www.abs-cbnNEWS.com
Pebrero 24, 2003 Lunes

 
Julia Lopez: Walang kaso ang paghuhubad

Inihayag ng sexy star na si Julia Lopez nitong Lunes na hindi problema sa kanya ang pag-pose nang walang saplot sa katawan sa mga nude painting session.

Kamakailan, naging modelo si Julia sa nude painting session ng Blumentritt Group of Artists sa Maynila. Si Julia ang sinasabing mayroong pinakamalusog na dibdib sa mga sexy star sa kasalukuyan.

Sinusundan niya ang yapak nina Ara Mina at Maui Taylor na kapwa nag-pose din nang walang damit sa mga pintor.

Hinggil naman sa sasabihin ng kanyang mga kritiko, binanggit ni Julia na alang-alang sa sining ang kanyang ginagawa.

Sa kabila nito, nagpahayag ang bituin na nananatili pa rin ang kanyang pananaw na konserbatibo pagdating sa isyu ng paghuhubad sa pelikula.

Aniya, dapat pa ring isaalang-alang ang kapakanan ng mga manonood na kabataan.

 


Ipadala ang inyong kurokuro o feedback sa newsfeedback@abs-cbn.com