Some
folks like to get away
Take a holiday from the neighborhood
Hop a flight to Miami Beach
Or to Hollywood
But I'm taking a Greyhound
On the Hudson River Line
I'm in a New York state of mind
I've seen all the movie stars in their fancy cars and their
limousines
Been high in the Rockies under the evergreens
But I know what I'm needing
And I don't want to waste more time
I'm in a New York state of mind
It was so easy living day by day
Out of touch with the rhythm and blues
But now I need a little give and take
The New York Times, The Daily News
It comes down to reality
And it's fine with me 'cause I've let it slide
Don't care if it's Chinatown or on Riverside
I don't have any reasons
I've left them all behind
I'm in a New York state of mind
-- Mula sa awiting New York State of Mind,
Panulat, musika, at awit ni Billy Joel
|
(Ang
New York ang pangalawang tahanan para sa maraming Pilipino. Narito
ang eksklusibong salaysay sa The Correspondents ni Cecilia
Datu, brodkaster at kasalukuyang estudyante sa New York University.
Ito ang kanyang nasaksihan bago at makaraan ang malagim na trahedyang
dumatal sa tinaguriang "The Big Apple".)
Ika-siyam
ng Setyembre, taong 2001. Piyesta dito sa Manhattan noon at kinunan
ko ang selebrasyon bilang isang estudyante ng TV news production
sa New York University.
At
nang mga sandaling iyon, bigla kong naalala ang Pilipinas na kalahating
mundo ang layo.
Dito,
para rin silang mga Pilipino kung magsaya.
Hindi
ko inaasahan na makalipas lamang ang dalawang araw, pagluluksa
ang aking makukunan.
Setyembre
11, 2001. 8:45 a.m.
Sino
ba ang mag-aakalang mangyayari ito sa New York?
Hindi
ba, ito ang Amerika, ang tinaguriang 'land of freedom and prosperity'
?
Hindi
ba ito ang lugar na nasa panaginip daw ng maraming Pilipino?
Para
sa isang Pilipinong nasanay na sa mga balita ng pambobomba at
insidente ng pagdukot sa Pilipinas, kahit ako ay nabigla.
Walang
anuman na makapaghahanda sa kahit kanino sa ganitong mga tanawin.
Posible
ang imposible
Nagdeklara ang mga awtoridad ng state of emergency. Pinauwi ang
mga sibilyan, ipinatigil ang transportasyong pampubliko.
Isinara
ang mga kalye, tulay, at daungan.
Sa
isang iglap, under siege ang Amerika bukod sa napakahirap ng komunikasyon.
Sa
New York City, mistulang war zone ang kapaligiran.
Sabi
nga ng iba, "nakaranas kami ng nuclear winter sa kapal ng
usok at abo."
Sa
downtown, puno ng militar ang mga kalye at halos imposibleng makapasok
subalit pinilit ko pa ring makalapit.
Nakakapangilabot
ang hitsura ng subway na parang mausoleo sa katahimikan at ang
kaunting ingay na maririnig mo ay mula sa mga bulung-bulungan
ng mga anino.
Mula
sa tren, kitang-kita ang dating kinatatayuan ng twin towers ng
World Trade Center (WTC) at halos lahat ng mga pasahero, nakatutok
sa Manhattan skyline, hinahanap ang alam nilang hindi na nila
makikita.
Nakarating
din ako sa trauma hospital, sa lugar na siyang pinagdalhan sa
mga sugatan.
Totoo
nga ang kasabihang, "makakatagpo ka ng Pilipino sa bawat
sulok ng mundo."
Sa
Saint Vincent's Hospital, nakapila ang mga Pilipino na handang
mag-alok ng tulong.
Isa
sa mga nakilala ko doon si Dr. Louis Dizon.
Limang
taon nang naninirahan sa New York si Dr. Dizon at sa loob ng panahong
ito, ni minsa'y hindi niya inakala na ang terorismong iniwan niya
sa Pilipinas ay makakaharap din niya dito.
Si
Dr. Zenith Yllana naman ay isa rin sa mga Pilipinong boluntaryo
doon.
Aniya,
ginawa raw niya ang pagtulong dahil sa personal na dahilan.
Ang
kapatid daw ng asawa niyang Indian national ay nagtatrabaho sa
96th floor ng WTC at hanggang ngayon ay hindi pa nila mahanap.
Ulila
ng pagkakataon
Nakiisa ang mga Pilipino sa dalamhati ng mga taga-New York.
Dito
lamang sa lungsod, may libo-libo ang mga Pilipino.
Marami
ring pamilyang Pilipino ang direktang naapektuhan ng trahedya.
Ayon
sa mga awtoridad, may [est no.] na Pilipinong nawawala mula nang
bumagsak ang dalawang gusali ng WTC.
Si
John Lacson naman, may anim na kaibigang Pilipino na nagtatrabaho
sa WTC at mula nang pumasok sila sa trabaho noong Martes, hindi
pa sila nakakabalik.
Hindi
rin alam ni John kung makakabalik pa sila.
Naabutan
ko ang isang babae na nagpapaskil ng litrato ng pinsan niyang
si Grace Cua sa mga pader ng Manhattan.
Saan
ka man lumingon ngayon sa Manhattan, ang mga pader at poste ay
namumulaklak sa mga poster at litrato ngmga nawawala.
Si
Grace ay nagtatrabaho sa Mistui Corporation sa WTC.
Nangilabot
ako nang makita ko ang litrato ni Grace sapagkat kamukhang-kamuka
siya ng pinsan niya.
Nagdagsaan
din ang mga Pilipino sa Philippine Consulate sa New York.
Mula
nang maganap ang trahedya, bumuo na rin ang konsulado ng lupon
ng Filipino counselors para sa mga pamilyang balisa at patuloy
na naghahanap sa kanilang mga mahal sa buhay.
Isa
rin si Gng. Malu Mapa sa mga nakilala ko nang lubusan nitong mga
nakaraang araw.
Si
Gng. Mapa ang tagapangasiwa ng Children's Services sa City Hall
at mismong sa tapat ng WTC ang kanilang tanggapan.
Matapos
tamaan ng eroplano ang unang gusali, agad nagtayo ng headquarters
sa ilalim ng twin towers ang kanyang boss, si Mayor Rudolph Giuliani.
Subalit
hindi nagtagal, bumagsak din ang pangalawang gusali kaya't kasama
na ang alkalde at si Governor George Pataki sa mga inilikas.
Ang
turistang si Philip naman, unang pasyal sa New York. Kitang-kita
niya ang mga pangyayari nang unang bumangga ang unang eroplano
sa gusali.
Makaraan
ang ilan pang minuto, ang pangalawang eroplano naman ang sumalpok
sa isa pang gusali ng WTC.
Manghang-mangha
siya sa mga naglalakihang gusali at hindi niya inaasahan na masasaksihan
niya ang pagguho ng mga ito.
Paghawi
sa usok
Habang isinusulat ko ang bahaging ito, tatlong araw na ang nakaraan
mula nang maganap ang trahedya.
Umaandar
na rin ang karamihan sa pampublikong sasakyan, bukas na rin ang
mga paaralan at balik trabaho na ang mga New Yorkers.
Mismong
si Mayor Giuliani raw ang nag-uudyok sa mga mamamayan na bumalik
sa dati nilang gawi na para bang walang naganap na karahasan sa
kanilang lungsod.
Subalit
ang isang malaking katotohanan, hindi na gaya ng dati ang Manhattan.
Mistulang
makapal na usok ang bumabalot ngayon ang kalungkutan sa dating
pinakamasayang lungsod sa Amerika.
Saan
ka mang sulok magpunta, susundan ka ng amoy ng sunog at amoy ng
kamatayan.
Tauon-taon,
daan-daang Pilipino ang nagpupunta sa Estados Unidos. Tinatakbuhan
nila ang kriminalidad at terorismo na tila pang-araw-araw na lamang
balita sa Pilipinas.
Subalit
ang trahedya ng Setyembre 11 ay isang paalala na walang kinikilalang
bansa o hangganan ang terorismo sapagkat ang multo ng isang bayan
ay bangungot rin ng sangkatauhan.