Latest Video
Comelec to enforce strict campaign rules Tuesday
Sisimulan na ng Comelec ang pagpapatupad ng campaign rules mamayang hatinggabi para makasiguro na walang kandidatong lalabag dito, sa pag-umpisa ng campaign period. Ipagbabawal na ang paglagay ng mga poster ng kandidato sa mga puno, poste at iba pang lugar maliban sa itinalagang "common poster area". Nagpapatrol, Sheryll Mundo. TV Patrol World, Lunes, Pebrero 8, 2010
Body of Pinay trapped in collapsed Haiti supermarket recovered
Natagpuan na ang bangkay ng isa sa dalawang Pinay na na-trap sa gumuhong Caribbean Supermarket isang buwan matapos ang malakas na lindol sa Haiti. Hindi naman matanggap ng mga magulang ng OFW na patay na nga ang kanilang anak. Mula sa Pasay City, nagpapatrol, Niña Corpuz. TV Patrol World, Lunes, Pebrero 8, 2010
Irritated with traffic, man causes EDSA counterflow accident
Arestado ang isang lalaki matapos mag-counter flow sa EDSA at walang habas na pinagbabangga ang may 20 kasalubong na sasakyan! Nagawa raw niya ito dahil sa inis nang maipit sa matinding trapiko! Exclusive, nagpa-Patrol si Abner Mercado. TV Patrol Linggo, Pebrero 7, 2010
Hundreds of dancers participate in 'tinikling showdown'
Nagkasubukan ang may 1,000 folk dancers mula sa iba't ibang bahagi ng bansa matapos sumabak sa sabayang pagti-tinikling! Pero di tulad ng simpleng pagsasayaw, ginawa ang tinaguriang 'tinikling showdown' sa loob ng 15 minuto nang walang tigil! Nagpa-Patrol, Marc Logan. TV Patrol Linggo, Pebrero 7, 2010
Kin of detained 'health workers' to lodge protest at SC
Nagprotesta sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal ang ilang kaanak ng 43 health workers na inaresto dahil hinihinalang NPA sila. Plano nilang magsumbong bukas sa Korte Suprema. Nagpa-Patrol, Cecille Lardizabal. TV Patrol Linggo, Pebrero 7, 2010
Pinoy boxers to slug it out on Valentine's Day
Limang pinoy boxers ang makikipagbakbakan sa Valentine’s Day sa Las Vegas, Nevada para sa Pinoy Power 3. Kumpiyansa ang kampo nina Gerry Peñalosa at Bernabe Concepcion na sila'y muling magka-kampeon laban sa mga pambato ng Puerto Rico. Nagpa-Patrol mula sa Los Angeles, California, Dyan Castillejo. TV Patrol Linggo, Pebrero 7, 2010
Comelec starts printing ballots, but only for training
Ngayong araw ang idineklarang petsa ng Comelec para sa pagsisimula ng pag-imprenta ng 50 milyong opisyal na balota para halalan! Ito'y matapos na maudlot nang dalawang beses na! Pero nang puntahan ng ABS-CBN news team ang National Printing Office kanina, sa halip na official ballots, training ballots pa lang pala ang hinahabol na maimprenta! Nagpa-Patrol, Zyann Ambrocio. TV Patrol Linggo, Pebrero 7, 2010
'Comelec should make sure polls push through'
Hindi kuntento ang mga election observers at watchdogs sa resulta ng ginanap na mock polls kahapon. Ayon sa kanila, kailangang tiyakin ng Comelec na mapaplantsa nito ang mga aberya kung ayaw nitong magkagulo o magkaroon ng failure of elections. Nagpa-Patrol, Joey Villarama. TV Patrol Linggo, Pebrero 7, 2010