Halalan Videos

Ordinary folk line up at Aquino house for jobs, financial help, photo ops

Mistulang may job fair sa bahay ng mga Aquino sa Times Street, Quezon Cty . Dumagsa kasi ang mga naghahanap ng trabaho doon. Meron ding humihingi ng sari-saring tulong mula kay president-apparent Noynoy Aquino. Nagpa-Patrol, Niña Corpuz. TV Patrol World, Biyernes, Mayo 28, 2010

Arroyo offers Aquino joint meeting between outgoing, incoming Cabinet

Aprubado na ni Pangulong Arroyo ang panukalang joint cabinet meeting sa pagitan ng kanyang gabinete at mga itatalagang opisyal ng bagong administrasyon. Layon ng pulong na mapag-usapan nang maayos ang pagpapalit ng gobyerno. Pero ang tanong, tanggapin kaya ni Senador Noynoy Aquino ang alok ng Palasyo? Nagpa-Patrol, Willard Cheng. TV Patrol World, Biyernes, Mayo 28, 2010

National canvass finally begins

Nag-umpisa na ang pag-canvass ng boto ng presidente at bise presidente matapos ang isa't kalahating sesyon ng debate. ‘Yon nga lang, inuna muna ang resulta mula sa ibang bansa na mano-mano ang botohan. At ang mga kuwestyon sa "technical glitches" sa automated na halalan -- ipinaubaya sa technical working group. Magba-Bandila si RG Cruz. Bandila, Mayo 27, 2010

5 Comelec ‘poll fixers’ arrested by NBI

Limang nagpakilalang miyembro ng Comelec ang inaresto ng NBI matapos alukin umano ng panalo ang Buhay partylist ni Brother Mike Velarde kapalit ng P10 milyon. Nagpa-Patrol, Maan Macapagal. TV Patrol World, Huwebes, Mayo 27, 2010

Pinoy voters ending reign of political dynasties?

Maraming malalaking pamilya sa pulitika ang natalo nitong nakaraang halalan. Nangangahulugan ba ito na unti-unti nang nabubuwag ang mga tinatawag na political dynasties? O mas nag-iisip lang talaga ngayon ang mga botante? Exclusive, nagpa-Patrol, Henry Omaga-Diaz! TV Patrol World, Huwebes, Mayo 27, 2010

Low discrepancy rate seen in initial result of manual audit

Kumpleto na ang random manual audit o mano-manong bilangan ng balota sa halos siyam na raang clustered precincts. Batay sa pinakahuling status report ng random manual audit, lumalabas na may pagkakaiba ang bilang sa manual at electronic count. Exclusive, nagpa-Patrol, Ina Reformina. TV Patrol World, Huwebes, Mayo 27, 2010

Locsin set to dismiss poll fraud testimonies

Ibabasura ni House Committee on Suffrage and Electoral Reforms chairman Teddy Locsin ang mga testimonya kaugnay sa mga election operator na nag-alok ng serbisyo sa ilang kandidato para dayain ang halalan. Kabilang na rito ang testimonya ng whistleblower na si "Alyas Robin" o "Koala boy." Nagpa-Patrol, Ryan Chua. TV Patrol World, Huwebes, Mayo 27, 2010

After lengthy debates, joint committee starts canvass with OAV results

Sisimulan na ng joint canvassing committee ng Kongreso para mabilang na sa wakas ang mga resulta ngpresidential at vice presidential elections. Pero dahil di pa napapanatag ang kalooban ng mga kumukwestiyon sa ilang kaplpakan sa automated elections, uunahin muna ang mga resulta sa Overseas Absentee Voting na mano-mano bumoto at binilang at pinadala sa Kongreso. Bago nito, mahaba at mainit ang mga debate sa loob ng komite. Nagpa-Patrol live si Lynda Jumilla, TV Patrol World, Huwebes, Mayo 27, 2010.