| Iginiit
ng isang lalaki noong Miyerkules na labis na pangungulila sa pamilya
ang nagtulak sa kanya upang bihagin ang kapitbahay na paslit sa
Bacoor, Cavite.
Tumagal
ng tatlong oras ang insidente ng pambibihag ni Marlon Vorella
sa biktimang si "Mike" (di-tunay na pangalan) ng Barangay
Siniguelasan sa Bacoor.
Ayon
sa ulat, dinukot ni Vorella ang biktima at ikinulong sa inuupahang
kwarto. Nagbanta pa ang suspek na sasaksakin ng tinidor ang
tiyan ng paslit.
Napakiusapan
naman ang suspek na pawalan si Mike makalipas ang tatlong oras.
Unang hinanap ni Vorella ang isang kinatawan ng sangguniang
lalawigan bagamat napasuko ito ng mga pulis-Bacoor at opisyal
ng barangay.
Sa
presinto, ipinagtapat ni Vorella na nagawa niyang bihagin ang
bata dahil sa pangungulila sa pamilyang nasa Leyte.
Anang
suspek, apat na taon na silang hindi nagkikita ng mga anak.
Nabatid na hiwalay din sa asawa ang suspek.
Sa
kabila ng apela ni Vorella, itutuloy pa rin ng mga magulang
ng biktima ang pagsasampa ng kasong illegal detention laban
sa suspek.
|