Latest Video

Kristine Hermosa available; Gabby greets Sharon

Bukas na raw ang puso ni Kristine Hermosa na magmahal muli! 'Di naman nakati-is na mag-react ang aktres sa isyung break na ang ex nyang si Diether Ocampo at non-showbiz girlfriend nito. May belated greetings naman si Gabby Concepcion sa ex-wife na si Sharon Cuneta. Nagpapatrol, Marie Lozano.

Bomb found in Quezon City condo

Nabulabog ang mga tenant ng isang condominium sa Timog Avenue, Quezon City kanina dahil sa nadiskubreng package sa gusali na laman ang isang hinihinalang bomba! Nagpapatrol, Gus Abelgas.

Collapse of portion of SM mall's sunroof injures 2

Dalawa ang sugatan nang mabagsakan ng bahagi ng salaming bubong o sunroof ng The Block sa SM North Edsa kaninang hapon. Isa sa nasugatan ang isinugod sa ospital. Live, mula sa Capitol Medical Centre, nagpapatrol, Ryan Chua.

Black Nazarene devotees flock to Quiapo

Sa Quiapo naman, pistang-pista na ang pakiramdam kahit bukas pa ang malaking selebrasyon at kahit wala sa simbahan ang poong Nazareno. Live mula sa Quiapo church, nagpapatrol, Adrian Ayalin.

Start of Feast of Black Nazarene orderly

Dinadagsa man ng mga deboto, maayos namang nasimulan ang tradisyon ng pahalik sa poong Nazareno. Live pa rin mula dito sa Luneta, nagpapatrol, Jorge Cariño.

Angel Locsin, Anne Curtis loveless no more?

Sila na nga ba ulit? 'Yan ang tanong na ipinupukol ngayon sa magkaibigang sina Anne Curtis at Angel Locsin na umano'y sinusuyo muli ng kani-kanilang ex na sina Sam Milby at Luis Manzano. Kung loveless nga sila noong Pasko, tiyak na bang magkakaroon sila ng ka-Valentine sa Pebrero? Nagpa-Patrol  Marie Lozano. TV Patrol World, Huwebes, Enero 7, 2010
 

A sexy welcome for 2010 from Angelica, Krista, and Mocha

Itinodo na ni Angelica Panganiban ang pagpapa-sexy sa pinaka-daring niyang proyekto na "Rubi." Bumandera naman bilang 2010 calendar girls ang kontrobersyal na sexy stars na sina Krista Ranillo at Mocha. Nagpa-Patrol Gretchen Fullido. TV Patrol World, Huwebes, Enero 7, 2010

Policeman vents ire on ABS-CBN crew over 'VIP treatment' allegations

Pinag-initan ng isa sa mga tauhan ng CIDG ang ABS-CBN News team na nagko-cover sa Camp Fermin Lira sa General Santos City. Ito'y matapos ang pag-ere ng balita ng umano'y VIP treatment ng CIDG sa mga nakakulong na miyembro ng pamilya Ampatuan doon. Pati ang camera ng News Team, hinawi ng isa pang pulis. Exclusive, nagpa-Patrol,Jay Dayupay. TV Patrol World, Huwebes, Enero 7, 2010