Latest Video

6 dead in California blast

Anim na ang kumpirmadong patay sa naganap na pagsabog at malaking sunog sa Bay Area sa California, USA. Sumabog na gas line ang sanhi ng trahedya. Libo-libong residente ang inilikas, kabilang na ang maraming Pilipino na nakatira doon. Magba-Bandila si North America Bureau Chief Ging Reyes. Bandila, Biyernes, Setyembre 10, 2010

Oktoberfest celebrations launched at MOA

Umarangkada na ang taunang Oktoberfest sa Mall of Asia (MOA) grounds. Ito ay buwang kapistahan na unang ipinagdiwang sa Germany. Bukod sa umaapaw na beer, dinayo din ang pasiklaban ng mga sikat na banda. Magba-Bandila si Apples Jalandoni. Bandila, Biyernes, Setyembre 10, 2010

Questions remain on Ivan Padilla's death

Hindi pa rin mapalagay ang naiwang pamilya ni carjacking suspect Ivan Padilla apatnapung araw matapos siyang mapatay nang maka-engkuwentro ang mga pulis sa Makati. Nais pa ring malaman ng pamilya ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni Ivan. Bandila, Biyernes, Setyembre 10, 2010

Marc Logan's collection of YouTube hit wannabes

Marami nang sumikat sa YouTube, gaya na lamang nina Charice at Arnel Pineda, kaya naman maraming nagbabakasali na sa pamamagitan ng kanilang video ay tanghalin din silang YouTube sensation. Ikaw na ang humusga kung may ibubuga sila. Nagpa-Patrol, Marc Logan, TV Patrol, Biyernes, TV Patrol

Fans worldwide post own versions of Charice's hit 'Pyramid'

Humataw sa Top 10 ng US Billboard charts ang hit single ni Charice na “Pyramid.” MIlyun-milyon ang napapakanta sa single ni Charice na ginawan na ng samu’t saring bersyon sa iba’t ibang panig ng mundo. Nagpa-Patrol, Marie Lozano, TV Patrol, Biyernes, Setyembre 10, 2010

Clark airport exec has biggest pay in GOCCs?

Hindi ang mga opisyal na iniimbestigahan sa Senado ang may pinakamalaking suweldo! Ayon sa isang mayor ng Pampanga, limpak-limpak ang sinusweldo ng pangulo ng Clark International Airport Corporation. Nagpa-Patrol, Anthony Taberna, TV Patrol, Biyernes, Setyembre 10, 2010

Manila police's negotiator sacked from post?

Pinuntahan ng ABS-CBN ang tanggapan ni Superintendent Orlando Yebra, isa sa mga tumayong hostage negotiator noong kasagsagan ng Manila hostage crisis. Ito ay matapos lumabas ang balitang nasibak na siya sa puwesto. Nagpa-Patrol, Maan Macapagal, TV Patrol, Biyernes, Setyembre 10, 2010

Writer says Floyd's tirade shows fear

Kinondena hindi lamang ng mga Pinoy kundi maging ng National Association for the Advancement of Colored People (NAACP) ang ginawang pambubuska at racial remarks ni Floyd Mayweather Jr. kay Manny Pacquiao. Nagpa-Patrol, TJ Manotoc, TV Patrol, Biyernes, Setyembre 10, 2010