|
Sinalakay
ng mga kagawad ng Western Police District ang isang sinehan
sa Quiapo, Maynila, kaugnay ng sumbong na ginagawa itong
pronta ng prostitusyon.
Ayon
sa ulat, legal kung titingnan ang panlabas na bahagi ng
Peace Theater sa Quezon Boulevard. Ngunit sa loob nito
naglipana ang mga miembro ng ikatlong kasarian at lalaki
na nagbebenta ng panandaliang-aliw.
Isang
lalaking homosekswal ang nahuli sa akto habang nakaluhod
sa kanyang kostumer. Agad namang itinaas ng lalaki ang
kanyang salawal nang mailawan ng mga pulis.
Pilit
din na itinanggi ng lalaki na pugad ng prostitusyon ang
sinehan. Ayon sa lalaki, nanggaling lang siya sa palikuran
kaya niya itinaas ang kanyang zipper.
Pahayag
naman ni Conrado Tenorio ng Business Development Office
sa pamahalaang panlungsod, mayroong kaukulang permiso
ang sinehan na magpalabas ng pelikula.
Ngunit
sa pagkakataong ito, aniya, dapat na ipasara ang Peace
Theater dahil sa paglabag sa patakaran ng lungsod laban
sa ilegal na gawain.
|