Halalan Videos

Helping people drove Dagul to run in polls

Matayog ang pangarap ni "Dagul" na tumakbo ngayong  kagawad sa Rodriguez, Rizal. Gustong patunayan ni Dagul na kulang man siya sa taas, malaki naman ang maitutulong niya sa paglilingkod sa bayan. Nagpa-Patrol Mario Dumaual. TV Patrol, Lunes, Oktubre 25, 2010

Why some people want to be barangay chairman?

Kakasuhan ng Comelec ang mga tumakbo bilang barangay chairman kahit na lumampas na sila sa itinakdang tatlong termino -  o iyong mga tinatawag na multi-termers.  Ayon sa Comelec, sa laki kasi ng kapangyarihan at pondo ngayon ng barangay marami na ang umaabuso at ayaw umalis sa puwesto. Nagpa-Patrol, Karen Davila. TV Patrol, Lunes, Oktubre 25, 2010

Polls delayed in thousands of barangays

Ipinagpaliban na ng Comelec ang botohan sa ilang lugar dahil sa mga na-delay na pagdating ng mga election paraphernalia. At dahil sakit ng ulo ang idinulot nito hindi lang sa mga botante kundi maging sa mga gurong nagbabantay sa polling precincts, inanunsyo ng DepEd ang suspensyon ng klase bukas! Nagpa-Patrol, Niña Corpuz. TV Patrol, Lunes, Oktubre 25, 2010

Candidates' supporters get physical in Lanao del Sur

Nauwi naman sa tensyon ang pagsisimula ng halalan sa Lanao del Sur nang tangkain ng isang lalaki na agawin ang balota. Live at exclusive, mula sa Marawi City, nagpa-Patrol, Roxanne Arevalo. TV Patrol, Lunes, Oktubre 25, 2010

Bullets rain on polling precinct in Maguindanao

Umulan ng bala at nagpaputok ng kanyon sa bayan ng Datu Salibo sa Maguindanao. Ipinagpaliban naman ng isang araw ang halalan sa bayan ng Datu Unsay dahil binarikadahan ang munisipyo ng mga kandidato ng oposisyon. Hindi kasi isinali ng dating election officer ang kanilang pangalan sa listahan ng mga kandidato. Exclusive at live mula sa Buluan, Maguindanao, nagpa-Patrol, Jorge Cariño. TV Patrol, Lunes, Oktubre 25, 2010

Chaos mars SK registration deadline

Nagkagulo sa registration para sa Sangguniang Kabataan at barangay elections kanina dahil maraming hindi pa rin nakapagpa-rehistro! Pero nilinaw ng Comelec: walang mangyayaring nationwide extension. Magbabandila si Pia Gutierrez. Bandila, Biyernes, Agosto 13, 2010

Media coverage of May 10 polls fair, says survey

Walang reklamo ang publiko sa media coverage noong halalan at sa unang buwan ng termino ni Pangulong Noynoy Aquino. Sa pinakabagong survey ng Pulse Asia lumabas din na ang ABS-CBN ang pinakapinagkakatiwalaan pag dating sa pagbabalita. Nagpa-Patrol, Jing Castañeda. TV Patrol, Lunes, Agosto 2, 2010

Paper supplier blacklisted after folder scam

Blacklisted muna sa Comelec ang OTC Paper Supply, ang kumpanyang sangkot sa umano’y ma-anomalyang ballot secrecy folder deal! Pinatupad na rin ng Comelec ang anim na buwang preventive suspension na ipinataw ng Ombudsman laban sa mga taga-Comelec na isinasangkot sa scam! Nagpa-Patrol Ina Reformina. TV Patrol, Biyernes, Hulyo 30, 2010

Links