Message of President Aquino on his First 100 Days
Message of His Excellency Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
On The First Hundred Days of his Administration
(October 7, 2010, La Consolacion College, Manila)
Isandaang araw po ang nakalipas, nagpanata ako sa taumbayan: Hindi ko tatalikuran ang tiwalang kaloob ninyo sa akin. Ang nakalipas na isandaang araw ang magsisilbing tanda ng ating paninindigan.
Malalim at malawak po ang mga problemang minana natin. Nag-ugat ito sa isang gobyernong parang tatlong matsing na nagbingi-bingihan, nagbulag-bulagan, at gumawa ng sariling katotohanan.
Mali po ito. Ngayon, mayroon na po kayong gobyernong handang makipag-usap at magsabi ng totoo; handang makinig sa makabuluhang usapan; handang iangat ang antas ng pampublikong diskurso ukol sa mga isyung makaaapekto sa ating lahat, at maging sa mga darating na henerasyon.
Ang natamasa po natin ngayong unang isandaang araw ng ating panunungkulan: Mayroon na po kayong gobyernong hindi kayo binabalewala o inaapi.
Bumalik na po ang kumpyansa sa ating bansa. Tumatatag ang ating ekonomiya, at dahil dito, lumalago ang kaban ng ating bayan. Ang lahat ng inani at aanihin pa natin mula sa pinatibay na ekonomiya ng ating bansa, ibinabalik naman natin sa taumbayan upang tuluyan na tayong makaahon sa kahirapan. Binibigyan natin ng katuturan ang paggastos. Walang pisong dapat nasasayang.
Halimbawa po ang mga itinalagang opisyal sa mga GOCC. Naroon po dapat sila para pangalagaan ang interes ng taumbayan. Noon pong nakaupo sila doon, nilabag nila ang Memorandum Order 20, na pinirmahan noon pang Hunyo 2001. Inatupag po nila ang sariling interes na nagdulot ng pinsala sa interes ng taumbayan: nakakuha sila ng kung anu-anong mga bonus at allowance.
Ipinatutupad naman po natin ang Executive Order No. 7 na nagsuspinde sa lahat ng pribilehiyong iyon. Idiniin lamang po natin ang dapat naipapatupad na noong 2001. Sa isang kumpanya lang po tulad ng MWSS, ang napigil nating mahulog sa bulsa ng bawat opisyal ay umabot na sa dalawa’t kalahating milyong piso kada taon. Siyam po ang miyembro ng Board nila, at sa MWSS lamang po iyan. At ilan po ang mga GOCC, GFI, at mga ahensyang sakop ng EO No. 7? Isandaan, dalawampu’t dalawa (122) mga ahensya’t kumpanya.
Nariyan din po ang nangyayari sa mga kontrata tulad ng sa NAIA 3. Isipin lang po natin, tatlong administrasyon na ang dinaanan nito. Pang-apat na kami. Tumagal na po nang husto ang kasong ito, may mga pinaslang pa dahil dito. Kundi dahil sa mga tapat na nagmamahal sa bansa tulad nina Justice Florentino Feliciano at Justice Meilou Sereno, baka wala na ring pinatunguhan ang kasong ito. Sila po ang mga tunay na bida sa kaso, ngunit death threats pa po ang ibinayad sa kanila. Tila ba nagkulang sa aruga ang nakaraang gobyerno. Ngayon pong alam nilang suportado sila ng mga kapwa nilang nasa tuwid na landas, naresolba na po nila ang kontrata. Kung natalo po ang gobyerno natin rito, 990 million dollars ang nalagas sa ating mga pondo. 43.5 bilyong piso ang perang nailigtas nila at natin. Higit pa rito, mapapakinabangan na natin ang airport sa lalong madaling panahon.
Kung naaalala po ninyo, pinahinto natin itong negotiated contracts ng DPWH; pinarebid natin ito. Ginawa lang po natin kung ano ang tama, napigil na po natin ang paglustay ng 934.1 million pesos, at lumalabas na kung susunod tayo sa tamang proseso ay nasa 600 million pesos lang ang dapat gastusin sa mga proyektong ito. Nabalik po ang pera sa kaban ng bayan na kung pinahintulutan natin ang maling sistema ay natapon na naman sanang muli. Hindi lang po sa mga kalsada: sa DOTC, pinigil natin ang pagwaldas ng isang bilyong piso. Sa Department of Agriculture, 30 million at least ang natipid sa spectrometer na gusto sanang doblehin ang presyo. Lahat po iyan naibalik natin sa kaban ng bayan.
Meron pa po. May proyektong inaprubahan ang dating administrasyon, huhukayin daw nila ang Laguna de Bay para palalimin ito. Ang sabi raw dadami ang isda. Mas makakaiwas daw sa baha. Mas madali daw makakaikot ang mga bangka. Tatanggalin daw ang mga pollutant doon po sa Laguna de Bay. Ang tanong ko, saan ililipat ang lupa? Ang tatanggalin sa Laguna de Bay, itatambak lang din pala sa ibang bahagi ng Laguna de Bay. At magkano naman po ang uutangin ng gobyerno para rito? 18.5 billion pesos lang naman po. At pareho rin ang kuwento: Tila hindi na naman dumaan sa tamang proseso ang pag-apruba sa kontrata. Hindi natin dadaanin sa madaliang hokus-pokus ang proyektong ito. Pag-aaralan natin ito nang husto at sisiguruhing hindi masasayang ang pondong gagamitin para rito.
Napansin n’yo po ba, pati ‘yung weather forecasting gumanda? Napansin n’yo po ba na hindi na paulit-ulit ang mga mensahe ng PAGASA? Ngayon po, nakatutok na at mas malaman ang mga weather bulletin natin. Ang dating intermittent rainshowers across the country, ngayon, sasabihin na uulan sa ganitong lugar nang ganitong oras, delikadong lumabas.
Tama po na hindi pa kumpleto ang equipment natin. Pero ngayong nagsimula na po tayong magtrabaho, kakaunti na lang ang kulang na kagamitan. Maling sistema at maling palakad ang nangligaw sa pagtataya ng panahon. Ang mga update dati na dumarating kada anim na oras, kada oras na ngayon kung dumating. Marami po tayong binago sa PAGASA, at kasama na po rito ang bulok na sistema.
Nakita naman po natin ang katakut-takot na problemang minana natin, pero hindi po tayo natinag. Naisasaayos natin sa loob lamang ng isandaang araw ang hindi nagawa ng dating administrasyon sa loob ng tatlong libo, apat na raan, apatnapu’t walong (3,448) araw.
Hininto na po natin ang pagkatagal-tagal na sistema kung saan itinuloy nang itinuloy ang mga proyekto na walang sumisiyasat kung angkop ba o kung may katuwiran ba ang mga ito. Isinulong po natin ang zero-based budgeting. Ang sabi po namin, isa-isahin natin iyan. Kung hindi mo mapatunayang may saysay ka pa, tigil na ang ginugugol ng bansa sa iyo.
Ang mga Agricultural Input Subsidies na lalo lamang nagpayaman sa mayayaman na habang binalewala ang mga mahihirap; ang mga programa tulad ng Kalayaang Barangay at Kilos-Asenso na hindi naman inilatag nang malinaw kung ano ang prosesong dapat daanan, at kung saan napunta ang pera—inilipat po natin ang pondo ng mga ito tungo sa mga programang napatunayan nang nakakatulong sa taumbayan. Humigit-kumulang na labing-isang bilyong piso pa po ito na magagamit at mas mapapakinabangan natin lahat.
Sa edukasyon, kalusugan, at pag-ahon sa kahirapan po natin itinutok ang pondong natipid natin. Mula 175 billion pesos, umangat ang budget ng DepEd sa 207.3 billion pesos. Gugugulin po ito upang makabuo ng 13,147 bagong classroom, at ng sampung libong bagong teaching positions. Sa DoH, umangat mula 29.3 billion pesos ang budget papuntang 33.3 billion pesos, upang mapatatag ang National Health Insurance Program. Sa DSWD, lagpas doble na po ang budget, galing 15.4 billion pesos papuntang 34.3 billion pesos.
Ang punto po natin dito: Walang maiiwan. Hindi po tayo papayag na yayaman ang iilan habang nalulunod sa kahirapan ang karamihan.
Kaya nga po natin pinatatatag ang Conditional Cash Transfer Program. Salbabida po ito para sa mga nalulunod nating kababayan, upang makapunta na sila sa pampang ng pagkakataon at pag-unlad. Lampas doble po ang bilang ng mga pamilyang matutulungan ng Conditional Cash Transfers, mula isang milyong pamilya sa ngayon, tungo sa kabuuang 2.3 million na pamilya sa 2011.
Patuloy po ang ating tema ng pagbibigay ng lakas sa taumbayan. Dahil na rin po sa panunumbalik ng tiwala sa gobyerno, nabiyayaan ang KALAHI-CIDSS program ng dagdag na 59.1 million dollars—halos tatlong bilyong piso—mula sa World Bank. Sa programa pong ito, dadami pa ang komunidad na magkakaroon ng kuryente, kalsada, at malinis na tubig—mga proyektong ang taumbayan mismo ang nagpaplano at nagpapalakas.
Paulit-ulit po nating ididiin: trabaho ang pangunahing agenda ng ating administrasyon. At marami pong magandang balita ukol dito.
Lampas dalawang bilyong dolyar ang papasok na pera sa ating bansa mula sa mga foreign investors. Direkta po itong magbibigay ng 43,600 na trabaho sa mga Pilipino. Simula pa lamang po iyan: Kung hindi natin sila papadaanin sa butas ng karayom, makukumbinsi pa po silang magnegosyo rito, at madadagdagan pa ang mga trabahong nalikha.
At manganganak pa po ng manganganak ang mga trabahong ito. Halimbawa, sa call center, kailangang panggabi ang trabaho. Kailangang magbukas ng kapihan, ng fastfood, ng mga convenience store. Hindi bababa sa dalawandaang libong bagong trabaho ang malilikha pa—kahit hindi ka marunong mag-computer, may pagkakataon ka sa dagdag na mga trabahong ito.
Trabaho din po ang idudulot ng mga Public-Private Partnerships na patuloy nating isinusulong. Nagtayo na po tayo ng PPP Center, kung saan ang mga gustong malikahok sa pagbabago ay mapapasailalim sa tapat, malinaw, at mabilis na proseso. Mula sa pagpapahaba ng mga LRT Lines, hanggang sa pagpapatayo ng bagong paliparan na tutulong sa turismo, hanggang sa mga eskuwelahan na itatayo sa buong sambayanan, magsisimula na po ang bidding para sa mga ito sa loob ng mga susunod na buwan.
Kinikilala na ng pandaigdigang merkado ang pagtatag ng piso. All-time high po ang ating Gross International Reserves na umabot na sa 52.3 billion dollars noong ika-dalawampu ng Setyembre. Ang dati rati’y parang imposibleng maabot na Philippine Stock Exchange Index na 4,000, nalampasan natin. Kahapon lamang po, all-time high na naman ito na umabot sa 4,196.73 points. Ipinapakita nito ang kompyansa sa ating ekonomiya, sa ating mga mamamayan at sa ating pamahalaan. Kabilang na po ang ating PSE sa mga best-performing stock market sa buong Asya. At habang lumalakas ang piso at lumalago ang ekonomiya, steady lang naman po ang mga presyo ng ating mga bilihin. Handang-handa na tayo po talaga sa pag-unlad.
Lahat po ito nagawa natin dahil nakasandal ang gobyerno sa inyong tiwala. At umaapaw na rin po ang tiwalang iyan sa buong daigdig.
Dalawang ulit na pong nag-apply ang Pilipinas para sa Millenium Challenge Corporation Grant. Sa unang tatlong buwan lang po ng administrasyon natin napaaprubahan ito. Ang sa kanila lamang po, aminado silang hindi natin maiwawasto agad ang lahat ng problema, pero naniniwala silang patungo na tayo roon. Sabi nila, gusto namin kayong matulungan para maabot ang inyong mga pangarap, heto ang 430 million dollars.
Pati po ang mga international organization tulad ng OECD, tinanggal na tayo sa listahan ng mga bansang kumukupkop ng mga tax evader. Maaari na tayong makakuha ng impormasyon na makakatulong sa paghuli sa mga tax evader na isinasagawa na po ng BIR.
Dahil na rin po sa panibagong tiwalang nangingibabaw sa pamahalaan, dumadami ang mga tumutulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tip tungkol sa katiwalian. Sumasaksi sila sa maling pangyayari, para makatulong sa ating paghahabol ng demanda. Halimbawa, sa bagong-tayo na Pera ng Bayan website, isa-isa nang lumilitaw ang mga taong makatutulong sa atin upang tugisin ang mga smuggler at tax evader.
Ibinabalik ng mga hakbang na ito ang kumpiyansa ng daigdig sa Pilipinas. Nagkakaisa nang muli ang ating lipunan, at ang nananatili na lang na parang sirang-plaka na paulit-ulit ang reklamo ay ang mga gustong bumalik sa poder upang ituloy ang kanilang ligaya na nagmumula sa ating pagkaapi.
Sila na nga ang nagdulot sa atin ng mga problemang pinapasan natin ngayon, sila pa ang may ganang bumanat nang bumanat sa atin. Papansinin ba ninyo sila? Magpapalinlang ba kayo muli?
Hindi po kami nagbibiro sa pagtahak sa tuwid na landas. Kayong mga mali ang palakad at pinipinsala ang mga kababayan natin, may taning kayong lahat.
Ito pong mga problemang pinangako nating solusyonan, tatlong buwan pa lang nakikita na ninyong nabubuo ang solusyon. At ang inyong tiwala po ang pundasyon ng lahat ng ating naabot sa loob lamang nitong tatlong buwan ng panunungkulan.
Mula pa noong kampanya, ibinato na po sa atin ang lahat ng puwedeng ibato sa loob at labas na yata ng Revised Penal Code. Pati po ang buhok natin ginawang isyu. Dahil siguro binata pa tayo, hindi na tayo binigyan ng honeymoon. Gusto talaga tayong gibain ng mga taong nais mapanatili ang lumang sistema, kung saan para silang mga dambuhalang buwayang nagpapakasasa sa kaban ng bayan.
Binabatikos lang naman po tayo dahil may iilan na naghahanap ng paraan para magpatuloy ang siklo ng mali. Alam din naman po nila ang tama, hindi pa nila maatim gawin. Mayroon po talagang mga nag-aambisyon na makabalik sa poder, nag-aambisyon na panatilihin ang sistemang sila lang ang nakikinabang, mga kapit-tuko sa puwesto na nakikinabang sa lumang sistema—mga taong gusto lamang ituloy ang kanilang ligaya, habang binabalewala naman ang sakripisyo ng taumbayan.
At tayo naman po: tuloy na tuloy ang laban. Hindi po tayo titigil.
Kung mayroon po tayong pagkukulang, ito marahil ay ang hindi natin naging kaugalian na ipamalita ang mga tagumpay na ating nakamit. Mas binibigyan natin ng halaga ang paghahanap ng mga paraang makatutulong sa ating mga kababayan. Kitang-kita naman po ng taumbayan ang resulta ng ating pagtatrabaho: talagang nakagagalak ng puso itong satisfaction rating na seventy one percent. Natural po, sa inyo ang tagumpay na ito—sa bawat Pilipinong nagtitiwala at nakikilahok sa ating agenda ng pagbabago.
Ang patuloy ko pong panata: Hindi tayo titigil. Habang dumarami tayo sa tuwid na landas, dumadali naman po ang tungkulin nating itama ang mali.
Hinding-hindi po tayo titigil sa tuwid na landas. Unti-unti na pong natutupad ang ating mga pangarap.
Maraming salamat po. Magandang umaga sa lahat.
He has not addressed the main problems
P-Noy's speech is so typical of a politician. Only this time, it's so hard not to see that he does not have real solutions to creating jobs for the unemployed. P-Noy's gaffes and error of judgement overshadow his achievements
Please read this article:
http://antipinoy.com/p-noys-first-100-days-achievements-that-fail-the-so...
ok..fine!
okay fine! maganda ang sinabi ng ating bagong pangulo puros magagandang plataporma at achievements ang mga nabanggit nya...sana nga ipagpatuloy nya ang kanyang magandang adhikain sa bayan pero sana man lang bigyan nya ng pansin ang kita ng mga OFW na ang karamihan ay siya lamang ang inaasahan... mahirap ang malayo sa pamilya...mahirap na hindi kasama ng mga bata ang kanilang mga magulang dahil ang kanilang mga magulang ay nagtatrabaho sa ibang bansa para sa kanila.. mahirap din sa isang asawa na malayo sa kanyang asawa karamihan ay nagiging dahilan pa eto ng pagkawasak ng pamilya...
sana man lang mabigyan nya ng pansin kung papano matutulungan ng gobyerno ang mga pamilya ng OFW...hindi ba't ang mga OFW ang may malaking naitutulong sa ating ekonomiya pero bakit ganun nagpapakahirap sila duon pero kakarampot na pera na lamang ang natatanggap ng kanilang mga pamilyang naiwan dito sa Pilipinas dahil sa bagsak na peso at mababang palitan ng piso sa dolyar....
Kung gusto mo namang magtayo ng maliit na negosyo madaming kailangang rekisitos para lamang makapagtayo ka ng maliit na sari-sari store at kailangan mong magbayad ng TAX kahit na sabihin mong barya barya lang naman ang kinikita mo..
DINGGIN MO NAMAN MR. PRESIDENT ANG HINAING NAMIN!
trabaho ng mga tao!
DISKRIMINASYON SA TAONG MAY TATTOO SA KATAWAN
Ang mensaheng ito ay hindi lamang sa isang katulad ko, para din ito sa buong Pilipino na may karapatang mabuhay ditto sa ating bansa. Isa lamang akong hamak na mamamayan. Nanggaling ako sa malayong probinsya, nag-aral doon tapos hindi nagtagumpay dahil sa maraming sagabal at dahil na rin sa mga barkada sa siyang isa sa mga dahilan kung bakit nawalan ako ng gana. Noong elementary pa ako ay Masaya kaming namumuhay at nag-aaral ng mabuti. Lima kaming magkakapatid, apat ang lalaki at isa lang ang babae, pangapat ako, lahat sila ay may kanya-kanyang ng pamilya. Namatay ang itay ko noong nasa grade 5 pa lang ako, sinikap ng inay ko na itaguyod kaming limang magkakapatid, hanggang sa nakapagpatapos siya ng tatlo yung pinakapanganay naming na civil engineer at nagging top 11 sa board exam noong 1999, sumunod ang kapatid kong babae na nagtapos ng komersyo at kasalukuyan ngayon nasa probinsya at may maliit na negosyo, kasunod ay ang katatapos lang mag-aral ang bunso naming kapatid na may kursong Accounting, at nasa isang pribadong establisyemento na ngayon. Nang makapagtapos ako ng elementary ay nagdadalawang isip ako kung makapagpatuloy pa ba ako sa aking pag-aaral sa mataas na paaralan at sa sikap ng aking ina ay nakapagpatuloy naman,ngunit noong nasa second year na ako ay nahinto ako gawa ng wala nang magamit panggastos, kayak o naisipang humanap ng pagkakakitaan,sinubukan kong maghanap-buhay at nasumpungan ko ang aking hilig,(drawing) kasama ang kaibigan ko na mahilig ding magimbento na kung anu-ano, kaya pumasok sa isipan naming na magtatattoo nalng kami ,yun ay ginawan nya ako ng isang makina na pantattoo, mula noon ay nagkaroon ako ng kita dahlia ng isang disenyo ay pumapatak siya ng 200 bawat isa depende pa rin ito sa laki at mga ilalagay na kulay nito.naging hilig na rin niya ito hanggang ngayon.di kalaunan ay nagpalagay kami ng tattoo sa katawan, kaming dalawa kong kaibigan para na rin Makita ng mga kliyente naming kung anong klase na disenyo ang ginagawa naming. Nagtapos ako sa mataas na paaralan at panibagong problema na naman ang hinaharap ko ngayon kung papano ako makakapasok sa kolehiyo. Nagpasya na lang akong lumuwas sa maynila upang makaipagsapalaran. Pagkadating ko sa maynila ay nakahanap naman ako ng trabaho sa isang pinakasikat na fast food ditto sa ating bansa at service crew ako dun. Halos dalawang taon din akong namalagi dito sa maynila, napansin ko na noon pa na ang mga kasama ko sa trabaho ay may mga tattoo sila sa katawan at yung iba ay wala, pareho nang nasa aking ay hindi rin kita. Nung matapos ako sa aking kontrata ay nagapply ako sa ibang kumpya subalit doon nagumpisa ang kalbaryo ko dahil may tattoo ako. Kaya nagpasya nalang akong umuwi nalang sa probinsya upang tapusin ko ang pag-aaral ko , sa kasawiang palad ay nabigo na naman ako kaya bumalik na lang ako sa maynila ulit upang makipagsapalaran ay nakapagtrabaho ako sa isang tindahan ng mga kumpyuter sa may bandang Fairview at tumagal din ako ng anim na buwan doon, pagkatapos doon ay napadpad ako sa bandang timog na Luzon kung saan matatagpuan ang mga malalaking pagawaan ng mga sikat na produkto na siyang ginagamit natin sa pang araw-araw na buhay. Doon din sa lugar na iyon ay nakatira ang dalawa kong kapatid at may sarili silang negosyo ay ako ang inaasahang mamahala ditto.ilang buwan lang itong nanatili dahil nagsara ito sanhi ng panloloko ng kasama namin sa trabaho.hanggang sa naisipan ko nalng na mag-apply sa ibang kumpanya at umasa akong makapasok dito dahil kung pagbabasehan ang pinagdaan ko ay maraming beses akong namahala ng maraming tao, dahil nagging pangulo ako sa isang organisasyon ng mga kabataang may hangad ng magandang kinabukasan napasailalim kami sa ahensya ng gobyerno na DOLE, sa kompyuter umabot dina ko sa 4th year na may kursong Bachelor of Science in Information technology at may basic knowledge sa computer hardware and software, nagging tagapamahala din ako sa kumpanya ng mga kuya ko (tagapasahod,tagaayos ng mga resibo,tagareport,tagacheck etc). nabigo ako ng nga ilang beses na pagpasa ng resume sa malalaking kumpanya dahil halos lahat ng kumpanya na binigyan ko ay di sila tatanggap dahil daw may tattoo ako kahit na sa mga pinagkakatiwalaan nilang ahensya na tagabigay ng mga trabahador nila. Ilang beses kong tinanong sa isip ko o kahit na kanino kung bakit ganun ang kanilang patakaran at anong basehan nila kung bakit di sila tumatanggap ng trabahador na may tattoo? Ano basehan nila? Masakit man isipin na kagaya ko na may maayos na record at walang krimen na ginawa ay hindi makakapasok ng trabaho dahil sa taglay na patik sa katawan. Kaya ko ginawa ang artikulo na ito upang mabuksan ng maigi ang mga nasa kinaukulan at magkaroon ng bagong pagasa ang mga taong kailanman ay nahahangad ng magandang kinabukasan. Kung patas lang sana ang ginawa nila ay hindi sana aabot sa ganito na may maraming pa ring tao na walang hanapbuhay, bakit ko nabanggit ang patas? Dahil kung titingnan mo ang mga kilalang tao na may patik din sa katawan.sa tingin mo kaya? Bakit sila pinapayagan ng ahensiya ng gobyerno na lumabas ng bansa gayunpaman ay may mga piling bansa na hindi pwede ang makapunta ang OFW kung ito ay may patik sa katawan, kagaya nalang nga bansang Saudi, dati hindi pinapayagan ng gobyerno ang pumunta doon kung may patik ka sa katawan,buti nalng ngayon ay binago na ito ng gobyerno ng Saudi. Kaya hindi nagging patas ang resulta dahil ang mga banyaga ay pinahihintulutan natin na makapasok sa ating bansa kahit sila ay ballot na ballot pa ng tattoo sa katawan.tapos tayo ay hindi pwedeng pumunta sa lugar nila. Hindi rin patas diba?kasi kilala silang tao?pareho din sa ibang Pilipino nga humangad ng magandang trabaho ngunit hindi pwede kasi may patik sa katawan.o kaya hindi makalabas ng bansa dahil hindi kilala,ganun ba yon? Wala naming ginawang krimen at wala ring naman sakit?anong kaibahan dun sa taong sikat?ang pagkasikat lang diba?saan yung patas dyan? Kapag natanggap ka sa trabaho ay hihingan ka ng requirements gaya ng NBI, Brgy. Clearance, Police clearance, Medical Certificate. Kung ako ang tatanungin niyo kung para saan at ano ang gamit nito sa buhay ng tao. Ang Brgy. Clearance sa pagkakaalam ko ay dapat manirahan ka sa isang barangay ng hindi bababa sa anim na buwan at kung maaari ay lagpas pa ito ay makikita din dyan kung ano ang partisipasyon mo sa barangay, kung may nagawa ka bang kalokohan o kahit ano na nakakasira ng iyong reputasyon; ang Police clearance atNBI ay siyang mabisang reperensiya upang malalaman kung may kso ka ba o wala ditto sa loob ng ating bansa, ang Medical Certificate ay nagpapatunay kung ikaw ba ay naluluong sa Droga o kaya ikaw ba ay may nakakahawang sakit o kaya kung may diperensya ka sa utak o sa katawa. Iilang lamang yan mga mga hinihingi kapag ikaw ay maguumpisa na sa trabaho. Ang kinalilituhan ko lang kun gbakit hindi nla tatanggapin ang taong may tattoo sa katawan gayunpaman ay wala naman itong nakakahawang sakit at malinis din ito sa awtoridad, walang kaso, walang krimeng ginawa, bakit ?wala na bang silbi ang mga sinasabi kong requirements kung sa patik sila magbabase kung bakit ayaw nilang tanggapina ng isang naghahanap ng ikabubuhay?nasaan ang hustisya dyan?saan nila mababasa yan?kahit sa Philippine Institution ay wala silang Makita, kahit sa Batas na hinain ng mga mambabatas wala silang basehan dahil hindi patas ang ganyang patakaran. Bago nila tingnan ang panlabas na anyo dapat sinuri muna nila ang nasa loob nito at kung ano ang background nito. Masakit isipin na ang taong may tattoo ay hindi na makahanap ng matino at disenteng trabaho, kagaya nalang ng mga bagong labas sa piitan na may planong magbagong buhay at yung mga walang kasalanan na napagbintangan lang, hindi maiwasan a wala silang tattoo paglabas nila sa piitan dahil na rin sa pakikisama nila sa loob, nakit ang kagaya nila ganun din ba nag kahihinatnan sa paghahananp nila ng trabaho? Kaya marami ang bagong laya ngayon nga ganun pa rin ang ginagawa dahil alam nila sa sarili nila na wala nang tatanggap sa kanila dahil nga ex-convict sila ay may maraming tattoo sa katawan. Bagama’t yung iba ay may mga pinag-aralan naman, maraming nagging istambay dahil nawalan na nag pag-asang makapahanapbuhay dahil sa tattoo nila, kaya diskarte nalng , yung iba tricycle driver,laborer at may maliit na negosyo dun sa may mga ipupuhunan, eh pano nalang ang walang puhunan?pano yung may malawak na kaalaman ay kuntento nalang sa laborer dahil nga wala nang tatanggap na trabaho dahil EX-convict nga at maraming tattoo sa katawa. Pano yung gusting magka-abroad? Bakit ang mga dayuhan pag pumupunta sila dito sa pilipinas ay halos puno ang katawan nila ng tattoo tapos di natin pinipigilan?para sa turismo?oo tama yan dagdag kita natin yan kaso nga lang ang mga taong may tattoo ay hindi nakinabang sa kagandahan ng kalikasan ay katiwasayan sa buhay. Sinikap ng gobyerno natin na nakapamigay ng maraming trabaho sa bawat Pilipino para hindi na pupunta pa sa ibang bansa ngunit hindi alam ng nakakataas na hindi lahat nabigyan ng trabaho dahil sa patakarang walang basehan. Kung iisipin nating ang iba, ang tingin nila sa ibang Pilipino ay tamad, kaya sila nagging tamad ay may nauudyok na maging tamad sila. Hindi lahat gusto maghirap at kung susubukin lang natin ang lakas at talent ng bwat Pilipino ay subok na ito, mapamaraan at madiskarte sa buhay subalit hindi nga lang lahat, ang iba ay nawawalan ng pagasa dahil narin sa anong meron sila na siyang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin silang matinong trabaho puro illegal dahil pinaninindiganan na rin nila sa kanilang sarili na dahil sa tattoo na ito ay di na ako makakahanap na matinong trabaho.kalimitan pero ang iba sige pa rin ng sige. Kagaya nalang sa pinakamalaking department store ditto sa ating bansa, hindi sila tatanggap ng mga tao na may tattoo, bakit ano basehan nila? Ang pagkakaalam ko lang na bawal na patik ay yung letra,numero, at yung hayop na makamandag, subalit may kaibahan ito sa ibang patik, sining ang tawag dito na nagpapahiwatig sa kalayaan ng tao nagumawa ng sariling disenyo sa katawan bagama’t marumi o pangit tingnan ng iba pero nananatili pa rin angpagkamalikhain ng bawat Pilipino. Angmga katutubo na ang isa sa mga tradisyon nila ang magpapalagay ng patik sa katawan nila, satingin nyo kaya wala din ba silang karapatang maninilbihan sa malalaking siyudad? Kaya ko nasabi na walang karapatan ay dahil sa panukala ng mga ibang istablisyemento na hindi sila tatanggap ng may tattoo sa katawan.hindi namn lahat ng tindahan pero kalimitan ito sa malalaking kumpanya.lalung-lalo na sa bandang timog ng Luzon kung saan matatagpuan ang maraming pagawaan. Sa paraan ganito sana ay mabuksan ang panig naming at mapakinggan ito.dahil gusto rin naming umasenso sa buhay. Maaari may mga mali sa mga nabanggit ko sa itaas pero ang punto ko lang ay hindi porke at may tattoo na ang isang tao ay masama na ang tingin ng lahat? DISKRIMINASYON BA? Sana maisabatas to na ang taong hindi tinanggap dahil sa tattoo ngunit may sapat na kaalaman at kakayahan naman, para ang hindi lahat ng nasa aba ay patuloy sa pagiging aba..maaari nyo akong ikontak sa email ko mycitizen_82@yahoo.com sa numero ko +639237028679. Salamat sa pagbasa!
It is nice to hear great
It is nice to hear great news, that is one thing this administration is doing right, keep sending out positive information and bring up hope for the people.
As citizens, while riding with the government on the positives, we must also be critical and vigilant. Here are few things we must remind the President of:
1. The country remained an agricultural economy, and it had been shrinking in the past few years, and it is getting a smaller budget next year while agrarian reform is still almost at a stand still, we remain to see what this administration is or will be doing for this sector.
2. More than 10% (with average family size of 5, that may just affect more than 40% of the population) of our population are now OFWs, their hard earned money is what fuelling our economy more than most of any other sectors in the economy, we had never heard from the President what are the programs in their support, specially at this time when their earnings sent home for their families are shrinking due to Dollar depreciation and DFA budget for their assiatnce are being cut.
3. Climate change had been raking havoc on us with drought and floods, illegal logging, massive mining, CO2 emission and other environmental pollution (air, water, noise - from vehicles, soil erosion, etc.), what is this administration doing to minimize or reverse these?
4. Peace and order situation still need much work. In the past 100 days, there are 16 reported extrajudicial killings, there is the August 23 hostage incident, there is the DLSU blast, there is the gang rape of volunteer nurse and other persons, there is the killing of judge in the north...
I am not going to negate the achievements of the administration, but there are few things in the report I think must also be looked at a different light too so to keep us in a better position to make sound judgements.
1. CCT budget for DSWD may also be viewed as simply a policital investment, it may just teach more people to be lazy and wait for government dole-outs instead of giving them tools and opportunities and incentives to find work and make money. In the long run, these will be come more of a burden to the government and the society. It may also become a source of corruption too.
2. There is a sentiment of uncertainty for the US and EU economy, thus portfolio investments and speculators are putting their money in Asian markets. To wit, almost all of the Asian economies are experiencing the surge in stock market and currency value (vis-a-vis USD). Therefore government should not take too much credit for it but instead must be on guard against it because once the trend is reversed (it may happen soon or took a long long time), we might end up worst than where we had started.
3. The investement that had been subject of much bragging must also be reevaluated too. Personally I find that $2B of it will do more harm than good to us in the long run. The investment from coke is only to increase their local presence, in a market that is already saturated with products containing too much glucose. Setting the huge number of obesity, diabetic, and different health problems the government will be left to handle in the long run aside, where will the economy get money to buy and consume their products? Now, coal may be the cheapest and most economical fuel for power generation, but it is also the most polluting and its cost will increase with time simply because it is also a form of fossil fuel. What we need most are investments that will be making products or services for foreign markets.
4. Taking from latest tax evation case from the BIR, I feel that more business will be closing their doors now, because they are forced to be tax evaders by the logic of thinking of the BIR. I personally know many cities and municipalities having unwritten rule of the businesses within their jurisdiction must have a certain percentage of increase in LGU declaration and payment in order to secure renewal of Mayor's permit, sort of highway robbery because they simply does not care if the business is doing good or loosing money or did they bother to check the financial statements. If the BIR is going to match the payment records from the LGUs with the real financial statements submitted to the agency, there will be a lot of problems.
Stay The Course
Ignore the doubting Thomases, stay the course. Keep your eyes on the right path. God be with us Mr. President.