| Binigyan
ng karagdagang bantay ng Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat
(NBI) sina Ara Mina at Cory Qurino makaraang tumanggap ng
banta sa kani-kanilang buhay ang dalawang personalidad.
Si
Ara ang tampok sa isinapelikulang talang-buhay ni Cory,
ang <i>The Cory Qurino Kidnap Story</i> na
halaw sa insidente ng pagdukot kay Cory noong 1996.
Ang
karagdagang bantay ay ipinagkaloob ng NBI matapos makita
ang isang korona ng patay sa kotse ni Cory noong Biyernes.
Nakita
ang korona sa tabi ng kotse habang nakaparada ang sasakyan
sa Alabang Commercial Center.
Ngunit
sa kabila ng banta, sinabi ni Ara na patuloy ang paggiling
ng kamera para sa pelikula.
Nangako
naman si Director Reynaldo Wycoco ng NBI na iimbestigahan
ang pangyayari.
|