
Ikinasa na ng Department of Health ang mga patakarang susundin sakaling may hinihinalang kaso ng A(H1N1) sa mga paaralan. May limang bagong kaso ng A(H1N1) ngayon, kaya umabot na sa 21 ang mga kumpirmadong kaso sa bansa. Nagpapatrol, Jing Castañeda.
06/01/2009 11:29 PM
Mukhang mas lumala ang problema sa kakulangan ng mga classroom sa mga pampublikong paaralan. Kaya naman kung anu-ano na ang ginagawa ng mga eskwelahan mapagkasya lang ang kanilang mga estudyante. At isa riyan ang pagkakaroon ng klase kahit gabi! Mula sa Quezon City, nagpapatrol, Timi Nubla.
06/01/2009 11:26 PM
Pasukan na naman po sa mga eskwelahan. At kanina, halos 20 milyong estudyante sa public elementary at high school ang nagbalik-eskwela. Pero hindi lamang sa lesson plans naging busy ang DepEd, kundi pati na sa pagtuturo ng mga paraan para maka-iwas sa sakit. Mula sa Pasig City, nagpapatrol Niña Corpuz.
06/01/2009 11:22 PM
Protesta naman ang salubong ng ibang mga guro sa unang araw ng pasukan. Iginiit nila sa Kongreso ang P9,000 na dagdag sa kanilang sweldo. Nagpapatrol, Adrian Ayalin.
06/01/2009 11:22 PM
MATAAS NA KAHOY, BATANGAS – About 700 alternative learning system (ALS) mobile teachers have undergone a four-day basic survival training program to equip themselves to face the challenges of working in remote areas of the country.
By Arnell Ozaeta, ABS-CBN Southern Tagalog 05/31/2009 11:42 PM
Dahil sa taas ng matrikula ngayon, pinag-aaralan na ng Quezon City government ang pagtatayo ng tatlong community colleges para matulungan ang mga kapos pero matatalinong estudyante. Pero para makatipid itatayo na lang ito sa pasilidad ng mga high school buildings ng lungsod. Nagpa-Patrol Israel Malasa. TV Patrol Linggo, Mayo 31, 2009
05/31/2009 11:30 PM
Para agad matugunan ang mga magiging problema sa pagbubukas ng klase bukas, pinapapasok ng maaga ng DepEd ang mga district school superintendent. Tinatayang mahigit 19 na milyong estudyante ang magbabalik-eskwela bukas. Nagpa-Patrol Atom Araullo. TV Patrol Linggo, Mayo 31, 2009
05/31/2009 10:30 PM
Marami rin ang ayaw nang makipag-siksikan sa Divisoria, kaya sa mga mall na nag-last minute shopping para sa pagsisimula ng klase bukas. Nagpa-Patrol Pier Pastor. TV Patrol Linggo, Mayo 31, 2009
05/31/2009 10:30 PM