www.abs-cbnNEWS.com
Disyembre 16, 2002 Lunes
 
Pronta ng prostitusyon sa Q.C., sinalakay

Sinalakay mga tauhan ng Task Force Jericho ng Kagawaran ng Interyor ang Heartbeat KTV Bar sa Quezon Avenue, Lungsod Quezon matapos makatanggap ng ulat na ginagawa itong pronta ng prostitusyon.

Sa loob ng Hearbeat, nadiskubre ang Wilderness Massage Parlor. Ayon sa ulat, hindi lang masahe ang serbisyo ng negosyong ito.

Nakakalap ng ebidensya ang mga operatiba ng Jericho na nagpapatunay na maaaring umabot sa pakikipagtalik ang serbisyo ng mga attendant sa Wilderness.

Ipinakita naman ng pamunuan ng Heartbeat na legal ang kanilang negosyo. Nagpakita pa ang mga ito ng dokumento ng kanilang mga guest relations officers at masahista.

Ngunit napag-alaman na karamihan sa mga ito ay menor de edad. Hindi rin lahat ay mayroong kaukulang permiso sa pagtatrabaho sa nabanggit na KTV bar.

Sa pagsusuri ng forensic odontologist, nabatid na tatlo sa mga babae sa Wilderness ay menor de edad.


Ipadala ang inyong kurokuro o feedback sa newsfeedback@abs-cbn.com