BMPM Reports

Submitting poll-related citizen reports made easy

 Sa darating na halalan, mas lalo pang pinadali ang pagre-report ng mga anomalyang makikita ninyo sa inyong lugar.

Personality dev't teacher caught on video hitting student

Pinaghahampas at pinagbubulyawan ng college professor ang estudyante sa Pasay City. Nakunan ng video ng Bayan Patroller ang pangyayari at kumakalat na ito ngayon sa Internet. Nagpa-Patrol, Niña Corpuz. TV Patrol, Enero 8, 2013, Martes

Busted pipe triggers 'flood' in Muntinlupa

Inireklamo ng isang Bayan Patroller ang tumatagas na tubo sa Muntinlupa. Nagiging sanhi na raw ito ng pagbabaha sa kanilang lugar. Sa video na ipinadala ni Robert Cortes, kitang-kita ang pagbulwak ng tubig dahil sa sirang tubo. Reklamo ng Patroller, bumabaha tuloy sa kanilang lugar. Agad inilapit ng BMPM sa Maynilad ang reklamo. Umaksyon naman ang kanilang tanggapan at inayos ang nasirang tubo. Kaya ngayon, tumigil na ang pagbulwak ng tubig. Mga Kapamilya, makibahagi sa Bayan Mo, iPatrol Mo. Mag-email sa ireport@abs-cbn.com o mag-post sa Bayan Mo, iPatrol Mo Facebook at sa Twitter account na @bayanmo. TV Patrol, Enero 2 2013, Miyerkules

Bayan Patrollers honor Pinoy Christmas traditions

Isang bersyon ng ABS-CBN Christmas station ID na “Kwento ng Pasko” ang ipinadala ng isang Bayan Patroller. Ipinakita nila kung paano nila ipinagdiriwang ang kanilang Pasko sa Batangas. Nagpa-Patrol, Niña Corpuz. TV Patrol, Disyembre 18, 2012, Lunes

ABS-CBN inks deals with UP, React-PH for 2013 elections

Sa darating na 2013 elections, makakatuwang ng Bayan Mo, iPatrol Mo ang ilan sa malalaking organisasyon at unibersidad.

3,000 students register as Bayan Patrollers in Baguio

Dumagsa ang 3,000 estudyante mula northern Luzon sa Camp John Hay, Baguio City. Para ito sa National Youth Convention kahapon kung saan kasapi ang Bayan Mo iPatrol Mo. 

Bacolod students are new Bayan Patrollers

Libu-libong estudyante ang pumirma bilang Bayan Patroller sa Bacolod City noong Biyernes. Itinaon sa anibersaryo ng Maguindanao massacre ang paglunsad ng Bayan Mo, iPatrol Mo roon. Mula Bacolod, nagpa-Patrol si Romeo Subaldo. TV Patrol, Nobyembre 26, 2012, Lunes

Students complain of unfinished school construction

Iniulat ng ilang Bayan Patroller sa Ubay, Bohol ang kalagayan ng eskuwelahan nilang walang pader. Abril pa nang simulang itayo ang eskuwelahan at kahit hindi pa tapos ang classrooms ay pinagagamit na ito sa mga estudyante. Nagpa-Patrol, Niña Corpuz. TV Patrol, Oktubre 11, 2012, Huwebes