Human Trafficking
Noong nakaraang buwan ay inilabas ng US State Department ang kanilang 2010 Trafficking in Persons Report kung saan ay kanilang na-categorize ang mga bansa sa buong mundo sa tatlong tier o level depende sa mga insyatibo at mga programang ipinapatupad ng mga ito laban sa Human Trafficking na kanilang tinaguriang ‘Modern Form of Slavery.’ Kasama sa di magandang gawaing ito ay ang forced labor, sex trafficking o prostitusyon at child labor kasama na ang pag-gamit sa mga ito bilang sundalo. Ang basehan ng pag-aaral na ginawa ng US State Department ay ang kanilang Trafficking Victims Protection Act (TVPA) at ang United Nations Organization’s Protocol to Prevent, Suppress and Punish Trafficking in Persons, Especially Women and Children na kanilang tinawag na Palermo Protocol. Dito sa Palermo Protocol hinihikayat ng UN ang mga member states na itaguri ang human trafficking bilang isang criminal offense at ang mga gumagawa nito ay bigyan ng kaukulang kaparusahan. Maliban dito hinihikayat din ng Palermo Protocol ang mga bansa na magpatupad ng isang comprehensive program sa pagsawata nito sa kanilang tinawag na “3P” Paradigm – Prevention, Prosecution ng mga offenders at Protection ng mga biktima. Ito ay sa paniniwala na hindi sapat ang pag prosecute sa mga traffickers kung ang pamahalaan o ang bansa naman ay walang ibinibigay na tulong sa mga biktima at hindi gumagawa ng mga kaparaanan upang mahinto na ito at ng sa gayon ay wala ng mabibiktima pa.
Sa pag-aaral na ginawa ng US State Department ang Pilipinas ay inilagay sa Tier 2, ang kategoriya ng mga bansa na nakitang hindi nakatupad ng buo sa mga minimum standards ng TVPA, subalit gumagawa naman ng mga kaparaanan upang maabot ito. Ang Tier 1 kung saan naka-classify ang Estados Unidos ay binubuo ng mga bansa na gumagawa ng lahat ng kaparaanan na pwedeng gawin upang makapag-fully comply sa minimum standards ng TVPA. Ang Tier 3 naman ay binubuo ng mga bansa na hindi talaga nagko-comply sa requirements ng TVPA at walang ginagawang kaparaanan tungo dito. Ayon sa polisiya ng Estados Unidos ang mga bansa na nakapaloob sa Tier 3 classification ay maaari nitong bigyan ng appropriate sanctions katulad halimbawa ng pagputol ng non-humanitarian aid na ibinibigay ng pamahalaan ng Estados Unidos sa mga ito. Labing tatlong bansa ang nakasama sa listahan ng Tier 3 at ang mga ito ay ang Burma, Congo, Cuba, Dominican Republic, Eritrea, Iran, Kuwait, Mauritania, North Korea, Papua New Guinea, Saudi Arabia, Sudan at Zimbabwe. Ayon sa State Department ang kanilang paglabas ng report ay hindi upang mag-finger pointing at mag-alipusta kundi upang hikayatin ang mga bansa, lalo na yung sa Tier 3 at Tier 2 category upang gumawa pa ng mas sapat na mga kaparaanan upang masugpo itong kanilang tinatawag na ‘scourge of modern slavery.’
Dito sa atin hindi naman pabaya ang pamahalaan sa pagkakaroon ng mga kinakailangang batas at regulasyon laban sa human trafficking. Mayroon tayong sapat na batas sa ilalim ng ating Labor Code na nagbibigay proteksyon sa ating mga manggagawa kasama na ang tungkol sa tamang pasahod, terms & conditions of employment at mga benepisyong dapat ma-enjoy ng ating mga manggagawa. Mayroon din tayong mga regulasyon tungkol sa contractualization of labor, anti-child labor at sapat na mga alituntunin laban sa sex trafficking o prostiusyon. Sapat din ang ating programa at sistema tungkol sa overseas employment o labor migration at sa totoo lang ito nga ang ginagawang modelo at ginagaya ng maraming bansa na pumapasok sa labor migration. At hindi lamang iyon, mayroon tayong aktibong programa laban sa illegal recruitment na pinamumunuan pa ng ating Pangalawang Pangulo. Subalit sa kabila ng mga ito ay hindi pa rin lubusang masugpo itong human trafficking sa ating paligid. Kaya ang tanong ay bakit?
Base sa ating karanasan, hindi sapat ang pagkakaroon ng mga batas, mga regulasyon at kahit pa ba ang pagtatag ng mga kinakailangang mga opisina sa pagpapatupad ng mga ito kung hindi mabigyang kasagutan ang dalawang malubhang problema o balakid sa maayos na pamamahala – ang corruption sa pamahalaan at ang mabagal na pagdesisyon sa mga kaso laban sa mga human traffickers. Halimbawa lagi na lamang nating nababasa ang mga report tungkol sa escort service na ibinibigay ng ilang mga nasa puwesto sa mga kababaihan natin na lumalabas ng bansa bilang mga turista kuno but we would learn ay ibebenta lamang pala ang mga sarili sa mga dayuhan pagdating sa bansang patutunguhan. Mayroon din tayong nababasang mga kaso tungkol sa mga dayuhang biktima naman ng human trafficking na dumarating dito at ginagawa ang Pilipinas bilang transit point o daraanan patungo sa knilang final na bansang patutunguhan. Maliban dito mayroon din tayong nababasa tungkol sa mga dayuhang pumupunta dito sa atin for child sex purposes kung saan ang mga nabibiktima naman ay mga kabataan na hawak ng mga traffickers. Bakit nangyayari ang mga ito? Simple lamang. Dahil sa ang mga nasa pamunuan na sila dapat ang magpapatupad ng mga batas at regulasyon upang masawata itong human trafficking ay pikit mata lamang o possibleng kasabwat pa sa mga kalokohan – ibig sabihin nasusuhulan o completely nabibili at kasanib na sa paglabag sa mga batas at regulasyon. Ito ang isang isyu ng corruption na naway mabigyang pansin ng bagong administration.
Ang isa ring dahilan ay ang mabagal na pag-usad ng mga kaso sa ating mga hukuman. Sa report ng US State Department mayroong kabuuang 228 trafficking cases na ipinaabot ang mga enforcement agencies sa Department of Justice noong 2006. Subalit walo lamang sa mga ito ang natapos ang paglilitis at nabigyan ng kaukulang parusa ang mga nagkasala sa taon ding iyon. Ang ibang mga kaso ay nakabinbin pa and in the meantime ang mga accused ay nakapag-piyansa marahil at balik na naman sa kanilang illegal na trabaho na kinukunsinte naman ng ilang mga tao sa pamahalaan na kanilang nasusuhulan. Sa ganitong sitwasyon mahirap nga talagang masugpo ang mga ganitong problema.
At ang isa pang mabigat na balakid sa kampanya ng pamahalaan laban sa human trafficking ay ang pagkukunsinti mismo ng mga nabibiktima sa ganitong uri ng hanapbuhay. Kadalasan ang ginagawang justification ay ang kahirapan sa buhay at ang kawalan ng oportunidad na makapagtrabaho ng maayos at kumita ng sapat para sa sa pangangailangan ng sarili o ng pamilya. Kaya sila daw ay napupwersa ng sirkumstansya na tanggapin na lamang kahit ano pa mang uri ng pagkakakitaan – kahit nab a ito ay hahantong sa pagpapa-alipin. Mahirap kontrahin ang ganitong pangangatwiran kaya ang magagawa na lamang natin ay dalawang bagay. Una, kung tayo ay nasa sitwasyon na mapagbibigay payo sa mga posibleng mabibiktima ng human trafficking, atin silang paliwanagan na mayroon namang mga paraan kung talagang gugustuhin natin na kumita ng maayos sa kabila ng kahirapan. Marami sa ating paligid ang ehemplo ng pagpupunyagi at pagsisikap na kumita sa malinis na paraan at hindi bilang biktima ng human trafficking. At ikalawa, ating bigyan ng suporta ang bagong administrasyon sa kanilang kampanya upang mapatupad ang mensahe ni Pangulong Noynoy Aquino na “kung walang corrupt, walang mahirap.” Sumunod tayo sa batas at huwag tayong manuhol sa mga taong nasa pwesto makuha lamang natin agad ang ninanais sa isang opisina sa pamahalaan. The fight against corruption can start with us. Kung walang manunuhol, walang pasusuhol. Ibig sabihin, walang corruption.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagsubaybay.
The US & Australia are Tier 3 not Tier 1
Whenever I walk into an American supermarket, I always see milk cartons with pictures of missing children printed on the sides. Hundreds of thousands of children there are kidnapped, trafficked, molested and even cannibalized by American perverts, pedophiles and faggots like Jeffrey Dahmer:
http://en.wikipedia.org/wiki/Jeffrey_Dahmer
Even in the Philippines, the perpetrators are often Aussies, Brits and Americans in connivance with Filipino government officials and policemen:
http://www.petitiononline.com/olong/petition.html
If I were a child, I would be more scared to live in America or Australia. White "men" are just hideous.
Survivor?
Aba tila walang balak magbitiw si Sto. Tomas sa Development Bank of the Philippines.Kung walang corrupt, walang mahirap na rin siya. Isa ito sa mga makakapal na midnight appointees ni Gloria. Onga naman. Talo ang MWSS ng DBP sa bonuses and allowances. Ang kakapal talaga ng mga appointees ni Arroyo.