Agosto 30, 2002 Biyernes
 
Tulak ng shabu, nasakote sa kisame

Nadakip ng pulisya ang isang hinihinalang tulak ng droga sa Lungsod Caloocan sa kabila ng ginawa niyang pagtago sa kisame ng kanyang bahay.

Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng pulis-Caloocan at National Capital Region Police Office ang bahay ni David Sitchon dahil sa reklamo sa suspek.

Ayon sa mga residente ng lugar, talamak ang bentahan ng shabu sa Circumferential Road-3. Anila, si Sitchon ang utak ng pagbebenta ng shabu sa lugar.

Sa bisa ng isang arrest warrat, nilusob ng mga pulis ang bahay ng suspek. Noong una, hindi siya natagpuan. Ngunit isang pulis ang nakakita sa nakalawit na paa ni Sitchon sa nakaawang na kisame sa labas ng bahay.


Please send your comments or feedback to newsfeedback@abs-cbn.com