Latest Video
Villar shows off controversial Iloilo subdivision
Mainit na sinalubong ng mga taga-Iloilo si Nacionalista presidential candidate Manny Villar na ang ama ay isa ring Ilonggo. Kagaya ng ginawa sa kontrobersyal na C-5 road issue, isinama rin ni Villar ang media sa kanyang magarang subdivision na dating palayan at sinasabing iligal na ginawang tirahan ng mga mayayaman sa Iloilo City. Nagpa-Patrol, Alvin Elchico. TV Patrol World, Huwebes, Pebrero 18, 2010
Pinoys in Malaysia vow to be vigilant in polls
Kapamilya, maging sa ibang bansa umarangkada na rin ang Boto Mo, Ipatrol Mo: Ako ang Simula. Nagparehistro para maging Boto Patroller ang mga OFW sa Malaysia. Hindi man daw sila makakapagbantay sa halalan, pwede naman nilang iparating sa pamahalaan ang kanilang mga hinaing. Mula Kuala Lumpur, Malaysia, nagpa-Patrol, Stanley Palisada. TV Patrol World, Huwebes, Pebrero 18, 2010
Muntinlupa searching for leader to continue city's growth
Pabahay at trabaho! Ito ang dalawa sa pinakamalaking isyung hinahanap sa mga kandidato sa Muntinlupa City. Nakasalalay daw kasi sa susunod na liderato sa Muntinlupa ang tuluy-tuloy na pag-unlad nito. Nagpa-Patrol, Atom Araullo. TV Patrol World, Huwebes, Pebrero 18, 2010
Gibo wows Makati businessmen; Erap admits lack of funds
Pinoproblema ngayon ni dating pangulong Joseph Estrada ang kakulangan ng pondo sa kampanya. Napabilib naman ni administration candidate Gilbert Teodoro ang liderato ng Makati Business Club na karamihan ay sumusuporta kay Senador Benigno Aquino III. Nagpa-Patrol, Willard Cheng. TV Patrol World, Huwebes, Pebrero 18, 2010
Solar car takes advantage of sun, hits the highway
Kung problemang dulot ng sobrang init ng araw ang dala ng nararanasan nating El Niño, pakinabang naman ang dala nito para paandarin ang solar car. Iwas-usok, kaya mabuti sa kalikasan, 'yun nga lang may kamahalan! Nagpa-Patrol Atom Araullo. TV Patrol World, Huwebes, Pebrero 18, 2010
Water supply woes to hit Metro Manila
Makakaranas ng matinding kakulangan sa supply ng tubig ang mahigit 600 barangay sa Metro Manila simula sa Mayo! Pero siniguro ng MWSS na rarasyunan nila ng tubig ang mga maapektuhang lugar. Naniniwala naman ang grupong Consumer and Oil Price Watch, lalong pinalala ang sitwasyon sa tubig ng problema sa kuryente at sinisi ang gobyerno dahil sa kakulangan daw nito ng paghahanda. Nagpa-Patrol, Zen Hernandez. TV Patrol World, Huwebes, Pebrero 18, 2010
ABS-CBN is big winner in USTv Awards
Mga Kapamilya, panalo muli tayo sa USTv Awards na ginawad ng mga estudyante ng University of Santo Tomas. Nagpa-Patrol, Phoemela Baranda. TV Patrol World, Huwebes, Pebrero 18, 2010
ABS-CBN files case vs MTRCB over 'Showtime' issue
Kinasuhan ngayon ng ABS-CBN sa Ombudsman ang MTRCB kaugnay pa rin ito sa umano'y hindi makatarungang suspensyon sa programang Showtime. Nagpa-Patrol, Marie Lozano. TV Patrol World, Huwebes, Pebrero 18, 2010