BMPM Reports

Clogged sewers irk Bayan Patrollers

Ngayon nagsimula na ang tag-ulan, binaha ng reklamo ang Bayan Mo, Ipatrol Mo ng mga baradong kanal na nagiging sanhi ng pagbaha sa kani-kanilang lugar.

Bayan Patrollers fed up with 5-year flooding in Pasay

Mahigit 5 taon nang tinitiis ng mga residente sa Pasay City ang baha sa kanilang lugar. May ulan man daw kasi o wala, hindi pa rin nawawala ang baha sa Jupiter Street sa Pasay City. Ito ang problemang inilapit sa Bayan Mo Ipatrol Mo. Nagpa-Patrol, Sol Aragones. TV Patrol, Lunes, Agosto 2, 2010

Dirty water, latest problem of Metro folk

Bumalik na ang normal na supply ng tubig sa Metro Manila, pero may panibagong reklamo ang ilang Bayan Patrollers: ang maruming tubig na lumalabas mula sa kanilang mga gripo! Nagpa-Patrol Atom Araullo. TV Patrol, Biyernes, Hulyo 30, 2010

Bayan Patrollers report damaged Molino Blvd

Apat na Bayan Patrollers ang nagsumbong sa Bayan Mo Ipatrol Mo tungkol sa iisang problema! Ang kalbaryo nila sa baku-bakong daan sa Molino Boulevard sa Cavite! 

Hospital dump disrupting classes in Bulacan

Nangangamoy na basura ng ospital ang idinulog ng Bayan Patroller mula Bulacan State University! Hirap daw silang tumutok sa klase dahil sa umaalingasaw na basura! Nagpa-Patrol Sol Aragones. 

More reactions of Bayan Patrollers to Aquino SONA

Hati ang opinyon ng mga Bayan Patroller sa unang SONA ni Pangulong Aquino kahapon.
 

Bayan Patrollers react to SONA

Gaya ng daan-daang Bayan Patrollers, tinutukan din ng mga residente sa Payatas, Quezon City ang mga salitang binitiwan ng Pangulo sa kanyang SONA! Bagamat may mga nadismaya, mas marami pa ring natuwa matapos marinig mismo sa bibig ng Pangulo ang mga bagay at isyu na nais nilang idulog! Nagpa-Patrol Sol Aragones.

Bayan Patrollers: Aquino’s SONA should contain...

Pinulsuhan ng Bayan Mo Ipatrol Mo ang mga nais marinig ng publiko sa kauna-unahang SONA ni Pangulong Noynoy Aquino. Anu-ano nga ba ang lumutang na hiling at hinaing ng mga Bayan Patroller? Iyan sa pagpa-Patrol ni Sol Aragones. TV Patrol, Biyernes, Hulyo 23, 2010