www.abs-cbnNEWS.com
Abril 03, 2003 Huwebes
 
Buhay ni Carol Banawa tampok sa 'MMK'

Itatampok sa unang pagkakataon nitong Huwebes ang buhay ni Carol Banawa sa espesyal na pagtatanghal ng Maala-ala Mo Kaya(MMK).

Gagampanan ni Kaye Abad ang papel ni Carol sa pagtatanghal na ito.

Sa istorya, nasawi ang kapatid ni Carol at naparalisa ang kanyang ama. Nangyari ito nang makulong sa kanilang kotse ang dalawa at malason sa carbon monoxide na nagmula sa tambutso ng sasakyan.

Sa panayam, sinabi ni Kaye na hindi niya inakalang bibigyang buhay niya ang karanasan ng kaibigan.

Sinabi ni Kaye na nahirapan siyang gampanan ang papel na ito dahil hindi na iba ang turing niya kay Carol.

Ang pagtatanghal na ito ng MMK ay isa lang sa mga nakalinyang istorya ng programa tungkol sa mga pangyayari sa tunay na buhay ng iba't ibang bituin.


Ipadala ang inyong kurokuro o feedback sa newsfeedback@abs-cbn.com