli sa eksena ang Libya sa pamamagitan ng negosasyon para mapalaya
ng mga bihag mula sa isla ng Sipadan.
Ang
anak ni Khaddafi ang siyang personal na nagtungo noon sa Pilipinas
ngunit hindi sa ngalan ng pamahalaang Libya kundi ng foundation
na nakapangalan sa kanilang pamilya.
Habang
nakakaladkad ang isyu ng Abu Sayyaf, inuulan din ng panunuya ang
mga Pilipino sa Libya.
Ayon
kay Agnes Quinto, isang OFW, apektado sila ng isyu ng Abu Sayyaf.
Kapag naglalakad siya sa kalye, may mga pagkakataong tinatawag
siyang Abu Sayyaf ng mga Libyan.
Isa
sa mga libangan ng mga Filipino dito sa Tripoli, ang karaoke bar.
Pag-aari ito ng isang OFW na taga-Mindanao. Libre dito ang kumanta
pero bawal ang malasing dahil bawal ang alak sa Libya.
Ayon
kay Manuel Moran, isang empleado ng embahada ng Pilipinas at laging
nagtutungo sa karaoke bar, unti-unti nang pinupuntahan ng mga
dayuhan ang karaoke bar na ito.
Aniya,
may nakakasama na rin silang mga dayuhang mahilig kumanta at naghahanap
ng pagkaing Pilipino.
Pagtatapat
niya, sa oras ng kalungkutan, karaoke bar ang kanyang pinupuntahan.
Aminado si Moran na naging mahirap ang mamuhay nang mag-isa sa
Tripoli noong una ngunit ang lahat ay nakakasanayan.
Kung
sa Pilipinas, Linggo ang pinakapiyesta opisyal ng mga mamamayan,
sa Libya ay Biyernes. Sa araw na ito, nagtitipon ang komunidad
ng mga OFW upang magsaya, maglaro ng tennis at higit sa lahat,
magkwentuhan tungkol sa kanilang mga mahal sa buhay sa lupang
tinubuan.
Ang
mga OFW na nakapanayam ng The CORRESPONDENTS sa Tripoli ay ilan
lang sa mga Pilipino na nag-asam ng kaginhawahaan at nagsugal
ng kanilang kapalaran sa ibang bayan.
Naghangad
sila ng pansamatalang masisilungan ngunit dito sa Libya, pangalawang
tahanan ang kanilang natagpuan.
Nangibambayan
man sila, iisang tinig na sinabi ng mga OFW na Pilipinas ang tunay
nilang tahanan.