Bandila

Grace Ibuna on Iggy's last will

Posibleng magkaroon ng legal showdown sa panig nina Aleli Arroyo at Grace Ibuna sa UK court. Lumilitaw na may Special Power of Attorney o kapangyarihan si Ibuna sa legal will ng namayapang si Congressman Iggy Arroyo kaugnay sa mana at mga hakbang sa kanyang mga labi. Dininig din kani-kanina lamang sa UK court ang pitong araw na pagpapahinto ni Ibuna sa pag-uwi ni Aleli Arroyo sa mga labi ng kongresista. At live mula sa London, magba-Bandila si Europe Bureau Chief Danny Buenafe. Bandila, Pebrero 10, 2012, Biyernes

Damaged roads still hamper quake aid

Matinding hirap ang dinaranas ngayon ng mga nasalanta ng lindol sa Negros Oriental dahil sa kakapusan ng pagkain at matinding hirap sa pagpasok ng tulong. Hindi tuloy maiwasang magkumahog ang ilang residente tuwing may darating na relief goods. Magba-Bandila si Nico Delfin. Bandila, Pebrero 10, 2012, Biyernes

Diarrhea outbreak threatens quake-hit Negros town

Hindi pa rin napupunan ang mga kumakalam na tiyan at tuyong lalamunan ng mga nilindol sa Negros Oriental. Sa bayan ng La Libertad, nagkasya na sa pag-inom mula sa ilog ang mga residente kaya ang resulta: marami na ang nagkaka-diarrhea. Kumustahin natin ang kanilang kalagayan mula kay Jeck Batallones sa Tayasan. Bandila, Pebrero 10, 2012, Biyernes

Genelyn Magsaysay tells all to Boy Abunda

Walang inang gugustuhing matulad sa pinagdaraanan ngayon ni Genelyn Magsaysay, ang ina ng napatay na aktor na si Ram Revilla. Nangungulila pa rin si Genelyn kay Ram habang patuloy na binabagabag sa pagkakasangkot ng iba pang mga anak sa kaso ng pagpatay sa sariling kapatid. Genelyn Magsaysay, trending na! Bandila, Pebrero 10, 2012, Biyernes

Bacolod 'Jam Step' eyes world record

Susubukan ng mga kababayan natin sa Bacolod City na makamit ang Guiness World Record sa pinakamaraming batang nag-e-ehersisyo nang sabay-sabay. Inilalaan ng organizers ang proceeds ng proyekto sa programang magtuturo sa mga taga-Bacolod kung paano haharapin ang mga sakunang gaya ng lindol. Bandila, Pebrero 10, 2012, Biyernes

Aphrodisiacs to heat up Valentine's Day

Sa mga naghahanap ng panregalo sa Valentine's Day, tiyak na mapapa-oo ang inyong nililigawan sa isang cupcake sa Amerika na nagkakahalaga ng mahigit P200 milyon. At sa mga may dinner date naman, alamin ang mga pagkain na pampagana raw pagdating sa pag-ibig. Ang patok na balita hatid ni Apples Jalandoni. Bandila, Pebrero 10, 2012, Biyernes

Tetchie Agbayani shares thoughts on Playboy shoot

Minsan na syang kinilala bilang "Mutya ng Pilipinas", gumawa ng ingay nang magpose sa isang men's magazine, nakipagsapalaran din sa ibang bansa at nagkaroon ng ilang pelikula sa Hollywood.  Bagama't pansamantalang nagpahinga sa showbiz para ituon ang atensyon sa pag-aral, siya'y nagbalik at bumida sa ilang mga palabas at pelikula gaya ng "Thelma", "Sa Dulo ng Walang Hanggan" at ngayo'y matutunghayan muli sa pelikulang "Unofficially Yours". Tetchie Agbayani, live! Bandila, Pebrero 10, 2012, Biyernes

World's shortest man to meet tallest man

Maghaharap na ang Pinoy na pinakamaliit na tao sa mundo at ang pinakamatangkad na tao sa mundo mula sa Turkey. Mangyayari ito sa Italya sa darating na Abril. Magba-Bandila si Rod Macenas.

Links