|
Sinalakay
ng pulisya ang isang KTV bar sa kalye Evangelista, Maynila
noong Linggo dahil sa malalaswang palabas nito sa entablado.
Nanguna
ang Intelligence and Investigation Division ng Western
Police District sa pagsalakay sa Boss J Club.
Dalawampu't
dalawang mananayaw at guest relation officers (GROs) ang
naaresto. Kabilang sa mga ito ang isang dating sexy star
na nahuli sa aktong nagsasayaw ng walang saplot sa katawan.
Kinilala itong si Pia Paula.
Dinakip
rin sa lugar si Desiree Agustin, siyang tagapamahala ng
KTV bar.
Sa
tanggapan ng WPD-IID, tinangkang aregluhin ni Agustin
ang mga pulis ngunit nabigo siya. Nagwala naman si Paula
at nangagat pa ng braso ng isang pulis.
|