| Sa
kulungan humantong ang isang opisyal ng Hukbong Himpapawid
makaraang manutok ng baril sa Lungsod Quezon noong Linggo.
Bukod
sa pagiging kawal-PAF, nabatid na namamasada rin ng taxi
si Jonathan Pajarillo kapag nasa labas ng serbisyo.
Dinakip
ng pulisya si Pajarillo matapos tutukan ng baril ang kapwa
tsuper na si Roberto Merilles sa Aurora Boulevard sa lungsod.
Kapwa
namamasada sa Aurora Blvd. ang dalawa nang tawagin ng
isang grupo ng mga babae si Merilles. Nakita ni Pajarillo
ang pangyayaring ito. Kasunod nito, ibinangga ng suspek
ang kanyang sasakyan sa taxi ng biktima.
Hindi
pa nakuntento si Pajarillo dahil tinutukan siya nito ng
baril, ani Merilles.
Anang
biktima, inakala ni Pajarillo na inagawan niya ng pasahero
ang suspek ngunit ang totoo, siya ang unang tinawag ng
mga babae.
Isang
nagmalasakit na motorista ang nakakita sa pangyayari at
itinawag sa Patrol 117 ng Pambansang Pulisya. Agad namang
rumesponde ang mga pulis sa lugar at dinakip si Pajarillo.
Sa
presinto ay napag-alaman na walang permit-to-carry ang
baril ng suspek na rekisito sa armas na dadalhin ng mga
sundalong nasa labas ng serbisyo-militar.
|